Allergic sa Henna [Oneshot]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anong tinatawa tawa niyo dyan? Hindi nga ako bakla!" iritang sabi niya

"Whatever you say bro." tinapik na lang ni Francis si Paul habang tawa pa kami na tawa.

Lumipas ang isang linggo, nawala na yung allergies ko, sa wakas. Free from the itch. Pero last week was hell. Yung tattoo ko, pumula. The tattoo was surrounded by red. Yung parang nasunog yung itchura pero hindi naman, allergy lang talaga.

Anyway, at least wala na. At hindi ko na ulit yun gagawin. I swear, I'll stay away from Henna forever.

Excited na kaming makita ang mga exchange students. Malay mo may maganda, then I can fool around with one. I know ma'am said not to, pero hindi yan maiiwasan, lalo na sa malusog na nagbibinatang lalake tulad ko. I didn't mean it in a green way though, pero kung iyon ang naisip niyo, pwede na rin.

Nasa labas kami ng building ng barkada nang may dumaan na babaeng maganda. Hindi siya naka-uniform namin, obviously, isa siya sa mga exchange student.

What caught my attention, napakasimple niya lang. Mahabang buhok na nakababa, naka headband lang na puti, maayos ang uniform. Walang alahas na nakasabit, isang simpleng itim na relo lang.

Kulay tsokolate ang mata, morena.. simple. Just the way I like it. Napangiti ako sa sarili ko.

"Dude! Laway mo tumutulo."

"Pakyu"

Hindi ko maalis sa isip ko yung babae, gusto ko siyang makita ulit.

"Mukhang tinamaan tong si Pareng Tom dun sa chicks kanina" pang aasar ni Louie

"Maganda eh" sabi ko

Napatingin silang lahat sakin.

"Bakit?"

"Shit. You were serious?" tanong ni Hans

Napailing na lang ako sa ikinikilos nila at tumawa.

"I'll let your imagination do the work for me"

Magsasalita pa sana si Paul pero pumasok na yung adviser namin-teacher namin sa Stat.

"Good morning class. I will now introduce to you your 1 month classmates." At pumasok sila

Napasinghap ako nang makita ko yung babae kanina.

"Dude." sabi sakin ni Francis. Tumango na lang ako.

Isa isang nagpakilala ang mga magiging kaklase namin. May mga mababait naman, may mga suplada. Pero isa lang naman akong inaabangan.

"U-uhm, hello po." mahinhin niyang batid

"Hello!" sabi nang mga lalake sa klase namin. Kasama na ako dun.

Natawa siya nang konti sa naging response ng klase. "Nice to meet you po. Ako po pala si Henna. Henna Defeo"

Shit. I spoke too soon.

I'll stay away from Henna forever.

I'll stay away from Henna forever.

I'll stay away from Henna forever.

I'll stay away from Henna forever.

I wish you goodluck Tom Romulo.

-------------------------------------

I don't give a damn about the girl's name. It's just her name and that won't stop me from being interested in her.

"Haha. Hindi po! Wala po akong boyfriend." sabi ni Henna

Nasa gilid si Henna, pinapalibutan ng mga lalake at nakikipagtawanan. Nakikita kong masasama ang tingin ng mga babae sakanya. Wth? Girls talaga.

Allergic sa Henna [Oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon