CHAPTER 4: After School Guest

Magsimula sa umpisa
                                    

“Dito ko gusto eh. Nakakain ka na ba dito?” tanong sa akin ni Tyrone. Nilapag ko yung gamit ko sa tabi ko. Wala naman sigurong mangunguha ng bag ko dito, noh? And if ever na meron man, papahabol ko na lang yung magnanakaw kay Tyrone. XD

“Actually, not yet. This is my first time in this place.” Not only in this place but this will also be my first time eating lugaw or goto. No, don’t get me wrong, hindi ako nag-iinarte, okay? Nakain ako ng street foods. Kwek-kwek, fishballs, squidballs, kikiam and everything pero hindi ko pa talaga nata-try kumain ng lugaw or goto sa tabi-tabi. I was just being cautious kasi baka hindi malinis yung makainan ko.

“Ahhh. Wag kang mag-alala, malinis itong kainan na ‘toh. Kilala ko may-ari. Masarap talaga goto nila dito. Ako na oorder para sa atin ha?” sabi niya tapos kinausap yung aleng nagtitinda.

Waaa, weird talaga nitong lalaking ‘toh, ngayon naman ang bait niya sa akin. At talagang sinundo pa niya ako para lang kumain, diba? Pero akalain mo yun, nakain pala sya sa mga gantong lugar, paano kaya niya nalaman ‘tong place na ‘toh at kilala pa daw niya ang may-ari. I think he’s frequent here that’s why. *shrugged*

After some minutes, inabot na nung ale yung tray ng order namin. In fairness, ang laki ng bowl ng goto nila. At meron pang toppings sa ibabaw. Inabot ko yung kutsara at hinalo yung bowl ko. Merong mga atay at balunbalunan (is that the right word for that? I’m not sure, sorry >:D). Then meron pang boiled egg! Nakaka-excite naman! Hahaha!

“Uy Tyrone, nakain ka nito? Sayo na lang yung akin ha.” Sabi ko sa kanya tapos nilipat yung mga atay at balunbalunan sa bowl niya. Hindi talaga ako nakain nun, itlog lang solve na ako! XD

“Bakit di ka nakain niyan? Sarap kaya yan.” Sabi niya, may inabot syang lalagyanan sa unahan namin. Ako naman, sinimulan ko ng kumain. He said malinis daw dito sa okay lang siguro na kumain ako, noh? Isa pa, gutom na rin ako eh. Hehe.

“Uy, patis, tingnan mo ‘toh, ikaw ‘toh oh.” Sabi nya tapos mahinang tumawa. Hawak hawak niya at pinapakita sa akin yung bote ng patis. Sinimulan na niyang lagyan ng patis yung bowl ng goto niya.

“Ang kulet mo. Hindi nga kasi patis ang pangalan ko! Patrice! Pat-ris! Okay?!” kaurat ‘tong lalaking ‘toh. Dinedma lang ako at sinimulan ng kumain. Napairap na lang ako at kumain na din. HAYNAKO! Bahala na nga sya sa buhay niya! XD

“Ah, nga pala. May itatanong ako sayo.” Sabi niya bigla. Lumingon ako sa kanya tapos nakita kong nagpunas sya ng bibig gamit yung tissue tapos sinabi na niya yung tanong niya sa akin.

“Nung nakita kita nun sa bus stop, bakit ka umiiyak nun?” tanong niya. Uminom ako ng tubig tapos nagpunas din ng tissue sa bibig ko. Oo nga pala, di pala niya alam yung dahilan.

Loving a 'G'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon