Chapter 1

281 15 1
                                    



Simula noong nakilala ko ang mga tunay kung mga magulang ay palagi na silang bumibisita dito sa amin. Hindi naman araw-araw pero madalas sa isang linggo kung pumunta sila dito.

Yun nga lang hindi na ulit bumalik iyong payatot na lalaki. Tugde pala pangalan nun. Kaso yun nga, hindi ko na ulit siya nakita. Siguro dinamdam niya yong sinabi kong hindi pa siya tuli.

Ayoko din namang tanungin yong mga totoo kung magulang kung sino si Tudge sa buhay ko dati at mapagkamalan pa nila na interesado ako doon sa lalaking yon.

At andito nga ulit yong mga totoo kung magulang para kumbinsihin na akong sumama. Noong huli nilang punta dito ay may dala na silang abogado na pinakitaan sila Nanay at Tatay ng mga legal na papeles.

Kahit ayaw man nila Nanay na ibigay ako ay alam nila kung ano yong magiging resulta kapag nagmatigas sila. Si Tatay naman kinausap ako ng masinsinan, pina-intindi niya sa akin kung saan nagmumula naman yong totoo kung mga magulang. Sabi niya pa, walang magulang ang gustong mawalay sa anak.

Kaya kahit masakit sa puso at kahit ayoko, andito ako ngayon nakaharapan kina Nanay at Tatay para magpa-alam na. "Babalik po ako dito. Bibisita ako ng madalas." Pangako ko sa kanila.

Niyakap ako ni Nanay at sinabing mag-iingat ako doon. Si Tatay naman ay hinaplos ang ulo ko at tinapik ang balikat ko. "Dito lang kami Kara, anak. Pwede kang pumunta dito kahit kelan."

Niyakap ko sila ng isa pang beses at tuloy-tuloy na naglakad patalikod sa kanila. Ayokong makita si Nanay na umiiyak. Sa totoo lang, tinanggap ko ng dito na ako tatanda sa isla nato. Na hindi ko na makikita ang totoo kung mga magulang. Natanggap ko na e, pero bakit kailangan pang mabago yong mga plano ko?

"I'm so excited to bring you home honey. Don't worry hindi namin binago yong ayos ng kwarto mo. The doctor says it might help with  your condition." Sabi noong ina ko.

Napapikit ako ng mga mata, mga ala-alang matagal ko nang pinakawalan dahil hindi na naman bumalik.

---

Okay, kulang ang sabihing may kaya ang totoo kung mga magulang. Nasa isang exclusive subdivision yong bahay nila sa Quezon City. Marami silang sasakyan na naka-park sa labas. May mga katulong, guard at boy na namamasukan sa kanila.

Nakakatakot na atang mamuhay ng ganito. Masyadong komplikado. Sa bahay nila Tatay, dalawa lang naman yong kwarto e, sa akin at sa kanila pero dito halos malula ka kaka-akyat sa mga palapag sa bahay.

Kahit nga sinabi noong ina ko na ito yong kwarto ko, hindi ko pa din ma-atim na manggalaw ng mga gamit. Ayokong tingnan kung ano yong naging buhay ko dati.

"May mga kapatid man lang ba ako?" Wala kasi akong napansing family picture sa baba.

"Sobrang pula naman nitong kwarto." Siguro ay pabotiro kong kulay yun dati. Puti at itim na kasi yong gusto kong kulay ngayon.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si payatot. Umingos ako at bumalik sa pagkaka-upo sa kama. Akala ko kung sino. Di man lang marunong kumatok tong taong to.

"You're here." Akmang lalapit ito sa akin kaya napa-atras ako. Ilag pa nga ako sa mga totoo kung magulang, tapos kung maka-asta siya akala moy okay sa akin na mayakap.

"I mean, sumama ka na talaga kina Tita Leonore." Manghang saad nito.

Napaka-awkward ng posisyon nito na nakatayo sa harapan ko. Pinagmasdan ko lang siya. Wala naman din akong pwedeng i-komento dun sa sinabi niya.

"Tss. Ang lamig mo pa din. Something never change huh?" Kumunot ang noo ko sa narinig. For once, gusto kong malaman kung ano siya sa buhay ko dati. Maka-asta kasi parang ang close-close namin.

"Bakit nasabing mong kasalanan ko kung bakit virgin ka pa din?" Diretsang tanong ko. Natawa lang eto.

"Pwede ba!" Singhal ko dito.

"Alright, no need to fuss love." Pa-cool nitong sabi, hindi naman siya cool tingnan. Inirapan ko lang ito.

Lumapit ito sa akin at umupo sa harapan ko para magpantay ang mg mata namin. Mataas siya, oo. Pero dugyot at payatot pa din siya. Walang ka appeal-appeal.

Di ulad ni Romano sa isla namin na sobrang kisig tingnan. Ang ganda pa ng katawan, at natural yun dahil araw-araw siyang sumasama sa pangingisda sa Tatay niya. Hindi din yon maputi, bilad sa araw ang kulay ng balat noon kaya mas lalong nakadagdag sa karisma niya bilang magandang lalaki.

Eh itong karahap ko ngayon? No comment nalang at ayokong masabihan ng mapanglait sa kapwa.

"I am you're first love." Seryoso niyang sabi.

Natawa naman ako. Di nga? Ang baduy ko pala dati kung ganoon. Pero I doubt it, ni sa panaginip ko dati, hindi ko nakita ang lalaking to.

"Ang cheap ko pala dati." Umasim ang mukha nito ng marinig ang sinabi ko.

"Maldita!" Singhal niya sa mukha ko. Nagkibit lamang ako ng balikat.

"Baka ang gusto mong sabihin ay ako ang first love mo pero binasted kita dahil sa hindi ka pa tuli at mas bata ka pa sa akin. Tama ba?"

Hindi ito umimik at tiningnan lang ako ng masama. So tama nga ako. "Mabalik tayo sa pagiging virgin mo, ano naman ang kinalaman ko doon?"

Doon na siya napatayo. Tinuro niya ang pagmumukha ko. "You promised to take it away from me! You said that you'll give me a damn big O, the one I can't forget."

Nalaglag ang panga ko sa narinig. Hindi na ako ganoon ka-inosente para hindi malaman kong ano sa sinasabi nitong 'big O'. Kahit sa isla naman ako namalagi, hindi naman yon nawawala sa usapan naming mga magkaka-ibigan.

Ang nakakainis lang, sobrang manhid ni Romano na hindi man lang makaramdam sa mga pasaring ko. Kaya ayon, hindi talaga ako naka-score doon sa lalaking yun. Aba, malay ko kung pati ako ay wala pa din palang karanasan.

Pero mabalik tayo dito sa isang to. "Pwede mo naman kasing ibigay yan sa iba. At isa pa, hindi na ako willing na kuhanin niyan sa'yo. Hanap ka nalang ng iba na pwede mong pag-alayan niyan."

Lumapit ito sa akin at niyugyog ang mga balikat ko. "Layza naman, 21 na ako. Be considerate." Natawa ulit ako sa tinuran nito.

"Ang desperado mo naman, hala, hahanap ako nang bayarang babae para diyan sa problema mo--"

Nagulat ako ng itinulak niya ako sa kama at mabilis na dinaganan. Nasa ibabaw ko na siya ngayon, ang nakakatawa lang, hindi man lang ako nabigatan sa kanya.

"Ikaw ang gusto ko." Kinilabutan ako sa sinabi nito. At literal na tumayo ang mga balahibo ko nong sininghot-singhot niya ang leeg ko. Tinulak ko siya pero kumapit ito sa balikat ko.

"Isa Tudge! Umalis ka sa ibabaw ko." Banta ko sa kanya.

Nagulat naman ito noong marinig na nitawag ko siya sa pangalan niya kaya nang itulak ko ulit ay naalis ko na ito sa ibabaw ko. Sobrang hina talaga, ano namang aasahan ko sa payatot na'to.

Ngumisi ito ng nakakaloko. "Yes, I am Tudge love. And, I promise to take you to heaven. Ma-e-enjoy mo din ang pagkuha sa puri ko." Tinaasan ko lang ito ng kilay.

"Enjoy? Ni wala ka ngang abs!" Nilait ko na, para matigil na sa kahibangan niya.

Inilapit niya ang mukha sa mukha ko. Hindi ako natinag, hindi siya nakakatakot tingnan. Totoy na Totoy e.

"Abs lang ba gusto mo. Sige, pagtratrabahuan ko yan, love." Nanlaki ang mga ko ng kintalan ako ng halik nito sa labi. Aba! At talagang may lakas siyang nakawan ako ng halik.

Kakalmutin ko sana ang mukha nito nang mabilis itong umatras ng natatawa.

"Abs. Yeah, I need to have abs in exchange of that delicious body." Nanginig ang buo kong katawan sa narinig. Iba na kasi ang tingin nito sa akin, sa katawan ko.

"Then, I can I spank you. Hmmm. Promising isn't it love? Abs for me, spanking for you!"

Oh my. What the. Pinagsasabi niya?

Past WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon