We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Kailan ba ang Tamang Panahon? (One Shot)

60 1 2
                                        


1st year highschool ng una kitang makilala. Ang boring ng unang araw ko pero ikaw bumuo nun. Tumunog ang bell na senyales na break time na. Bilang mga freshmen, kelangan natin sumunod sa mga rules and regulation word by word. Pero ikaw iba ka.

Pinapila tayo nun sa labas ng room. Sinabi ng adviser natin na hatiin ang pila sa lalaki at babae. Binilin satin na kelangan sabay gagalaw ang pila ng babae at lalaki. Dahil pandak ako nun, nasa pinaka-una ako ng pila. Mabilis kong naging ka-close ang mga katabi ko dahil natural na sakin maging noisy and friendly. Habang nakikipag usap ako sa nasa likod ko, may bumatok sakin sa ulo.

Nagulat ako, yung babaeng pangalawa sa pila bigla nalang ako sinabihang:

"Hoy! Bilisan mo nga diyan! Naka-alis na yung ibang section oh!"

"Anong problema mo?! Wala akong ginagawa sayo ah!"

"Ang ingay mo kase! Tayo na susunod oh! Sabi ni Sir sabay daw yung pila!"

Tumingin lang ako sa kanya tapos nag-lakad na ko. Siya yung babaeng maganda pero hindi sobrang sikat. Short haired. Short tempered. Short height. Alam ko na sa umpisa palang hindi na kami magkaka-sundo.

Days passed, naging mag-close kami. Hindi sa pagiging kaibigan kundi sa pagiging magka-asaran. Araw-araw yun since that day. Tinatawag niya kong pandak, bulinggit, bading (pumapatol daw ako sa babae). Porket babae siya ang yabang niya sa height niya. Mabilis lang kayo lumaki samin dahil mas mabilis mag mature katawan niyo. Amp. Asar ko naman sa kanya tomboy(nananapak siya), panget, lesbian. Bakit may lesbian? Akala ko kasi dati parehas ang lesbian at tomboy (haha).

That was the best part of my life. Nung nakilala kita, naka-asaran, naging ka-group. Tama... nag-bago ang lahat sa atin dahil sa isang group project ng malapit ng matapos ang precious 1st year life naten.

Nag-kasundo yung grupo natin na sa bahay namin gagawin yung project. Gagawa dapat tayo nun ng video or something. Dumating kayo ng kulang-kulang tapos ikaw nakita kong naka bike. Tinanong ko kung nasaan yung iba tapos sabi niyo susunduin niyo palang. Nagtataka ako kung bakit kayo pumunta agad kung susunduin niyo pa pala yung iba.

Etong mga kaibigan ko namang mga lalaki, ang lakas ng trip. Sabi iligaw daw namin yung mga babae. Ako naman sabay agad. Tumakbo kami ng mabilis habang humahabol sila samin. Kakahabol mo naman samin na semplang ka. Tumawa agad ako nun ng malakas. Pero nakita kong umiyak ka at naging sobrang guilty ako sa ginawa ko. Lumapit agad ako para tulungan ka.

"J! Okay ka lang? Sorry talaga!"

Yep itatago nalang kita sa parte ng pangalan mo. Pinunasan mo lang ng braso yung mga luha sa mukha mo tapos nag-bike ka palayo. Nag-kita kami ng mga ka-grupo natin tapos sinabi ko nangyari sayo. Hiningi ko yung number mo sa isa sa kanila. Tinext kita agad nung gabi. Nag-pakilala. Nag-sorry. Nag-sisi.

Unexpected naging reply mo sakin. You thank me for trying to help you. Nag-pasalamat ka rin dahil tinext kita. Dun nag-simula na naging close tayo as friends. Nag-aasaran parin tayo nun. Pero meron ring mga times na nagiging seryoso ka sa ibang mga bagay.

Nakilala kita ng lubos. Kwinento mo sakin yung mga problema mo. Tungkol sa pamilya mo, kung pano ka itrato. Kung gaano mo namimiss nanay mo dahil wala na siya dito. Binigay ko yung mga naiisip ko sayo dati. Sabi mo thankful ka sa nga advices ko at dahil may nakikinig sayo. Nag-karoon karin ng conflict sa dalawang bestfriend mo. Naipit ka sa gitna dahil nag-aaway yung dalawa. Natulungan kitang mapagbati kayong lahat at tingin ko dun ko lang narealize na inlove ako, pero as a child hindi ko pinansin yung feelings ko dahil parang sagabal lang siya sakin.

Kailan Ba Ang Tamang Panahon? (One Shot)Stories to obsess over. Discover now