Unknown Number

24 2 8
                                        

Unknown Number (One shot)

Alas sais nang matapos ang klase namin. Sumabay ako kay Nina sa pag-uwi. Pasakay na kami ng bus nang unahan kami ng Beats, isang grupo ng mananayaw sa University namin na binubuo ng apat na babae at apat na lalake.

"Huwag nga kayong makipag-unahan," reklamo ni Nina. Tuloy-tuloy lang ang Beats sa pag-akyat ng bus. Tila walang narinig na reklamo mula kay Nina. Napailing na lang kami saka naupo sa ikatlong bakanteng upuan. Grabe.

Isang oras ang byahe bago ko marating ang bahay, samantalang kalahating oras lang ang kay Nina. Huminto ang bus sa tapat ng mini stop kung saan bababa si Nina.

"Bye, Nina," paalam ko sa kanya nang makatayo na siya.

"Ingat, Yshie," sagot niya saka bumaba. Kinawayan namin ang isa't isa bago muling umandar ang bus. Kinalikot ko na lang ang phone ko, nag-check sandali sa social media accounts. Naramdaman ko ang paghinto ng bus kasunod ang boses ng konduktor.

Bumaba ako sa tapat ng isang subdivision. May ilan akong nakakasabay sa paglalakad. May mga street lights na rin dahil pasado alas siete na ng gabi. Sa ikalawang kanto ang bahay namin. Nakabukas pa ang gate at ang pinto ng mismong bahay kaya naman nakapasok ako kaagad.

"Tamang-tama ang uwi mo. Katatapos ko lang mailuto ang hapunan," sabi ni Mama nang makapasok ako ng bahay. Nagmano ako sa kanya at kay Papa na nakaupo sa sofa. Ginulo naman ni Kuya Yves ang buhok ko kaya sinuntok ko siya sa braso na dahilan ng bahagya niyang pag-atras. Igaya ba naman ako kay Chuchu na aso namin.

"Magbibihis muna po ako, Ma," sagot ko.

**

Nakasandal ako sa headboard ng kama ko. Tinititigan ang laptop sa harapan ko nang biglang tumunog ang phone ko.

Unknown number. Sino naman ang tatawag ng alas nuebe ng gabi? Kung may nagpalit man ng number sa mga kakilala ko, pwede namang mag-text na lang ano? Napabuntong-hininga ako bago sagutin ang tawag. Hindi ako nagsalita, hinintay ko ang caller.

"Do you hear me? I'm talking to you."

Imbes na magsalita ay kumanta ito. Seriously?

"Across the water. Across the deep blue ocean
Under the open sky. Oh my, baby I'm trying."

Ang lakas makakanta nito. Gabing-gabi, ginawa akong audience.

"Sino po sila?" Tanong ko pero kumanta lang siya. Nakanaman oh.

"I'm lucky, I'm in love with my bestfriend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again."

Matapos iyon ay namatay na ang tawag. Pinagtripan lang ako at kumanta pa? Wow. Infairness sa caller, maganda ang boses. Buong-buo at may pagka-manly.

Wait. Did I just compliment his voice?

***

Sa sumunod na araw ay ikinuwento ko kay Nina ang nangyaring pagkanta kagabi ng isang unknown caller. At ang loka, lumawak ang imagination. Beyond limit.

"Baka naman manliligaw mo, Yshie. Tapos, natakot lang magpakilala kasi ayaw ng rejection." Sagot niya.

"Manliligaw? Wala ako no'n. Ikaw, pwede pa," sabi ko.

"Anong malay natin? May nagkakagusto na pala sa'yo, hindi mo lang alam," saad niya.

Maaga kaming umuwi ni Nina. Napaisip ako sa sinabi niya. Sino naman kaya? Alas otso nang maisipan kong lumabas sa veranda ng kwarto ko. Maraming bituin. Ilang sandali ay tumunog ang phone ko. 'Yong unknown number ulit.

Unknown Number (One shot)Where stories live. Discover now