Unang beses ko palang siyang nakausap, tumatak na kaagad sakin yung pagkatao niya.
Wala naman akong naaalalang nagawa o ginawang kalokohan sa kanya pero halatang hindi niya ako gusto.
May exam kami nun sa Physics at dahil masipag ako, late ako kaya tumatakbo ako papuntang building namin habang nagrereview.
Paakyat palang ako ng hagdan, naririnig ko na yung takong ni Ms. Yulo. kaya binilisan ko lalo.
Sakto pagdating ko sa room wala pa siya, siguro naglalakad pa.
Pero hindi yun yung problema, ang problema hindi man lang ako binigyan ng upuan ng mga kaibigan ko.
Bago ko pa man mabangasan si Troy, dumating na si miss kaya umupo nalang ako dun sa isa sa mga upuan sa may dulong linya.
"You have an hour to finish the exam. Start now." Sungit.
Medyo kinakaya ko naman at nasasagutan yung mga tanong pero nang makaabot ako sa computations, dun na dumating yung hirap.
Hindi lang dahil sa mahirap yung mga tanong pero dahil wala akong lapis!
May saltik tong prof namin dahil ang gusto niya walang bura ng ballpen, kahit ng correction tape sa papel namin.
Tumingin ako sa paligid at nakita kong kaharap ko si Matt, yung isa ko pang kaibigan.
"Matt!" Bingi.
Tinawag ko ulit siya ng maraming beses pa pero dahil bingi yata talaga tong kaibigan ko, tinigilan ko na.
Nilingon ko yung katabi ko, may lapis naman siguro siyang sobra?
"Miss!"
Hindi niya siguro ako narinig kasi nagpatuloy parin siya sa pagsagot sa papel niya.
"Miss!"
Tawag ko ulit ng mas malakas pero hindi talaga siya lumilingon at nagsasagot lang.
Kinalabit ko siya ng isang beses pero parang wala siyang nararamdaman.
Ano ba tong babaeng to!
Kinalabit ko ulit siya na may kasama pang onting tulak.
"Ano?"
Nagulat ako kasi bigla siyang tumingin sakin ng nakakakunot ang noo. Nagalit pa ata
"May extra ka bang lapis?" Napapakamot sa batok kong sabi.
Nawala ang pagkakakunot ng kanyang noo. Panandaliang naging blanko ang mukha niya pero napalitan rin ng isang maliit na ngiti.
'Magpapahiram din pala dami pang arte.'
Nginitian ko siya pabalik pero agad din itong nawala dahil sa sinabi niya.
"Sigurado ka ba? 'Wag na, mahirap lang ako."
What?
YOU ARE READING
Prink
Teen FictionApril 30, 2016 Hindi lahat ng bagay nadadaan sa yaman. Hindi porket mahirap, hindi karapatdapat Hindi dahil gusto ka ng lahat, gugustuhin narin kita.
