NAGISING si Skye sa ingay ng pagsigaw ng kanyang ina. "IKAW TALAGA EDWIN ! WALA KA NA NGANG TRABAHO AYAW MO PANG MAG-HAGILAP NG PERA !" Sigaw ng kanyang Inang si Menggai. "Ano ba naman Ma', ang aga-aga nyong nagsisigawan hindi ba kayo nahihiya sa kapit bahay?" Suway naman ni Sha ang sumunod sa panganay na si Skye . "PANO kang hindi sisigaw tignan mo yang tatay mong batugan." Sagot ng kayang Ina. Habang ang Bunso naman nilang kapatid na si Moi' ay nakatutok sa Computer habang naglalaro ng League Of Legends. "Hayaan mo na nga sya. Nasan ba nakalagay ung P.E Uniform ko? Hindi ko kasi makita eh." Sambit ni Sha sa Ina. "Hanapin mo dun sa drawer na pink sa taas." Sagot nito. Nagmadali pumanaog paakyat si Sha' para kunin ang kanyang P.E Uniform dahil ito'y mala-late na sa pag-pasok.
"NOOB (Hindi marunong), wag ka na ngang magLOL (League of Legends)." Sinabi ni Skye sa kapatid na si Moi' na abalang-abala sa paglalaro. "Kaya pala, hindi ka manalo sakin." Sagot naman nito sa Kuya. Sa hindi kalayuan si Sha' naman ay nag-hahalungkat sa Aparador upang hanapin ang kanyang PE Uniform. "Papasok ka?" Tanong ni Skye sa kapatid. "Obvious ba?" Pilosopong sagot naman sa kanyang Kuya. Normal na kay Skye ang sagut-sagutin ng kanyang mga kapatid dahil ganito sila magpakita ng Apeksiyon ng pagmamahal sa isa't isa. "HINDI KO TINATANONG." Pilosopong sabi ni Skye sa kapatid. "AHAHAHA.. Hindi nya pala tinatanong eh, Wala ka pala Ate eh'." Sulsol ni Moi' sa narinig na pag-uusap ng dalawang nakatatandang kapatid. "Hay na ko! Maka-alis na nga." Ang iritableng sabi ni Sha' sabay mabilis na bumaba sa hagdan na nagmamadali dahil mala-late na ito sa kanyang pag-pasok.
"Nag-almusal na ba kayo?" Tanong sa kapatid na si Moi'. "Oo, mag-almusal ka na din dun sa baba." Sagot naman nito sa kanyang Kuya. Agad na bumaba si Skye upang makapag-almusal na hinanda ng kanyang Ina. "Oh, bakit ang ang ingay-ingay mo na naman Ma'." Tanong ni Skye sa Ina. "Eh kasi yung tarantadong tatay mo tinatamad na naman bumyahe kung hindi pa sisigawan hindi pa kikilos.." Habang umupo naman si Skye sa isang maliit na Couch na nakaharap sa isang mababang lamesa na kadalasang nakikita sa mga Japanese House na binili naman ng kanyang mga magulang sa isang Japanese Surplus. Pag-upo ay agad kumain ito ng almusal Mainit at mabangong pandesal kasama ang isang Tasa ng mainit na Kape.
"Anong oras ba pasok mo?" Tanong ng kanyang Ina.
"Mamaya pang Ala-una.." Sagot naman nito habang ngumunguya ng Pandesal na isinawsaw nya sa Kape.
"Sa skwelahan o sa Jollibee?" Dagdag na tanong ng Ina.
"Sa skwelahan syempre, mamaya pang Alas-sais ang Duty ko pag-uwi."
Si Skye at Sha ay parehong Working Student na nagta-trabaho sa Jollibee pero sa magkaibigang Store. Silang dalawang magkapatid ang tumutulong sa kanilang magulat sa mga pantutos nilang pangangailangan. Si Sha, ay nag-aaral sa EARIST sa kursona scholar ng Gobyerno dahil ito'y SK Kagawad sa kanilang barangay. Habang si Skye naman ay nag-aaral sa QCPU-SF (Quezon City Polytechnic University – San Francisco Campus.) Sa kursong Technical-Vocational in Computer Programming.
Habang nag-aalmusal ang binata ay naalala nya ang nangyari sa kanya kahapon ng makilala nya ang Apat na magkakaibigan na tumulong sa kanya. Biglang naisip nyang tignan ang kanyang Cellphone ngunit naalala naman nitong nasira pala ito dahil sa pagkakabasa sa ulan ng naglalakad sya nung nakaraang gabi. Naalala nya din ang papel na iniabot sa kanya ni Margareth bago ito umalis na inilagay nya sa bulsa ng kanyang bag at agad tinignan kung saan nakasulat ang mga Contact number ng Apat na magkakaibigan at buong mga pangalan nito.
Margareth Williams ... Ma. Christina Santiago ... Clarissa De Castro .. Claudia Farr
"That four gorgeous princess..." Ang bulong sarili habang tinitignan ang papel.
