That night, tumatakbo kame ng mabilis ng nanay ko sa isang liblib na lugar na maraming puno. May humahabol samen, isang lalakeng kulay itim ang balat, as in literal na itim, and he was so huge and tall, na para siyang higante na di ko madescribe kung anong hitsura niya, basta ang alam ko, mabaho ang hininga niya. Damn it! Di ba uso toothbrush sakanya? Grabe ang sangsang ng amoy!
"Josh just keep going!" Sabi ng mama ko
"Sino ba siya ma? Anong kailangan niya saten?" Hinihingal kong sabi sakanya
"Saka ko na sasabihin, basta takbo! Malapit na tayo sa bahay" sagot niya
Bahay? Anong gagawin namin doon? Maliligtas ba kame ng isang bahay na nasa kalagitnaan ng gubat? At ano ngang sabi ng mama ko? Saka na niya sasabihin? so alam niya kung anong klaseng halimaw ang humahabol samen?
Hinihingal na ako't pagod na pagod nang makita ko ang isang lampara na nakasabit sa di kalayuang bahay, yon na siguro ang sinasabi ng mama ko.
"Ma may ilaw doon, yun na ba yon?"
"Oo nak yun na nga, bilisan mo ang pagtakbo at malapit na siya"
Binilisan namin ang takbo at nakarating na kame sa harapan ng bahay. Nakakabadtrip pa kase nakalock ang pinto
"Nasa gilid ang susi, bilisan mo Josh malapit na siya"
Nang mabuksan ko ang pinto, kinuha ng halimaw ang aking nanay at sinakmal niya ito sa katawan.
"Naaaay!!!" Pasigaw kong sinabi
"Pumasok ka na Josh! Huwag mo na akong alalahanin!"
"Hindi pwede ma, hindi ako papayag!"
"Wala ka pang magagawa sa ngayon, saka mo na ako iligtas!"
Pagkasabi niya sa mga salitang iyon ay bigla siyang lumiwanag at biglang naging pulbos
Biglang umapoy ako sa galit at nagkalakas ako ng loob na labanin ang halimaw na pumatay sa nanay ko. Biglang naging mabilis ang mga pangyayari, biglang umapoy ang kamay ko at gamit yon, kinalaban ko ang halimaw.
Nabalutan siya ng apoy dahil saken, at nang wala na sakin ang atensyon niya, bigla akong pumasok sa bahay at doon nakakita ako ng isang kutsilyo na may mahabang patalim. Dali dali kong ibinaon ito sa kanyang bewang at doon, bigla siyang lumiwanag at naging pulbos tulad ng nangyare sa nanay ko.
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Ibig sabihin ba nito ay patay na ang nanay ko? Patay na ang kaisa isang babae na nagmahal saken na higit pa sa pagmamahal na ibinigay ko sakanya. Ibig din bang sabihin nito na wala nang magtatanggol sa akin? Di ko kayang mabuhay ng wala ang nanay ko. Paano na ako ngayon?
Pumasok ako ulit sa loob ng bahay, doon ko napagtanto na ito'y parang isang lumang pandayan ng mga espada, espada pala ang ginamit ko kanina na pangpatay sa halimaw.
May umagaw sa atensyon ko. May nakita ako sa loob na parang isang kahon na kulay ginto. May mga nakaukit dito na mga pangyayari na parang makatotohanan, na parang totoong nangyare ito years ago.
Sinubukan kong buksan ito ngunit ako'y nabigo. Parang mayroong isang susian na kailangang buksan. Dali dali akong naghanap sa loob ng bahay nang makakita ako ng isang susi na kulay ginto din. Kintab na kintab na parang bagong hulma lang ito. Nang aking buksan ang kahon, nabulag ako sa liwanag na ginawa nito at ako ay napaurong ng hakbang hanggang sa may nasandalan ako na parang kambyo ng sasakyan.
Nang mangyari iyon ay biglang bumukas ang lupa at doon ako'y nalaglag hanggang sa ako'y mawalan na ng malay.
My alarm clock ringed...
Hi, ako nga pala si Joshua Reyes, just call me Josh. I am living with my mother now, yes you're right, just the two of us. Nung bata ako, my father left and abandoned us kaya simula noon tinaya ko na ang buhay ko for my mom. She sacrificed everything for me kaya ko siya mahal na mahal.
Then may kumatok sa kwarto ko...
"Josh bangon na, andito na sina Mark" sabi ng nanay ko
Bumangon na ako sa kama at naligo. Sina Mark pala ang mga tropa ko mula pa nang bata pa kame, kasama sina Ryan, Danny at si Clare. Si Danny pala ay babae ha, marami kaseng tao na napagkakamalan siyang lalake.
Sila lagi ang nagtatanggol sakin kapag may nangaaway sakin sa school kaya kasama sila sa mga importanteng tao sa buhay ko.
Hahanap kame ng University ngayon kaya sila nandito. Titignan namin kung ano ang magandang paaralan pagdating sa kolehiyo, di kase namin alam kung saan papasok kaya gumawa kame ng lakad namin ngayon.
Pagbaba ko ng hagdan, andoon sila sa sala, kung umasta sila parang angtagal na nilang nakatira dito, pero ok lang kay mama kase since bata pa kameng lima e dito na sila tumatambay kapag may oras.
"O Josh, dito kain na" sabi ng mama ko
Biglang tumayo ang mga magagaling kong kaibigan at nauna pa silang kumain kesa saken
"Teka teka, kayo ba ang anak ng nanay ko?" Tanong ko sakanila
"Pasensya na Josh, gutom lang talaga kame" sabi ni Mark
Bigla silang tumawa lahat, at nakitawa narin ako, sabay binatukan ko si Mark
"O anong balak? San tayo maghahanap ngayon? Dalawang araw na tayong naghahanap" sabi ko sakanila
"May nakita ako malapit sa bayan, maganda naman, isama natin sa mga pupuntahan natin" sabi ni Danny
Nang matapos kameng kumain, nagpaalam na ako sa nanay ko at tumuloy na kame sa lakad namin
Habang naglalakad kame, iniisip ko kung paano ako kung wala ang mga kaibigan kong ito. Nga pala, ipapakilala ko sila sainyo
Unang una si Mark. Siya ang nagbibigay buhay sa samahan naming lima, siya lagi ang nagpapatawa samen kapag kami'y magkakasama. 5'11" ang height niya, matipuno at tamang tama ang katawan sa tangkad niya, coffee brown ang kulay ng buhok at gwapo. Siya pala ang babaero saming mga lalaki. Konting kindat lang niya e nahuhumaling na sakanya ang mga kababaihan. Para bang may spark ang mga mata niya. Speaking of spark, kapag nagalit siya bigla nalang tumataas buhok namin, di ko alam kung bakit, dahil siguro sa takot.
Pangalawa si Ryan. Siya naman ang "nerd" ng tropa, may tanong ka sakanya? Masasagot niya ito ng tama kahit gaano kahirap. Black haired siya na medyo skinny with a pair of 250-250 grade eye glasses. Mahilig siyang magbasa ng kung ano ano about hypnosis and telekinesis. Nagtataka nga ako kung bakit anghilig niya dito.
Ikatlo si Danny. Punk ang pormahan ni Danny kaya madalas siyang pagkamalang tibo. Super black hair na may konting highlights ng pink and blue. Eye liner niya wagas! And lagi siyang nakablack. Minsan noong nagkaproblema ako sa mga lalaking tambay malapit sakanila, nagtago siya at biglang lumabas ang isang lobo na nanlilisik ang mata. Doon natakot ang mga lalaking nananakit saakin. Sabi niya marami siyang alagang hayop kaya ayaw niya akong papasukin sa bahay.
And last but not the least, si Clare. Maraming nagkakagusto kay Clare dahil sa malaanghel niyang mukha. Madalas din siyang ilaban sa mga pageant sa school o minsan sa mga barangay, at lagi naman siyang nananalo. Kapag nakarinig siya ng swimming? Agad agad nakaimpake ang gamit niya, ewan ko, pakiramdam ko mahilig siya sa swimming kaya ganon. Nga pala, nagpapacute si Mark sakanya pero wala itong epekto kay Clare pero di parin tumitigil si Mark kaya panay ang dedma ni Clare sakanya. She has black hair and green eyes na minsan nagiging blue.
Going back, nakarating na kame sa school na sinasabi ni Danny. Malaki naman and medyo misterious kase angweird ng design niya. Crawling plants surrounds the wall, and ang school e gawa sa mga malalaking blocks, lakas makamedieval. Kaya naexcite ako at the same time kinakabahan. I hope, maging ok college life ko dito sa University na ito.
YOU ARE READING
The Magical Life of Josh
FantasyPuno ng sikreto at kababalaghan ang buhay na kinabibilangan ni Josh. Mula nang hinabol sila ng isang hindi kilalang nilalang sa kagubatan na siyang pumatay sa kanyang ina ay nagsimula na siyang magisip tungkol sa kung ano nga bang klaseng tao at kla...
