Nicole's PoV
"What?!!" gulat na tanong ko kay daddy
"You heard me right, baby" he said
"No way!! Last year na lang tapos lilipat pa ako? Paano yung mga friends ko? Paano si Freyah? Ayoko dad!" I said
"Don't worry about Freyah. Lilipat din siya sa Star Academy. Napag-usapan na namin toh ng daddy niya" my daddy said
"Pero bakit ba kailangan pa naming lumipat dad? Masaya na kami sa school namin." I said
"Mas maganda ang Star Academy. Mas mapapabuti ang pag-aaral niyo doon" dad said
"But------" he cut my words
"No buts. Sa ayaw at sa gusto mo, lilipat kayo--lilipat ka. I know mag-e-enjoy ka doon" that's his final words before he left me with my jaw dropped.
~*~*~
First day. First day namin ni Freyah dito sa Star Academy. Nasa harap kami ng school. Nakatingin lang kami sa gate, nakatulala. Hayyy...wala na kaming magagawa lalo na't mga daddy namin ang nag-demand.
"So, here we are..." Freyah said and she looked at me
"Let's go" I said then we enter the school. Magkahawak kamay kaming pumasok ng Academy. Napamangha at nagulat sa sobrang ganda at laki ng school. Oo maganda rin yung school namin dati pero MAS maganda at malaki ito. Naglalakad kami habang inililibot namin ang paningin namin sa buong campus. WOW talaga as in WOW. Lahat ng mga estudyante na nadadaanan namin ay mga sosyalin at classy. Ang daming magaganda at gwapo I mean lahat sila magaganda at gwapo.
"Tara sa bulletin board, hanapin natin kung aling section tayo" Freyah said
Nagpunta kami sa bulletin board para i-checked kung saang room kami. Pagdating namin, medyo marami-rami na rin ang mga estudyanteng tumitingin. Pero hindi kagaya sa dati naming school na nagsisiksikan at nagtutulakan ang mga estudyante makita lang ang section nila, dito kasi maayos silang nakapila at hindi nagtutulakan. Napaka-ayos ng mga estudyante dito, Wow lang :">…kami na ni Freyah yung tumitingin, hinanap agad ng mata ko ang pangalan ko and to my surprise...sa room 4-A ako.
"Oh anong section ka?" tanong ko kay Freyah
"Room 4-A...ikaw ba?" sabi niya
Napangiti ako :) Yeyyy! Classmate kami ni Best friend ahaha.
"Uwaaahh! Classmate tayo Eyah" natutuwa kong sagot
Umalis sa kami dun at hinanap ang room namin. Nang makita na namin, pumasok na kami. Iilan pa lang ang mga estudyante marami pang bakanteng upuan. Pumwesto kami sa gitna ni Eyah. Maya maya lang ay nagsidatingan na rin ang mga iba pa naming classmates at pati ang aming guro.
"Good morning class" bati ng prof
"Good morning sir" bati rin namin
"Para madali ang introduction, name and age na lang ang sasabihin" sabi ng professor namin
YOU ARE READING
Star Academy
Teen FictionStar Academy is a School where famous, popular and a STAR is studying. Ang school na punong-puno ng mayayamang tao, talented, classy at biniyayaan ng magagandang mukha.
