WMCM 12

7.6K 236 24
                                    

Sa kasalukuyang nasa sala si Vice at Karylle, kung saan sabi ni Vice ay ang 'Comfort Zone' niya .

" Ahm Vicey ? "

Pag-tawag ni Karylle sa atensyon ni Vice .

" Hm ? "

Tugon naman nito .

" Ahm , ako nalang ang pupunta dito sa bahay mo, 'wag ka ng pumunta sa unit "

Alanganing sabi ni Karylle , agad namang napa-tingin sa kanya si Vice na may magkasalubong na kilay .

" Bakit ? "

Seryosong tanong nito kaya napaiwas naman ng tingin si Karylle .

" Eh kasi, yesterday, someone asked me if you visited me on my unit, kasi parang nakita ka daw nila . I can't blame them for noticing you that easy even though naka-disguise ka , you have your stars tattoo that's why nakilala ka agad. So I guess , I'll be the one to come over here nalang , para iwas issue, kasi sanay naman ang mga tao na maraming napunta sa bahay mo eh, and besides, napaka-dali for me to disguise "

Paliwanag naman ni Karylle with her pleasing eyes .

" Eh ano naman kung ma-issue akong napunta sa'yo ? Bakit naman nung napunta ako sa unit ni Anne, walang lumabas ni isang issue, naiintindihan ko na magka-loveteam tayo kaya pwede tayong magka-issue, pero Karylle naman, siguro naman normal lang sa magkaibigan ang bumisita sa isa't-isa 'di ba ? "

Sagot naman ni Vice .

" Let me come in your unit even just once a week . Syempre iba parin naman dun kesa nandito tayo sa bahay 'no "

Pahabol pa nito .

" O-okay then. Sige "

Ngiting-sagot naman ni Karylle .

" Nga pala , I almost forget, may lakad ka ba tomorrow ? "

Tanong ni Karylle kaya inisip naman ni Vice kung meron nga ba .

" Wala ? Oo wala , why-why delayla ? "

" Bukas kasi im going to visit Papa , you want to come with me ? "

Hyper na tanong ni Karylle .

" Sa Papa mo ? Kay Daddy Modesto ? "

Tanong ni Viceral , 'di naman agad naka-sagot si Karylle at napa-ngiti .

" Huy, anong ngini-ngiti-ngiti mo dyan ? Baliw na naman 'to "

Nawi-weirduhan na saad ni Vice at isinampal sa mukha ni Karylle ang kulot na buhok nito .

" ieeee , walaaaa , kinilig lang ako sa pag-tawag mo kay Dad ng Daddy "

Kinikilig na sabi ni Karylle sabay ngudngod ng mukha niya sa may likuran ng balikat ni Vice .

" Halalalala . Ikaw naman, syempre, Im getting ready . Tatawagin ko din naman siyang Daddy 'pag nakasal na tayo "

Banat naman ni Vice kaya lalong nginudngod ni Karylle ang sarili sa likuran ni Vice .

" Ano ba ! Si Karylle parang tanga hahaha , huy "

Natatawang sabi ni Vice sabay pilit na iniaangat ang ulo ni Karylle .

" Huy Kulot ! Kaloka ka , 'wag naman masyadong pahalata na kilig na kilig ka, 'tong babaeng 'to 'di marunong mag-pakipot "

Natatawa't-naiiling na sabi ni Vice at niyakap nalang si Karylle sa side niya .

~

~

~

~

Want Me? Convert Me || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon