Jelay.
"Ate pahiram ako ng cellphone." sabi saakin ng kababata kong kapatid na si Joy.
"Ayoko! Dun ka nga! Ayokong makita yang pagmumukha mo!" Sigaw ko sakanya habang hinihila hila yung damit niya palabas sa kuwarto ko. Ayoko talaga jan sa kapatid kong yan eh. Lahat nalang hinihiram tapos laging sakanya pabor ang mga magulang namin! Pwe
Di ko nga alam kung anong meron jan kay Joy eh, bakit lahat sila siya ang kinakampihan sus! Kung ayaw nila sakin di wag nila! Problema ba 'yon?
"Jelay ano nanaman ang ginawa mo sa kapatid mo ha?!" Bigla akong napatingin sa pumasok sa kuwarto ko at nakita ko si Inay na nakapamewang habang pinapagalitan ako. Hay
"Baket? Nagsumbong nanaman yang anak niyo ha?!" balik sigaw ko kay Inay. Buwisit ayoko ng ganito eh! Lagi nalang ako ang mali, nakakainis na.
"Umayos ayos ka ng pananalita mo Jelay ha! Kung ayaw mong palayasin kita dito! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kapatid mo yan. Bunso mong kapatid! Bakit ba galit na galit ka sakanya ha?!"
"WALA!" balik sigaw ko.
"Aba'y bastos ka talaga ha!!" biglang sumugod si inay saakin at hinila hila ang buhok ko.
"A--ah a--ray Inay!! Nasasaktan ako!!" nangingilid na ang aking luha dahil sa lakas ng pagsabunot sa akin ni Inay.
"Mama! Tigilan niyo na po yan! Wala naman pong ginawa saakin si ate eh!" mas lalo akong nainis nang marinig ko ang boses ng walangya kong kapatid na si Joy. Buwisit dahil sakanya kaya ako nagkakaganito at kung bakit ako nasa ganitong posisyon ngayon! Tapos ngayon nag pi-feeling bayani, magaling, darna?! Ha! Neknek niya. Buwisit
Tinigil na ni Inay ang pagsasabunot saakin at tiningnan ako ng masama. Kita niyo na?! Basta kung anong sinasabi ni Joy sinusunod.
"Tandaan mo Jelay, magulang mo kami! Pag kami nawala kawawa ka talaga!" dagdag sermon niya pa bago siya tuluyang umalis sa kuwarto ko. Blah blah blah napa roll eyes nalang ako.
"Oh ano pang ginagawa mo jan ha?! Alis!" sigaw ko kay Joy dahil hindi pa umaalis sa kuwarto ko. Ano? para mang-asar kaya ba siya nandito pa? Hala! Wag niya kong subukan ngayong mainit ang ulo ko. Baka tuluyan na akong mapalayas pag hindi ako nakapagtimpi sa isang to.
"Ate pahiram kasi ako ng Cellphone." pag-uulit na naman niya. Asdldkfjg tiis tiis lamg Jelay. Wag mo munang patulan yang walang ya mong kapatid kung ayaw mong mapalayas. Sabi ng utak ko.
"A. YO. KO. Pag sinabi kong ayoko, AYOKO! Kaya Alis!" malakas na sigaw ko. That's it! Hindi na ako nakapgtimpi sa isang to. Sasapakin ko na to eh.
Ang loka nginitian ako bago lumabas sa kuwarto ko. Ewan ko kung para saan yung ngiti na 'yon.
*****
Kasalukuyan kaming kumakaing apat ngayon. Tahimik na kumakain. Ako, si Joy, Si mama at papa.
"Oh, kamusta school Jelay at Joy ha? Mabuti naman ba?" biglang basag sa katahimikan ni Papa habang kumakain kami. Kararating lang niya galing trabaho.
Tumango nalang ako bilang sagot. Wala talaga akong gana kumain lalo na't kasabay si Joy.
"Opo papa! Mabuting mabuti naman po! Ako nga po ang high score sa exam namin sa Math eh!" masiglang sagot naman ni Joy kay Papa na siyang dahilan para mapa roll eyes na naman ako. Langya hanggang dito ba naman magpapasikat siya?
"Psh, pasikat." bulong ko.
"Wow! Magaling anak! Dahil jan anong gusto mong regalo kay papa ha?" tanong ulit ni papa kay Joy na parang tuwang-tuwa sa kaniyang narinig. See? Ganyan nila kagusto ang kapatid ko habang ako? Eto parang hindi nag e-exist sa paningin nila.
YOU ARE READING
Cellphone Ni Bunso. (One Shot Story)
Short StoryAng cellphone ng aking nakababatang kapatid. Kung pwede lang ibalik ang kahapon, kung pwede lang itama ang aking mga maling nagawa sakanya. Kung pwede lang.. Ps: Hindi ito horror ha! :D
