CHAPTER 4: After School Guest

Start from the beginning
                                    

“Okay, gerl! Una na kami sayo ha!” bati sa akin ni Charisse. “Yup! Uwi na agad sa bahay ha! Ayaw na naming pagalitan ni Tita Katrice kapag nawala ka na naman!!” sabi ni Aira. Natawa naman ako. Nung hindi kasi ako umuwi, sa kanila ako hinahanap ni Mommy.

 

“Oo na! Uuwi na nga, eh! Ingat kayo, girls!” sabi ko at kumaway sa kanila. Naghiwalay na kami ng direksyon sa paglalakad. Sa Gate 1 kasi ako naghihintay kay Manong Jose tapos yung dalawa, sa Gate 2 nadaan. They are living in the same boarding house.

 

“Psst.” Napalingon ako sa nag-sitsit sa akin. Muntik ng mahulog yung panty ko nung makita ko si Tyrone. Ooh lala, nakaupo sya sa hood ng kotse niya. Nakasuot sya ng plain black shirt, pantalon tapos Converse. He’s also wearing sunglasses. Shit. Napakasimple lang niyang pumorma pero yung dating niya parang iba eh! para syang isang model na lumabas mula sa isang magazine! Super lakas ng charisma niya, lalo na at meron syang mga piercing sa tenga niya, nakadagdag yun sa bad-ass vibes niya! *O*

“Hala. Anong ginagawa mo dito?” tanong ko habang naglalakad palapit sa pwesto niya. Hindi sya tumayo sa pagkakaupo sa hood niya at tiningnan lang ako.

“Sinusundo ka.” Simpleng sagot niya sa akin. Kumunot yung noo ko. Why is he picking me up? Saan ba kami pupunta?? Nagsabi ba sya na susunduin niya ako? Eh hindi nga sya nagte-text man lang sakin. Kinuha kuha number ko, di naman pala magte-text.

“Where are we going? Atsaka paano mo nalaman na nandito ako?” I asked him. Hindi kaya stalker ko na sya? Hihihi ganda ko kasi xD

“Nakita ko yung uniform mo, syempre alam ko kung saang school ka. Tara na, kanina pa ako nagugutom kakahintay sayo. Ang late naman kasi ng labas mo.” Sabi niya, tumayo sa pagkakaupo atsaka ako hinila papasok ng kotse niya.

“Hey, wait. Hindi mo ako basta pwede na lang isama, may sundo kaya ako, hello?” sabi ko pero nakaupo na ako sa upuan. Sinara niya yung pinto ng kotse at umikot para sumakay naman sa driver seat.

“Ang laki laki mo na, may sundo ka pa? Hindi naman tayo magtatagal. Ihahatid na lang kita ulit sa inyo pagkakain natin.” Sabi niya atsaka nag-drive paalis. Haaayyy. Ano pa ba ang magagawa ko? Dapat siguro masanay na ako dito sa lalaking ito na minsan walang manners at basta- basta na lang ginagawa yung maisipan niya. (=___=)

*****

Nag-text ako kay Manong Jose na wag na lang pala ako sunduin. Sinabi ko na may kasama akong kaibigan at kakain kami ng dinner. I actually expected na sa isang fine class dining restaurant kami kakain but to my surprised, dinala ako ni Tyrone sa isang lugawan sa kanto. So fabulous, diba?

“What are we doing here? Dito na talaga tayo?” I asked him. Hinila niya ako paupo sa tabi niya. Wala akong nagawa kundi maupo sa pahabang upuan na kahoy. Napalunok ako, lumingon ako sa mga malalaking kaldero na nasa harapan namin, dun nakalagay yung lugaw or goto, whatever, I don’t know kung anong pinagkaiba ng dalawang yun. Tumingin din ako sa mga table sa paligid namin, maraming nakain, meron ding ihawan. Oh em, I don’t think I’m supposed to be here. (>___<)?

Loving a 'G'Where stories live. Discover now