Chapter 11 - Saturday Night

Start from the beginning
                                    

Maricris : Not that much. Bakit ?

Ako : Bagay ba ang combination ng blue dress at doll shoes na red ?

Maricris : Hmmm pwede naman but mas prefer ko ang yellow.

Ako : Ganun ? Sige salamat.

Maricris : Pero diba FRIENDLY DATE lang naman yan ? Bakit mo pa kailangang magdress ?

Talagang pinagdiinan pa talaga yung FRIENDLY DATE ha ?

Ako : Syempre para pormal tignan.

Maricris : Huwag ka ng magdress , mag jeans ka na lang saka shirt. Pero huwag yung maluwang na shirt ha ? Yung sakto sayo.

Ako : Ah ganun ba ? Sige salamat .

Maricris : Geh good luck sa date niyo !

Ako : Leche !

Maricris : Hahaha ge ibababa ko na to.

Binaba na nga niya ang tawag.

Jeans and shirt combination ? Pwede na. Buti na lang at meron ako nun. Yung jeans hindi na ako mamomoblemang bumili kasi yun yung regalo sa akin ni mama noong nakaraang taon eh. Sa wakas magagamit ko na ito.

Pagkatapos ko mag-ayos ay pumunta ako sa sala habang inaantay si Arkin na pumunta dito sa bahay. Buti na lang at wala si mama kaya pinayagan niya ako kung ano man ang gusto kong gawin ngayong araw na ito pati bukas. Bukas ng gabi pa daw siya uuwi eh. I even don't know why ( english yun ah ! XD ) pero makikitulog muna ako kila Kassandra. Hindi pwede kay Maricris dahil magdamag na nasa 7-11 yun. Siguro may lovelife siya dun kaya lagi siyang tumatambay dun ? Haha

( KyPendleton's note : Kapag mag 2K ang reads nito ipapublish ko yung short story ni Maricris na My 7-11 lovestory. 20 chapters lang yun. Abangan niyo siya soon 😊 )

*honk *honk ( ps. tunog ng sasakyan yan lels , ang panget ng sound effects ko pasensya na 😂 )

Mukhang nandyan na si Arkin. Kinuha ko na yung shoulder bag ko at umalis na. Nakita ko si Arkin na nakasandal sa kotse niya. Buti hindi pormal yung suot niya. Tamang pantalon at shirt lang with matching jacket. Pano kaya kapag nagdress ako ? Edi ang panget namin tignan. Isang porma at isang di pormal. Buti na lang at humingi ako ng opinyon kay Maricris tungkol sa susuotin ko. Saka bakit naman siya magfoformal ang damit eh FRIENDLY DATE lang naman to ?

" Uy andyan ka na pala " sabi ni Arkin

" Ay hindi picture lang to " sarkastiko kong sabi

" Sorry na agad. Teka bakit ka nakashoulder bag ? " - siya

The Man She Never Noticed [ ON EDITING PROCESS ]Where stories live. Discover now