CHAPTER 6: 1st Date for A Cause

Magsimula sa umpisa
                                    

I furrowed my brows. Why would I complain? Saan ba kami pupunta? Don’t tell me we are going to a mountain-hiking trip? At bakit naman ako mababastos, aber? Sa squatters area ba kami pupunta or anywhere na may mga tambay at nag-iinuman? (O____O)

******


BRGY. DALISAY PUROK DOS

What is this place? Anong ginagawa namin dito? Is this where we are going to have our first official date?!! You gotta be fcking kidding me?!! This is not the date that I hoped for! Huhuhuhu hirap na hirap na naman ako matulog kagabi kakaisip kung anong pakulo ang gagawin ni Tyrone sa date namin tapos dinala niya ako dito sa Purok Dos, what baranggay again? Ah, Brgy. Dalisay. And not only that, pinaglakad pa niya ako ng almost thirty minutes bago narating itong lugar na ‘toh. I forced myself not to complain while on the way kasi baka sabihin niya ang arte ko! (T___T)

“Tyrone, what’s this place? Bakit dito mo ako dinala?” hindi sa naiinis ako ha pero nakakabadtrip kasi. Ang init init tapos nakakapagod kaya maglakad! Tirik na tirik ang araw! Eh naka-dress pa naman ako diba? Huhuhu di nga ako nagreklamo na mainit eh kasi pati sya naman naiinitan din, not to mention na ang dami pa niyang plastic bags na dala. (T^T)

“Dito rin tayo nagpunta nung nilibre kita sa gotohan, ibang way lang kasi nasa bandang unahan yung gotohan eh.” sabi niya sa akin. Tumigil kami sa parang isang shed tapos may tinext sya. Yung totoo? Bakit ba lagi na lang kami sa baranggay na ‘toh napunta? What’s so special with this place? Dahil dito sya lumaki? (~__~)

“Uy Patis, wag ka ng tumunganga diyan. Sumunod ka na sakin, late na tayo.” Tapos binuhat na niya ulit yung mga nilapag niyang plastic bags kanina sa ground at naglakad papunta sa isang kanto. OMG. Maglalakad na naman kami!!! Arghhhh!

“Huy wait kasi!” tawag ko sa kanya kasi halos tumakbo na ako maabutan lang sya. It’s my fault, ang bagal ko kasing maglakad. Pero kasalanan din niya yun, palibhasa, matangkad, kaya mahaba ang legs niya, so basically, malaki sya humakbang kesa sa akin na naka-wedge pa. Hmp. (ToT) Naabutan ko na sya nung tumigil sya, at may kausap na babae.

“Ate Gina, ito po si Patrice. Tutulong po sya sa atin ngayon.” Hila sa akin ni Tyrone, inakbayan ako atsaka ipinakilala sa akin si Ate Gina. TUTULONG SAAN?! (O____O)

“Mabuti naman hija at tutulong ka din ngayon. Ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako. Maraming maraming salamat talaga sa inyo, lalo ka na, Tyrone.” Tuwang- tuwa na sabi ni Ate Gina tapos kinuha pa yung kamay naming pareho ni Tyrone at ishi-nake iyon.

“Wala po yun. Ang mabuti po mag-umpisa na kami. Sya nga po pala, pwede po bang pahiramin niyo muna ng damit si Patrice?” Sabi ni Tyrone tapos tiningnan ni Ate Gina yung suot ko at sumang-ayon na kailangan ko nga daw magpalit.

Loving a 'G'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon