‡FORBIDDEN SORCERESS‡

170 8 0
                                    

†KATHERINE'S POV:†

"Ito na ba?"= walang emosyon kong sambit sa aking kasamahan. Habang tinitigan ng maigi ang malaking gusali sa aking harapan.



"Oo ito na nga. Ito na ang hellish academy. Sa wakas at nakarating na din tayo. Tuluyan na nating maisasagawa ang misyon na inuutos sa atin, makakapasok na rin tayo sa teritoryo ng kalaban "= galak na sabi ni enrique na kita ang pagkasaya sa kanyang mga mata.





"Tigilan mo muna iyan. Wala pang dapat ipagkasaya. Hindi pa natin naisasagawa ang ating plano. Kaya wag ka munang magdiwang .Mabuti pa't tumuloy na tayo"= seryoso kong pagkakasabi at agad na tinungo ang academia kung saan hahanapin ang isang mailap na kalaban na hadlamg sa aming lahi.





Tumungo muna ako sa opisina ng dean. Habang siya naman ay maglilibot at manunuri sa paligid. Wala dapat kami aksayanin na oras lalo nat kailangan naming isakatuparan ang misyon na sa amin inatas.




-----♚♛♜♝♞♟♔♕♖♗♘♙-----

"Lets welcome and greet your new classmates. Ms. Katherine and Mr. Gellal . Both of you now come in"= our adviser said.


Pagpasok pa lamang namin kita na ang mga mapanuri at mapangmata nilang tingin tila mahirap silang linlangin. Sino kaya sa kanila ang aming hinahanap. Hindi na kami nagpakilala at agad na kami pinaupo.



Sa gilid kung saan malapit sa bintana ay nandon ako pinaupo samantalang siya naman nasa harapan. Gaya ng pinag-usapan hindi dapat malaman ng iba ang amin sikreto at ang aming koneksiyon sa isat-isa. Kung ayaw namin ang iba ay magduda.





Ilang minuto tumunog ang bell senyales na nagtatapos na ang klase. Maghapon na hindi manlang sumulpot ang katabi ko. Ngunit kaysa sa asikasuhin ito inuna ko muna ang lumabas at pumunta sa aking destinasyon.







"Sino hinahanap mo katherine??"= sulpot ng isang babae sa aking harapan.






Narito ako ngayon sa tapat ng room ng mga taga council. Sinusulyapan ng palihim ang mga ginagawa ng mga miyembro nito. Napaayos ako ng tindig nang mahuli nito ako sa ganitong posisyon.







"Wala akong hinahanap julia montesor ."= irita kong sagot dito.






"Ngunit palinga-linga ka diyan tila may hinihintay ka yata or may hinahanap ka ."= pangkukuwestion nito .





Nakipagsukatan pa ako ng tingin bago ko pinili na lang umalis at talikuran ito. Ayoko sa mga matanong  na nilalang. Ipagpapaliban ko muna ang araw na ito para maiwasan ang pagdududa ng mga makakita.





Life Against Death Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon