Chapter 9

72 2 0
                                    

Sorry sa late update marami lang inasikaso sa school ng mga kiddos ko!...

*****

1 week din kaming hindi nagkita ni Brandon.. Ewan ko pero di ko sya napagkikikita sa school.. Di ko na lang sya pinagkaabalahan hanapin kasi alam ko naman na kahit magkita kami hindi ako makakatikim ng 'thank you' para sa ginawa kong pagaalaga sa kanya nung magkasakit sya..

"Dude uwi na ko ha. Gagawin ko na yung report ko for Monday, alam nyo naman terror yun si sir! Ge guys!" Di ko na sila inantay na magsalita agad akong tumalikod at sumakay sa kotse ko at pinaandar ito.

Actually gusto ko lang muna talaga matulog.. Ewan ko ba pero lately after nung nangyaring pagaalaga ko sa may sakit na yon, halos di na ako makatulog.. Kaya gusto kong bumawi sa sarili ko.. Sa wakas makakatulog din ng mahaba haba..

(Message alert tone) haay for sure si Mj to mangungulit.. Nakahinto naman ako dahil red pa ang signal..

Binasa ko ang text message at nagulat ako ng makita ko kung ano ang laman ng message.

"Where are you? Need you to come with me tonight.. Will fetch you at 7pm text me your address now" aba! After nya di magparamdam ng 1 week ngayon kung magutos akala mo talagang alipin na ako.. Nek nek mo no! Text your face!

Nakarating na ko sa bahay nung maabutan ko si tita Leah sa garden with Andie.. Agad akong lumapit sa kanila and kiss them.

"Ang aga mo ata iha?" Si tita na mukhang nagulat

"Oo nga ate Franz nakakapanibago hehehe " pangaasar ni Andie..

"Marami po kasi akong gagawin tah.." Sagot ko sa kanila with a smile

"Naku matutulog ka lang e.. Maaga pa ate.. 5pm pa lang for sure pag natulog ka ngayon bukas na ng maaga ang gising mo let's play muna ate..." Pangungulit sa akin ni Andie..

"Haha hindi no.. Sige una na ko sa room ko.. Tita sige po" inaantok talaga ako gusto ko matulog

Nakahiga na ko sa kama ko pero hindi na ako makatulog naiisip ko yung text ni Brandon. Ayoko nga sya samahan.. At san nanaman kami pupunta nako if I know, may plano syang masama sakin.

(Cellphone ringing)

I cancelled the call, it was him! brandon! Ayoko sya makausap. Paulit ulit nya akong tinatawagan.siguro after 30 minutes napagod din sya. Maliligo nga muna ako para naman mabawas bawasan ang stress ko..

After ko maligo, narinig kong kumakatok si Andie..

"Ate baba.. May bisita ka.. Why is he here?! Is he your boyfie already?! Oh My Gosh ate!! " Hahaha ang kyut lang netong si Andie.. Pero teka sinong why is he? he? It means lalaki.. Imposible naman si Peej kasi kilala naman sa ni Andie

"Ok bababa na po.."

Pagkababa ko nagulat naman ako sa nakita ko, si tita Leah kausap si ......

"Brandon?" Tumayo naman sya sa pagkakaupo at nakangiti sa akin

"Hey! I've been calling you pero bakit hindi mo sinasagot?"

Hila hila ako ni Andie pababa.. Ang tita ang smile abot hanggang tenga pati si Andie.. Haay Josmio.. Kinikilig pa sila kesa sakin. Anu ba yan..

"Sorry pero, if unknown caller hindi ko sinasagot.. At saka why are you here ba?" Pagtataray ko. Ano naman ang ginagawa nito dito . In fairness ang gwapo nya ha pormang porma tsong ha!.. E pAra dito lang sya sa bahay pupunta kelangan ganyan bihis

"I told you we were having a date tonight.. I texted you kanina" bah! Himala di mainitin ang ulo nya palaginaka smile kahit tarayan ko.. Plastik talaga to! Kaharap lang tita ko e ganyan ang pinapakita

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon