Synopsis

31 5 0
                                        

May mga pagkakataon sa ating buhay na binibigyan natin ng halaga, nilalaanan ng oras, at itinuturing nating espesyal.

Mga bagay na kung saan hindi mo masyado pinapansin dati, pero naging mas makabuluhan sa tamang panahon.


Mga bagay kung saan nagbibigay ng kwestyonableng impresyon sa ating mga isipan kung para saan, paano, at ano ang nararapat gawin lalo na't hindi natin gaano itong naiintindihan.

Lahat tayo ay gustong magkaroon ng isang napakasayang kuwento sa buhay na maaaring tingalain ng marami, kung kaya't gumagawa tayo ng mga bagay na nakapagpapasaya sa atin kahit sa simpleng paraan.

Kahit na panandalian lang ang kasiyahan.
Para sa mga taong tinuturing nating importante sating buhay.

Ngunit paano kung isang araw, magising ka na lang sa ginid ng katotohanan na ang iyong mga pinapangarap ay maaaring hindi ang iyong inaasahan.

Kung saan sa tingin mo tila malabo mo nang maabot ang mga bagay na iyong pinakahihirapan.

Kung saan tila hindi kampi sayo ang tadhana.

Kung saan tila nasasaktan na ang mga bagay na iyong iniingatan.

Kung saan minsang nagiging tama ang maling paraan.

Kaya mo pa bang lumaban upang buoin ang pangarap na inaasam?


O susuko ka na lamang sa pag-aakalang ito lang ang nag-iisang solusyon na makakabuti sa lahat?


Handa ka bang umiyak, masaktan, magsakripisyo, at maghintay ng tamang panahon?


Gaano ka katibay, katatag, at hanggang kailan mo kayang magtiis...





UNTIL THAT TIME COMES? ⏳

Until That Time Comes (Ongoing)Stories to obsess over. Discover now