I'm Married ♡: Chapter 6

Start from the beginning
                                    

“Wala eh. Bakit?” Tanong nito.

“Pakihanap naman ako. Susuka lang ako. Nakakasuka sinabi nitong mokong na to eh. Ayun, may basurahan pala dito. Sige, mamaya nalang ako susuka. Nakakatamad lumakad.” Sabi ko.

“Aaron, paheram naman ng guitar mo.”

“Bakit?” Tanong naman nito.

“Ihahampas ko lang sa pagmumukha ng babaeng to.” Sabi nito at lahat sila nagtawanan.

“Bestfriend, may ----------“

“Ms. Monteriano! Guidance! NOW!” Fvck.

“Sh*t.” Sabay naming sabi ni bestfriend.

“Opsssssyyy. Got a record.” Sabi ni Vince at lumakad na palayo sa akin.

Fvck this day.

Alisa’s POV

Grabeh naman yung sagutan ni bestfriend at ni Vince. Ayan, na-guidance tuloy si bestfriend. Ang daya, dapat si Vince din! -__-

Mag-isa lang tuloy ako sa classroom ngayon. Wala akong kadaldalan. Pano nga kasi si bestfriend na sa guidance. -__-

Wala din namang magawa. Pinagbigyan kami ni Mrs. Miano na bukas na lang namin gagawin yung sa research namin. Sobrang bait talaga ni Ma’am.

Kinuha ko na lang ang sticky note sa bag ko. Malapit na pala ang bday ni Ivan. Sa Thursday na pala. Eh Tuesday na ngayon. Tss. Ano naman kaya ang ireregalo ko? Naregaluhan ko na siya ng damit, sapatos, mugs, watch, cupcakes, cakes, at kung ano-ano pa. >.<

Tss. Makapagsulat na nga lang ng pick-up lines.

“Teleserye ka ba? Ang sarap mo kasing subaybayan.”

“Table of contents ka ba? Ikaw kasi ang laman ng bawat pahina ng buhay ko.”

“Bagyo ka ba? Kasi the moment you leave my area of responsibility, you leave my heart in the state of calamity.”

“Chinese ka ba? Kasi I’ll siomai love to you, snd I hopia love me too.”

“ May mahal ako….nagsisimula sa I nagtatapos sa W.

At ang English niya ay YOU<3.”

“Aanhin mo pa ang bahay nyo……kung nakatira kana sa puso ko.”

“Ang pag-ibig ko sa’yo ay parang kinopyang assignment, na kapag tinanong ng iba, ang hirap i-explain.”

“Hindi mo pa nga ako binabato, tinamaan na ako sayo.”

“Huwag ka ngang umasta na parang ang YAMAN-YAMAN mo, eh isa ka lang namang HAMAK na TAMBAY dito sa PUSO KO.”

“May gamot ka ba sa pampalaglag? Kasi ang lakas ng kapit mo sa puso ko.”

“Ako nga pala si COCO, ang COCOmpleto ng buhay mo.”

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now