WABSFIL #02

16 1 0
                                    

Chapter 2: Family
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Drea's Pov: (Andrea Cruz)

Nandito ngayon si Bes sa kwarto ko, (malamang si Mika tinutukoy ko! Sya lang naman kaibigan ko eh)kanina lang, nag-seselfie kami, ang saya nga namin eh. Napuno na yung memory ng phone ko dahil sa mga selfie namin. Tapos ngayon, nasa sulok sya ng kwarto ko, nag-dadrama habang kumakain ng sandamakmak na Stick-O. Hayyy ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na mag-diet na sya! Kasing bigat na ata sya ng elepante eh! Tapos,kasing panget pa sya ng pulubi dun sa kanto! Hahahaha

and Yes, kahit bespren ko yan, kung makapanglait ako sa kanya, wagas! Well, ganun lang talaga kami maglambingan. Hayy ano ba kasing problema nya? May period ba sya ngayon? Ay! Oo nga pala! lagi pala syang ganyan, ugaling taga-mental hospital. Minsan masaya tapos maya-maya iiyak na lang bigla, minsan naman galit sya kulang na lang ihagis nya ako sa kung saan tapos maya-maya tatawa na lang bigla. Diba? May lahing taga-mental hospital sya! Pero kahit ganyan sya, mahal na mahal ko yan! Tanggap ko sya kung sino sya. Kahit na, may imaginary brother pa sya, tanggap na tanggap ko sya!

Kaso nga lang, ang hindi ko matanggap yung sakit nyang "Gusto-Ko-Ng-Mamatay-Disease" Oo! Sakit nya yun! Kahit wala naman talagang ganung sakit, maniniwala kayo dahil sa kanya. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto nyang magpakamatay. Kapag tinatanong ko naman kung bakit sya nagkaka-ganyan, sinasabi nya lang sakin na gusto nyang makasama yung parents nya. Hay! Ewan ko ba kung paniniwalaan ko yun! Then, what's the big deal kung maagang namatay yung magulang nya? Maybe nakatadhana talaga silang mamatay ng maaga.Meron pa naman syang ibang kamag-anak eh. Saka pwede naman syang sumunod sa parents nya kapag time nya na. Basta wag lang syang magpakamatay! Alam kong marami pang plano sa kanya si Lord.

Nandito pa rin ako sa kwarto ko, nakatitig sa kanya. Ang takaw talaga nya! Naka dalawang lalagyan na sya ng Stick-O....... At mukhang ayaw pa nyang tumigil ha! Pero ang masaklap pa dun......huhuhuhu maluluha na ko eh! T^T......huhu Stick-O ko yun eh!! Kakabili pa lang ni yaya yun kahapon tapos sya lang uubos? Tae naman oh! Nakakainis! Hindi ko na matiis yung galit ko kaya lumapit ako sa kanya at..........

"HOY BABAENG MATABA NA UBOD NG CHAKA NA KALAHI NI CHEWBACCA!" sigaw ko sa kanya. bigla naman syang nagulat nung sinigawan ko sya.

"ay palaka!" sigaw ni Mika.

"Anong palaka? Wala namang palaka dito ha? At saka akin na nga yang stick-o ko!" Sabi ko sa kanya sabay kuha ng stick-o. Habang kinakain ko yung stick-o ko, nakatulala pa rin sya at nakatitig sa akin.

"Huy! Bes! Anyare? Bat nakatulala ka dyan? Ngayon ka lang ba nakakita ng dyosa na kumakain ng stick-o?" Tanong ko sa kanya habang dinudutdot ko yung noo nya.

"Ah! Ay! Bakit ka nga pala nandito sa kwarto ko?" Inosenteng tanong nya sakin. Muntikan ng malaglag yung panga ko sa sinabi nya. Wow lang ha!

"Uhm bes, meron ka na bang Alzheimer's disease? Omg bes! Kailangan mo ng magpagamot now na! Pero ang alam ko matatanda lang yung nagkakaron ng ganung sakit eh." Sabi ko sa kanya.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
Mika's Pov:

"Uhm bes, meron ka na bang Alzheimer's disease? Omg bes! Kailangan mo ng magpagamot now na! Pero ang alam ko matatanda lang yung nagkakaron ng ganung sakit eh." Sabi sakin ni drea.

"Ha? Wala akong ganung sakit bes! Ano ka ba? Kung makapag-react ka naman parang mamatay na ko!" Sigaw ko sa kanya.

"Talaga?" Tanong sakin ni drea.

"Wala nga akong sakit!" Sigaw ko sa kanya.

"Eh bakit sabi mo anong ginagawa ko dito sa KWARTO mo!?" Sigaw nya sakin.

When a Black Sheep Falls in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon