Chapter 1 (reklamo)

1.1K 28 8
                                    

sorry kung ntagalan sa pag-update ... :P

vote vote po <---

Sophia :DD

____________________________________________>>

--------------------------------------------

Tss. Nakakasawa maging mahirap!

Yung tipong kailangan mong mag tyaga sa budget meal kahit lahat ng classmate mo kung makapag McDo,  lahat ata ng nasa menu ino-order!

Yung tipong, kada pasko ka lang nakakatikim ng bagong damit. Sa SALE pa binili!

Yung tipong may lakad kayo ng mga classmates’ mo pero magdadahilan kang masama ang pakiramdam mo pero ang totoo, wala kang peraaa!

Yung tipong invited ka sa party pero hindi ka aatend dahil wala kang mai-suot na matino!

Yung tipong gustong gusto mong mag taxi kaso pang jeep lang ang pera mo!

 ~

Pero dahil imposibleng bigla kaming yumaman, madalas akong mag imagine =)

Panu kaya kung mayaman ako?

As in mayaman na mayaman! Lahat ng nasa department store ng SM Manila kaya kong bilhin!

Tapos ang bakasyon ko kung hindi Paris, Hong Kong!

Kada may school project kami sa bahay gagawin tapos sa may pool side kami mag me-meeting,

Tapos madaming pagkain, chocolate cake, ice cream, fried chicken, pasta, saka fruit shakes saka---

“Sophia! maglinis ka nga ng bahay! Aba, anung tingin mo sa sarili mo? PRINSESA??” sigaw ni mamsi.

T3T

Badtrip naman, hindi pa ako tapos mag imagine. Tsk!

Sa loob ng labing limang taon puro nalang “TIPID” ang maririnig mo sa bibig ng magulang ko, nakakainis na nga eh. Nakakasawa!

Kumpara sa iba, mahirap kami.

Kumpara sa iba, may kaya kame.

Pero para sakin, mahirap kami.

Kung hindi pa dahil sa scholarship ko, ni silip siguro sa East Heritage Academy hindi ko magagawa.

Astig nuh? Scholarship!

Pero hindi ko nakuha yun dahil matalino ako, dahil yun sa family driver si Papsi ng vice president ng school.

“Nandyan naman sila Kuya ah! Bat ba ako inuutusan mo, Mamsi?” reklamo ko dito habang pababa ng hagdan

Lima kaming magkakapatid, bunso ako at kaisa isang babae. At pinakamalas!

“Ikaw ang babae! Dapat matuto ka ng gawaing bahay!” sigaw ulit ni Mamsi.

Matik ang bibig ni Mamsi, naka todo lagi volume.

“Bat kasi hindi tayo kumuha ng katulong?”

Kinuha ko ang walis sa gilid ng kainan

Humarap si Mamsi sakin, patay na.   =_=

“Lima kayong magkakapatid, ang Papsi nyo lang ang nagttrabaho. Ipapakain ko na lang sa inyo, ibabayad ko pa sa katulong? Kumilos ka na baka hindi kita matancha!”

Hindi na ako sumagot, baka mabato ako ng sandok eh. Nagluluto kasi ito ng hapunan.

Buti na lang at wala ang apat kong mga Kuya, malamang nasa kanto na naman yun at nag-iinuman.

A Cinderella w/ Two Prince ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon