IMAHE

65 2 0
                                    

Sa telepono...... Maririnig ang pabulong na pagmamakaawa ni Mara sa kasintahang si Jonjon upang panagutan ang bata sa kaniyang sinapupunan......

Jon, panagutan mo ang anak mo! Papatayin ako ng nanay ko kapag nalaman niyang buntis ako!

Mara, alam mong may pamilya ako! Hindi ko pwedeng panagutan ang batang yan! Akala ko ba laru-laro lang tayo!

Hayop ka Jon! Matapos mo ko pagsawaan! Hindi pwedeng hindi moko panagutan! Hindi ko kayang mag-isa to! Nag aaral pa ko! Isusumbong kita sa dean ng school pag di moko pinanagutan! Matatanggal ka sa pagtuturo!

Walang maniniwala sayo! Ni hindi ka nga pumapasok sa mga klase mo. Sinong maniniwalang akin yang batang yan. Kung ako sa'yo, wag ka nang magpapakita sa eskwelahan. Bahala ka na diyan! Bwisit!

Sabay bagsak sa telepono.

Jon! Sir Jon! Wag mokong babaan ng telepono! Sir Jon.......

Sabay sa pag-iyak, sunud-sunod na katok sa pintuan ang narinig ni Mara.

Mara! Buksan mo itong pinto! Malandi kang babae ka! Magtapat ka! Bakit ka nagduduwal kanina! Buntis ka ba'ng babae ka! Mara! Lumabas ka dito! Wala ka ng ginawang mabuti sa buhay mo!

Inay, oo buntis ako at wala na kayong magagawa!

Buksan mo tong pinto bago ko gibain to! Mara! Mara!

Hindi niyo nako masasaktan inay! Lalong hindi ang bata sa sinapupunan ko!

Sinong ama ng bastardong batang yan?! Buksan mo to!

Ang professor ko! Oo nay! Nabuntis ako ng titser ko na may asawa! Ayaw niyo nun. Magiging matalino ang apo niyo! Anak ng titser eh! Hindi tulad kong bobo!

Aba walanghiya kang bata ka! Teka nga't makuha ang susi sa baba! Kakalbuhin kita pag nakapasok ako diyan. Wala ka ng dinalang mabuti sa bahay nato! Bobo ka na sa pag-aaral, bobo ka pa sa pagpili ng lalake. Nagpabuntis ka pa!

Hindi niyo nako masasaktan uli!

Matapos mawala sa pandinig ang ina. Impit na iiyak si Mara. Puno ng pagsisisi at galit sa lalaking sa kanya'y nanamantala.

Walanghiya ka Jon! Binigay ko sayong lahat..... Akala ko kaya mong iwanan ang pamilya mo..... Pano na ako? Paano na ang batang to?
Pagud na pagod nako........

Si Mara, dahan-dahang tatayo at haharap sa salamin. Galit sa sariling sisisihin ang repleksyon sa lahat ng kabiguang natamo.

Ikaw ang may kasalanan nito eh! Kung hindi ka ba naman bobo, sana mas minahal ka ng nanay mo! Kung hindi ka ba naman tanga't kalahati, nagtiwala ka sa may asawa! Nagpabuntis ka pa!

Wala ka talagang silbi sa buhay Mara! Dapat mamatay ka na!

Si, Mara, unti-unting kukunin ang gunting sa may tukador. Mahigpit itong hahawakan habang patuloy ang paninisi sa sariling imahe sa harapan.

Ito na ang huling gabi mo Mara! Wala ka na rin lang silbi sa mundo. Tatapusin na natin lahat ng sakit. Wala kang silbi!!!!

Sabay ng malakas na hiyaw ay ang pagkumpas sa hangin ng gunting! Ang puntirya ni Mara, ang repleksyon sa salamin.....

Matapos ang paghiwa sa sariling mukha sa salamin, isang malakas na sigaw ang pumailanlang. Ang imahe ni Mara, sugatan. Hawak ang duguang pisngi ay galit na galit na haharapin ang sariling katawan......

Hayup ka Mara!!!! Ang tagal ko ng nagtitiis ng pang aabuso mo sakin....... Pinanood lang kita habang unti-unti mong hinayaang saktan ng ibang tao ang iyong katawang lupa...... Tinanggap ko lahat yun! Ngunit ang hindi ko matatanggap ay ang ikaw mismo ang manakit sakin!!!!

Si Mara, takut na takot sa nasaksihan. Sa kaniyang harapan ay inuusig siya ng sariling repleksyon na kaniyang sinugatan.......

Hindi nako makakapayag na muli mo akong saktan!!!

Sabay nito'y hinatak ng imahe ang katawan ni Mara sa loob ng salamin.

Huwag!!!!!!!

Ikaw naman ang ibibilanggo ko sa loob ng salaming ito! Tapos na ang pang aabuso mo sakin Mara at ng mga tao sa paligid mo!

At siya namang paglabas ng imahe sa mundo ng mga tao. Dinampot ang gunting na pinanghiwa sa kaniyang mukha ni Mara.

Ako naman ang gaganti Mara! Sa'yo at sa lahat ng nanakit sakin! Sabay takbo ng imahe palabas ng kwarto.

Huwag!!! Pakawalan moko dito!!!!!

Sa labas ng silid, unang masasalubong ng imahe ay ang ina ni Mara......

Lalabas ka rin pala ng kwartong babae ka pinahirapan mo pa'ko! At may gunting ka pa!? Ano lalaban ka na? Sasaksakin mo ko! Hayop kang bata ka! Wala ka talagang silbi! Bastos ka pa.....

Mara! Hindi ako nagbibiro. Ibaba mo yan kundi masasaktan ka! Mara! Mara! Ahhhhhh............

Sa loob ng salamin..... Inay! Inay!!!!!!!

Simula na ng paghihiganti ko Mara!!!!!!

The End

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Apr 29, 2016 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

ImaheWo Geschichten leben. Entdecke jetzt