KABANATA 4

131 2 1
                                    


Kabanata 4

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya , Nakakahiya naman kong itanggi ko pa na hindi niya na ako dapat samahan dahil gabi na nga , Kahit na labag sa kalooban ko ay siya ang nagpumilit na ihatid ako .. pasalamat nalang talaga ako dahil dumating siya baka ano pa ang nangyari sa akin kong wala siya , utang ko sa kanya ang buhay ko ...

Nakasunod ako sa kanya , habang tanaw ko ang malapad niyang likuran . Suot ang isang white faded t-shirt , pares ang maong jeans na kulay itim ay hindi ko miatatanggi na pogi nga siya talaga ,, katamtamang tangkad, at matipunong katawan ay masasabi ko rin na para siyang isang modelo ...

Iwan ko kong bakit biglang nabago ang pagtingin ko sa kanya ? napapaisip ako na parang mabait naman siya talaga dahil sa tinulungan niya ako , pero may nararamdaman parin akong pagduda dahil sa isa siyang playboy , mayabang , at bolero . Pero may pag alinlangan din ngayon ay parang ang bait-bait niya parang hindi ko nakikita ang mga masamang aspeto niya, SO totoo ba to ang pinapakita niyang kabaitan sa akin?? Ohh baka trip niya lang , o kayay may hidden agenda siya sa akin.. TSk tama nayan Millerianna dapat ka parin magpasalamat sa kanya ....

Narating namin ang parking lot kong saan naka park ang kanyang motorsiklo isang itim na big bike na sa tingin ko ay mahalalin ito , tunay nga may kaya sila sa pagkakalam ko ay may sarili silang company, at pinangangasiwaan ito ng kanyang mga magulang ... Kenjie gusto kolang magpasalamat sayo ...--- Diretso siyang nakatitig sa akin, at parang sinusuri niya ang mga pinagsasabi ko ..

Sa susunod huwag kanang maglakad na mag-isa ..--- baridong sabi niya ... Ito suotin mo --- inilahad niya sa akin ang kulay itim na helmet , agad koi yon sinuot at nakita ko rin na may helmet din siyang sinuot .. Nagtataka ako bakit dalawa ang helmet niya ? siguro may date patong mukong na to ?? ...

Salamat ,, --- agad niyang pinaandar ang kanyang big bite, at sinenyasan niya akong umupo niya , pero nakakahiya man aminin hindi ko masyado maabot ang upuan , at ng mapagtanto niyang hindi pa ako sumasakay ay , nagulat ako ng inilahad niya ang kanyang kamay at, tinulungan niya akong maka upo .. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, na parang hindi na naman ako makahinga ng normal dahil sa ginawa niya. Huwag ka maniwala Millerianna sa kanya , Baka niloloko ka lang niya , huwag mo hayaan mahulog ka sa isang Kenjie na playboy ..

... Pinaandar niya ang kanyang motor at medyo mabilis ang kanyang takbo , sumalubong sa amin ang lamig ng hangin at nanatili akong nakahawak sa akin bag .. Bigla siyang nagsalita ...

Ituro mo lang kong saan ang bahay mo ..--- sabi niya , may mga sinasabi pa siya pero hindi ko masyado marinig dahil sa lakas ng hangin at sa andar ng motor kaya lumapit ako sa kanya at nag tanong ...

Okie, pero hindi kita masyado marinig ano pa ang mga sinasabi mo ??--- pasiggaw kong sabi . Dahil malapit ako sa kanya hindi maiwasan na maamoy ko siya , at tama ako mabango siya ...

Bibilisan ko ang takbo at humawak ka sa akin...--- nagulat ako sa sinabi niya , ano ibig niyang sabihin n hawakan ko siya ?? hindi ako makagalaw dahil sa pag ulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya ... NAramdaman ko rin na bumilis nga ang takbo niya ...

At laking gulat ko ng maramdaman ko ang kanyang kamay na hinawi ito ang kamay ko para makahawak sa kanyang beywang ,, Naghuhumirado na naman ang aking puso ,, at ano ba tong nararamdaman ko na kakaiba nasiya lang ang napaparamdam nito sa akin... Sa sitwasyon namin ngayon ay parang yinayakap ko siya , at kumunot ang aking noon g Makita sa side mirror na ngumingiti siya .. Iwan ko kong ano ba ang nakakatuwa bakit panay ang ngisi niya ....

Lumiko ka sa Kaliwa ..--- sabi ko sakanya ng makitang ang Crossing .... Agad siyang lumiko ..

Sa ikatatlong bahay ... Tumigil ka diyan na ang bahay namin – sabi ko naman sa kanya .. nang marating namin ang bahay ay agad akong naghiwalay sa pagkahawak ko sa kanya , at ng tumigil siya sa harap ng bahay namin ay balak kong paalisin na siya agad dahil baka Makita pa siya nina mama at papa na inihatid niya ako ... pero Bago ko pa siya paalisin ay narinig ko ang boses ng kapatid ko ...

DAWN OF LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon