Isang katanungan sa atin kung may forever ba o wala. Ngunit ano nga ba ang forever na sinasabi nila, bakit pati sa telebisyon, radio, instagram, facebook, tweeter at maging sa mga damit, notebook at iba pang gamit ay nakikita at naririnig natin ito. Ikaw ba sa tingin mo? May forever nga ba o wala?.
Para sa akin, mayroon, dahil kapag ang dalawang tao ay nagmamahalan hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay at kapiling nila ang bawat isa ay masasabi kong may forever.
Sabi nila, walang forever, "iiwan ka rin nun," yan ang madalas sinasabi ng ilan, pero para sa akin, hindi ako naniniwala sa pinagsasabi nila, isa lamang iyong hamak na paninira sa relasyon ng may relasyon, bakit ako maniniwala sa kanila kung alam ko sa sarili ko na kaya kong magkaroon ng ka forever ko diba?.
Tinanong ko ang aking mahal kagabi lang, sabi ko, "mahal may forever ba o wala?" Sagot nya sa akin, " depende yan sa dalawang taong nagmamahalan, eh kung tayo mahal mayroon, kasi tayo lang hanggang sa huli, hahawak at magtitiwala lang tayo kay God, may forever tayo!
Kaya naniniwala ako sa forever na mamahalin at sasamahan ako ng mahal ko hanggang sa huling paalam ng aming buhay.
Sapat nang alam kong sa sarili ko na may forever, kahit na hindi ako siguradong makakasama ko siya sa kabilang buhay, basta forever kami dito sa lupa na magkasama.
Ayon naman sa aking napagtanungan na si Orlando A.K.A "lance", ay wala daw forever, ( saklap!, bitter kasi siya, hayaan na natin). Sabi niya sa kanyang pahayag ay lahat ng bagay sa mundo na pagmamay-ari mo ay mawawala rin, sapagkat hindi mo maisasama sa kabilang buhay, maiiwan at maiiwan ito sa iba at aangkinin ng iba, kaya wala daw FOREVER!
Ayon naman kay Edward Espirito, ay naniniwala siyang may forever, dahil ika nga daw nila, ang dalawang taong nagkahiwalay ay muling pagtatagpuin sa ikalawang buhay, at isa pa daw ang dalawang pusong pinagbuklod nang diyos at pinaninindigan ito hanggang kamatayan ay muling pagtitibayin sa kabilang yugto ng kanilang buhay.
Para sa katulad kong hindi bitter, ay tiyak na hindi paborito ang ampalaya, sa mga bitter, sila ang nag uulam nyan Hindi naman natin maaring husgaan ang isang tao sa kung ano ang paniniwalaan sa buhay, kung may forever ba o wala, dahil ilan sa kanila ay may naging masaklap na karanasan sa buhay. May mangilan ngilan naman na naging masaya.
Sinabing wala sapagkat lahat nang bagay sa mundo, ay walang sino man ang maka pagdadala nito sa buhay na walang hanggan, sinasabi nang iba na mayroon dahil ang kanilang natatanging kaalaman at ang kanilang pagka edukado ay madadala nila hanggang sa kabilang buhay.
Tayoy may ibat ibang pagpapasya kung may forever ba o wala. Maaaring lahat tayo hindi naniniwala, sapagkat wala pang patunay na nakakita kung totoo nga ba ito o hindi pero isipin natin. Kapag tayo ay nagmamahal ng totoo at tapat, pinaninindigan ang bawat isa, nagtitiwala, naniniwala, at nananalig sa Diyos na kayo ng kapareha mo ay may FOREVER.
Ika nga "If theres a hope, there is a posibility. And if there is a posibility, there is chance, and if theres a chance, there is a chance that you can commit it". Kaya para sakin. At sa amin ng mahal ko, MAY FOREVER!!
