“well, as usual.. you’re invited to our anniversary!” masayang sabi ni valerie. Napahawak naman sya sa noo. That ring a bell.

“oo nga pala! Nakalimutan ko!”

“masyado ka kasing nagpapaka busy, masyado mong ibuhos yang buong atensyon mo sa anak mo. Have a break danica. Let him grow up in his own..” sabi sa kanya ni valerie. Tama nga naman ito. Bukod sa trabaho nya ay sa anak nya na napupunta lahat ng attention nya. What can she do anyway, daniel is everything for her.

“oo nga! Have a break, have a kitkat!” sabi naman ni jeric sa kanya.

“which reminds me, kaya nga pala kami pumunta dito ay para yayain ka sa vianna’s!” sabi naman ni valerie.

“uhh. I think I’ll pass.  Magluluto pa ako ng dinner tsaka walang magbabantay kay daniel”

“ikaw nagluluto? Oh come on! Kaya hindi nataba ang anak mo eh! Hahahaha!” pang aasar ni valerie sa kanya. Nagpipigil naman ng tawa si jeric. Pero imbis na mainis ay natawa na lang din sya. Bigla ulit nagsalita si valerie..

“kasama namin ang yaya ni Kyrine, nasa labas nya and we even brought one para kay daniel kaya kung pinoproblema mo ang dinner at ang babysitter pwes meron ka na kaya di ka na pwedeng tumanggi!” sabi naman nito sa kanya at tumayo na silang mag asawa.

“oh come on danica, just for a couple of hours. Pleaaaase? For old time’s sake?” valerie pleaded. Ano pa nga ba ang magagawa nya? Eh nandito na sila sa bahay nya kaya sumama na sya. Kinausap nya muna ang dalawang yaya bago sila tuluyang umalis at nagpunta sa vianna’s..

@Vianna’s Café..

We talked about random stuffs about life at pati yung mga kalokohan namin noon ay napag usapan din namin. It’s really nice to do some throwbacks. Nasa harapan ko ngayon si Valerie at Jeric. Limang taon na rin kasal ang dalawa pero kung umasta ang mga ito ay parang mga teenager parin na nagliligawan.

Bigla tuloy syang nakaramdam ng inggit sa dalawa. Bigla tuloy sumagi sa isip nya si xander. Kahit papano naman ay may nasasagap syang balita tungkol dito. Nalaman nyang bumalik ito sa Korea after ng incident na nangyari noong last chapter (haha. Wala lang natatawa ako sa part na to XD) Minsan kasi, sinasadya ng mga kaibigan nya na magsabi ng tungkol kay xander whenever there’s a reunion.  At tuwing may reunion, isa lang ang kulang.. at si xander yun.

Naisip nya, hindi na siguro ito babalik ng pilipinas, na siguro may girlfriend na ito doon. Which reminds her of loraine.. di kaya yung dalawa ang nagkatuluyan? Baka may sarili na rin silang pamilya. Her heart felt a slight pain ng maisip nya ito.

Since the last night that they saw each other, she had never been the same danica again. Hindi nya pinagsisishan ang lahat ng nangyari sa kanila ni xander, she cherished all the memories she had with him. She loved Xander with all of her heart. Ang kaisa isang pinagsisisihan nya lang ay ang pagiging mahina nya. ang pananakit nya sa lalaking mahal nya. Tanggap nya sa sarili nya na tapos na ang lahat sa kanila but there’s one thing that she’s still hoping.. she’s still hoping that maybe someday, she could ask for his forgiveness. Kahit yun lang.

 Humigop sya ng kape ng sakto namang may nagsalita sa may likuran nya..

“Hey, sorry I’m late.. I was just---“ napatigil ng pagsasalita ang lalake ng biglang magtama ang kanilang paningin. Muntik nya ng mabuga ang iniinom na kape ng makita nya kung sino ang nasa harapan nya ngayon.

“uhh. Sorry guys, nakalimutan kong i-inform na double date pala tayo. Okay lang ba?” sabi naman ni valerie. The two both showed their sheepish grin. Wala munang umimik saming apat ng bigla naman syang nagsalita.

“yeah, it’s fine” umupo ito sa tabi ko, kahit na isang ruler lang ang pagitan namin, pakiramdam ko halos isang kilometro ang layo nya sakin. Na kahit ang lapit lapit nya na, hindi ko pa rin sya kanyang abutin.

“kararating mo lang nung Saturday diba? So how’s korea?” tanong ni jeric kay xander, then sumulyap ito sa kanya. Alam nya na ang binabalak ng mga ito.

“fine. There were lot’s of hot chicks. One time I met 2ne1 ng napadaan ako sa YG” sagot naman nito. Ah ganon? marami palang chicks ha?

“ahh. So may naiwan kang girlfriend don? O kasama mo ngayon?” tanong naman ni valerie at sumulyap naman ito sa kanya. Obvious na obvious ang mag asawa oh.

“nah. I don’t have a girlfriend, just some casual relationships. I’m not into serious commitments anymore”  sagot naman ni xander ng hindi man lang tumitingin sa kanya. Kahit papano naman ay gumaan ang pakiramdam nya sa nalaman.

Sinimulan na lang ng mag asawa na pasiglahin ang usapan habang ikinekwento ang tungkol sa gaganaping party para sa anniversary nilang dalawa. Hindi naman ako makapag focus sa pakikinig kasi nababaling ang atensyon ko kay xander na  haltang walang kainte-interes sa sinasabi nilang dalawa.

She examined his physique. Lalo itong gumwapo, he looked rugged and much more masculine than ever. Parang hindi ito tumanda at lalong nagpagwapo dito ang pagkakaroon nito ng beard.

After several minutes ay nagpaalam na sya, almost 6:30pm na rin kasi. Pagtayo nya ay saktong nahagip ng mga mata nya na nakatingin sa kanya si xander, it was a quick gaze but she managed to see through his eyes.

Hindi nya mapaliwanag kung anong emosyon ang nakita nya sa mga mata ni xander. It was a mixture of coldness and pain or something like.. longing.

**********

expect the update to be published after a week or more. ang hirap mag isip promise. hahahahaha. XDDDD kulang na ako sa tulog kakaisip ng gagawin ko dito. btw. VOTE & COMMENT naman guys. tell something about this chapter. i wan't to know what's on your mind guys. nag aala-facebook na ko! hahahaha ♥

A Gangster's Kiss II : Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon