Danger 2

33 5 2
                                    

Dedicated pala 'to sa iyung lahat at sa bestfriend ko! ;)eh alangan naman i tag ko lahat ng user ng wattpad noh?hehe kaya si Loy muna ngayun! dont worry kung kaya ko lang i ta-tag ko kayong lahat gagawin ko :D LOVE Y'ALL :D


Nag palakad-lakad ako sa hardin ng school namin at inisip ang mga kabulastugan sinabi sa akin ng aking mga bagong kaklase Hayyy! ang sasama nila. Purket ba galing sa public ganon nalang ang trato nila? NGEK NGEK nila!  Habang nag iisip ako, napapansin ko naman ang ibang mga estudyante na napapatingin sa akin ng masama ang iba naman ang parang nandidiri sa presensya ko sa mundong it. HMP! if i know insecure lang sila sa beauty ko! Kasi kung sila maganda pwes! ako, Magandang-maganda!


*BOOGSH* (A/N: Wag kayu! isipin nalang natin na tunog yan ng juice na natapon.HEHE)

"ANAK NG PU-"

"AY hahaha sorry miss kala ko kasi basurahan dito sa hardin...my bad. Hahaha hali na kau Damon" Shit. Langya yung lalakeng yun! ARGH! Inakala ba naman na basura ako!? sa ganda kung to? DAPAK!

"Shett... wala na akong ibang uniform. susuotin ko pa to bukas eh" bulong ko sa aking sarili habang umuopo sa malaking ugat ng puno. Habang nag pupunas ako, kinuha ko ang maliit na salamin sa foundation na ibinigay sa akin ng aking ina soyal noh?--Okay Damn. Pasalamat kayo mabait ako at hindi nag sisinungaling... Ge na, foundation talaga yun.. kaso yung foundationg nagamit na. alam niyo yun? yung foundation na halos wala ng laman tapos lalagyan mo nalang ng polbo para magamit pa

habang nakatingin sa salamin hindi ko mapigilang hindi tingnan ang repleksyon ng aking damit. Haaayyy... siguro tama nga sila. Siguro basura talaga ako. 2 nga lang ang uniform ko, sobrang kupas nito na yung palda ko naka ganso lang tapos lukot lukot pa kasi wala kaming plantsa. Bago pa kasi si ate sa ibang bansa at para maka trabaho siya duon, napilitan kami na isangla ang mga appliances namin.

hindi ko mapigilang hindi maiyak sa aking mga iniisip. Ganito ba talaga kapag galing public at mag tra-transfer sa private? hindi naman porket galing ka sa *SOB* public eh basura ka na. *SOB*

"yung luha mo tumutulo. " napaangat ang ulo ko mula sa pagkakaduko ng may narinig ako na boses


"s-sir?"

"eto oh panyo punasan mo yan" nakatayo siya sa harapan ko habang inaabot sa akin ang panyo. inabot ko naman yun at ipinunas sa aking pisngi at mata tapos ibinalik ko rin sa kanyang kamay.Bigla namang nag bago ang itsura niya nung ibinigay ko sa kanya ang panyo.

"bakit?" naguguluhan kong tanong.

"iba ka talaga. Matapos mong gamitin ibabalik mo kaagad? 'di man lang ako inalok na "Ibabalik ko lang ito sir kapag tapos ko na itong labhan"Unbelievable. " sabi niya sabya iling-iling.

"Huh?ganun ba yon? wag na sir uy! nakakapagod kaya maglaba! " sabi ko sabay balik sa posisyon kung naka duko.

"humarap ka Helga. " sabi niya. Sumunod naman ako sa kanyang utos at humarap na sa kanya.

"Ano yan?" sabi ko nung nakakita ko ang kapay ng inabot sa akin.



"kamay. " napa roll eyes naman ako sa sinabi niya.

"Naturingang teacher eh puta hindi mo ba alam na mali ang pamimilosopo?"

"bibig mo helga. "


"sorry" mahina kung sabi.

"sige, tara na" sabi niya sabay abot ulit ng kamay niya.

kinuha ko ang kamay niya at tumayo na mula sa pagkakaupo ko. at pinagpagan ang aking pantalon para matagal ang mga dahon dulot ng pagupo ko sa malaking ugat ng puno.

"tara" ulit na sabi niya.

"'san tayo?" sabi ko.

"Date."

Dangerous Way {Short Story}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon