MMG chapter 25

239 9 3
                                    

Sorry for the super late update hehehe .... 

XD XD XD umaandar talaga daloy ng MMG kaya nakonsensiya ako na magupdate heheh

Clarence's POV

Nagnunuod sa may kwarto ko kasama ang dalawang pasaway na bwibwit!

"Yan chop chop-in mo pa HAHAHA... Sige lang patayin mo siya!!!!! HAHA" kababaing tao ni Ching Ching pero mahilig sa mga movie na kung hindi nakakatakot ay patayan. Tapos yung kapatid naman niya kabaliktad niya. Si JanJan na kalalaking tao pero takot na takot sa mga movie na pinapanuod ng ate niya. HI naku, nakakabaliw itong dalawang magkapatid! Ewan ko nalang kung ano sila sa paglaki nila!

"HUh... Ending na kaya labas na kayo ng kwarto ko." sabi ko nang patayin ko yung tv.

"Ayaw namin!" ani ching ching na nakahawak pa sa magkabila niyang bewang.

"At bakit naman? Pinagbigyan na rin naman kita na manuod ha? Kaya ano dinadrama drama mo diyan?" 

"Sabi ni Mommy susunduin kami ng bago naming yaya mamaya kaya hanggang sa hindi pa niya kami sinusundo hindi kami lalabas ng kwarto mo." rr. kung hindi lang bata tong nasa harap ko ! kanina ko pa~~ wag na nga lang. Siguradong hindi makatarungan ang iniisip ko.

"At anong oras naman darating yung bago niyong yaya.?" nang biglang magsalita si Jan Jan.

"Mommy texted me that maybe an hour from now before she finally got in this house!"

"ANong an hour? Niloloko mo ba ako Jan Jan? At wala ka namang cellphone kaya paano ka makakareceive ng text sa mommy mo!" pugad, para akong nanay sa ginagawa kong pangangaral sa mga pasaway na nilalang na ito.

"Ginamit ko kasi cp mo kuya clarence kaya ako nakapagtext." nagulat ako nang i-angat niya cellphone ko, tae! Pinaki-alaman cellphone ko nang wala man lang pa-alam ! pero sa bagay kahit naman magpa-alam siya hindi pa rin ako papayag na ipahiram iyon sa kanya. Lumapit ako kay JanJan at kinuha yung cellphone ko.

"Sa susunod wag mo na tong papaki-alaman" sabay lagay ko ng cellphone ko sa bulsa ko.

"knock knock knock!!!" may kumakatok mula sa pinto ng kwarto ko.

"Baka andyan na si Yaya!!!" ani Ching Ching na nagmadaling buksan ang pinto ng kwarto ko.

Danica's POV

Sobra ang pagngatog ng mga tuhod ko ng makarating ako sa address na ibinigay sa akin ni Ma'am Dela Cruz.

"Bakit dito? Sigurado ako tama ang address na pinuntahan ko. Pe~pero bakit dito pa?!" 

SObrang pamilyar yung bahay, huhuhu... bahay ni Clarence to eh. Yung tipong kahit pangalawang beses na akong nakapunta dito ay hindi ko maitatanggi na amaze na amaze pa rin ako sa lugar na ito.

Pinapasok ako nung guard marahil nasabihan na siya ni Ma'am Dela Cruz sa pagdating ko, pa-VIP lang ang peg eh haha.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil alam ko kung saan lugar ako magtratrabaho. Kakakaba lang, SOBRA!

"Maligayang pagdating Danica!" sabay hug sa akin ni Ma'am Dela Cruz.

"Hi po Ma'am,"

"Halika, ituturo ko sa iyo ang magiging silid mo."

"O sige po." nagulat ako nang aakyat kami sa taas.

"Ma'am, sa taas po?"

"Amm, Yeah?! Is there any wrong?"

"Ho? kasi po, di ba po kapag katulong dapat nasa baba?"

"Ano ka ba Danica, I hired you not to become a maid of this house but to become maid of my children kaya dapat iisa lang ang kwarto niyo."

My Mischievous Girl !$# (M!nSuL;)Where stories live. Discover now