" Miss, pabili shake, dalawa. " sabi ng nanay mo sakin. Ako kasi ang naka-assign sa tindahan ngayon.

Nakita kita, naka-sumbrero. Nagtatago. Nakakatakot ka nga sa una e, feeling ko kasi kawatan ka. Hindi ko makita yung mukha mo kasi nakatago ka sa likod ng nanay mo.

" Anong shake po?" Tanong ko habang nakatingin sayo nang nakakunot ang noo ko. Ang weird mo kasi. Bat kailangan pa magtago?

Tinuro naman ng nanay mo yung  jug ng Mango Shake namin. Kumuha na ako ng baso, at nagsalin. Bago kayo umalis, parang tiningnan mo pa ako nun.

Gabi-gabi bumibili kayo sa amin. Laging mango shake ang binibili nyo, pero one time nang bumili kayo ubos na. Parang nalungkot ka nun, pero na amaze ako nung nagside-view ka nun.

Nakita ko talaga yung maganda mong mata, yung matangos mong ilong at maganda mong labi. Gwapo ka naman e, bakit ka pa nagca-cap.

Sana next time, ikaw na ang bumili. Ang mama's boy mo rin! Lagi mong kasama mama mo. Alam mo bang mataas ang respeto ko sa mga mama's boys, bukod sa mahal nila ang nanay nila, may respeto din sila sa mga babae.

Kinabukasan, nagulat ako nang ikaw lang ang bumili hindi mo rin kasama mama mo pero bat naka-cap ka pa rin? Parang nahihiya ka sa itsura mo. Gwapo ka naman e.

Nalungkot din ako kasi di ko narinig ang boses mo, tinuro mo lang at gumawa ng V sign sa daliri, na ipinahiwatig na dalawa ang bibilhin mo. Ang tahimik mo nun, so ako tumango na lang.

Pero himala! Ngumiti ka! Ng matipid nga lang. Pero ngumiti ka! Na-tulala nga ako nun, pero bumalik rin sa wisyo. Natatawa ka pa nga nun.

Sana sa susunod na bibili ka, magpakilala ka ha? Pero pano ka magpapakilala e, isang tindera lang naman ako at ikaw ay isang hamak na costumer lamang.

Mango ShakeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon