Nous avons mis à jour nos Directives de Contenu.
Consultez les dernières directives pour continuer à partager des histoires en toute sécurité.

Part 1

7 0 0
                                        

PART 1

Habang pumpatak ang oras, lumilipas ang bawat segundo ng gabing ito, wala paring ipinagbago ang posisyon ko.
Nandito parin ako sa loob ng maingay na lugar na ito,

Puno ng mga taong masasaya,

Mga nagpapanggap na masaya,

Mga malulungkot

At mga nagdadalamhati.

Nasa loob ako ng isang kilalang bar,
Hindi ko naman intensyong mapunta sa lugar na ito,
Inaya lang ako ng mga kaibigan ko.

Pagkatapos kasi ng mga nangyari,
Hindi ko alam kung paano ako makakabalik sa dati.
Para kasing namatay ang kaloob looban ko.

Sumama ako sa lugar na ito, para naman sana, kahit papaano, may maramdaman ako.
Pero wala eh, ganito parin.
Nakaupo lang ako sa table namin habang nakatitig sa bote ng alak na kanina pa nasa harapan ko.
Kanina ko pa iniinom to pero parang hindi naman nauubos.

"Eli! Tara na kasi, sama ka samin, sayaw na tayo" biglang sulpot ni Steph
Nasa dance floor kasi silang lahat, ako lang yung naiwan dito sa table namin.

"Sige lang, dito nalang ako, iinom lang ako." sagot ko nang hindi tumitingin sakanya.

Hindi na siya sumagot, siguro alam na niyang hindi niya ako mapipilit kaya bumalik nalang siya sa mga kasama namin.

Ipinagpatuloy ko lang ang pag inom at maya maya lamang  ay bumalik na din sila sa table namin.
"Ubos mo na yung isang bucket Eli?" tanong ni EJ

Pagtingin ko sa table namin, puro empty bottles nalang ang nandun.
Kaya pala hindi maubos ubos yung iniinom ko, hindi lang pala iisang bote yun.

"Ay pasensya na, order nalang kayo, ako na bahala" sagot ko.

At uminom lang kami hanggang sa matapos ang gabi.



Kinabukasan...

Nagising nalang ako dahil sa paulit ulit na vibrate ng phone ko,
"Ano ba yan, sino ba yang tawag ng tawag" Amok ko habang nagkukusot ng mata

"Buti naman at nagising ka na mahal na reyna" asar saakin ni Steph

"Oh, bat ka tumawag?" tanong ko sakanya

"Syempre, dito kami natulog ni EJ at Louise sa suite ni John no! Nagwawala ka kaya kagabi" sabi ni Steph sabay ang lakas lakas ng tawa oh! Pinatayan ko nga ng phone

Wala akong nagawa kundi bumangon dahil alas dos na pala ng hapon.
Hindi ko alam kung anong oras kami nakauwi kagabi, buti nalang at sinamahan ako ng mga kaibigan kong sila Steph, EJ, Louise at John na pinsan ko din.
Binisita lang kasi nila ako dito sa Makati, dahil namimiss daw nila ako.
Sa Baguio kasi talaga kami kaso dito na ako nag aaral eh.
Nasa hotel lang sila sa tapat ng condo ko dahil ako lang ang nakakapasok dito sa unit ko.

Pagkatapos ng isa't kalahating oras ay natapos na din ako sa pag aayos ko.
Saktong papalabas na ako ng unit ko nang tumawag si EJ.
Mapagtripan nga, haha.

"Hello?" parang inaantok na sabi ko sakanya.

[Hello? Wag mong sabihing kakagising mo lang Elodie Elise Madrigal Oliver?] gulat na tanong ni EJ

"Eh pasensya na ha? bakit ka ba tumawag?" pigil tawa kong tanong sa kanya for sure malapit nang mainis ito hahaha

[Bilisan mo nang magbihis, aalis na kami mamayang gabi Eli] parang nagtatampong sabi niya

"Sige, hintayin niyo nalang ako." sabi ko sabay end call agad dahil baka marinig niya yung sound nung elevator. Dahil saktong nasa ground floor na kami.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng building ay inihatid na ako ng shuttle service ng condo namin.
Nagpahatid pa eh katapat lang naman? Haha, mainit kasi eh, ang haba ng lalakarin ko palabas dahil malawak ang front lawn namin.

Pagkarating ko sa hotel ay nagpasalamat na ako kay kuya Ferds at pumasok na.
Nakuha ko naman yung isang keycard kay John kagabi kaya makakapasok ako sa suite kung san sila nakacheck in.

Nasa tapat na ako ng suite nila at sakto namang pipindot na sa doorbell yung magroroom service.

"Dito ba sa 2122 yan?" tanong ko sa staff

"Yes po ma'am" magalang na sagot niya

"Ako nalang magpapasok niyan ha? Pinsan ko nandito pati friends nandito, si John Franco eto yung keycard oh" sabi ko sabay pakita ko nang keycard ko.

"Okay po ma'am, maraming salamat po" sabi niya at umalis na din.

Swinipe ko naman yung keycard pagkatapos ay pumasok

"Room service po" sabi ko na nagpipigil ng tawa dahil mga nakatutok nanaman silang lahat sa gadgets nila.

Nagulat naman sila at ang bilis ko daw hahaha.
Kumain na kami para makapamasyal na dahil uuwi na silang lahat mamaya.


--------------------------------------------------

"The Conjuring"

"Despicable Me"

"Con-ju-ring"

"Minions!"

Nagtataka ba kayo kung ano yan? Hahaha Si John at Louise kasi nag aaway. Magkaiba ng gustong panoorin. Takot kasi yung isa kaya ayaw sa Conjuring. Alam niyo kung sino yung takot? Hahaha, Si John.

"Tara na guys, bili tayong ticket, hayaan natin yan mag isa na manood ng Minions niya." Pang aasar pa ni Louise kay John. (Secret lang guys pero may something yang dalawa hahaha)

Sinakyan naman namin yung trip ni Louise at pumunta na sa bilihan ng ticket, at naiwan si John dun sa harap ng screen kung saan nakalagay yung list ng showing

"Oh sige na, sasama na ako sainyo" sabi niya habang patungo sa kung nasaan kami

"Oh my gosh John Franco, stop pouting or i'll kick your ass." sindak ko sakanya. yes, natatakot po yan sakin, syempre, pinsan niya ako and bugbog siya sakin pag hindi niya ako sinunod, haha, tinatadyakan ko kasi palagi.

Wala na siyang nagawa at nag movie nalang kami, after namin mag movie ay nag arcade pa kami then nagdinner na para deretso uwi na sila mamaya.
Nagtext na kasi yung driver ng dad ni John na malapit na siya sa hotel dahil siya yung susundo sa kanila pauwi sa Baguio.

pagkadating namin sa hotel nila ay pinakuha nalang nila yung mga gamit nila para makapag check out na si John. Hahaha. Gastos niya pala lahat papunta pati stay at pag uwi nila.
Pumapayag lang kasi si Papa Francis, tito ko/tatay ni Franco/kapatid ng Mommy ko, pag alam niyang kasama ako or ako yung pupuntahan niya.

Naiwan nanaman akong mag isa dito. Well, sanay na din naman ako kaya hayaan mo nalang.

Bumalik nalang din ako sa condo ko,

Bumalik ako sa realidad...
Kung saan kailangan ko nanamang harapin ang katotohanan na literal man o hindi, mag isa nanaman ako. Iniwan nanaman ako.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Mar 10, 2018 ⏰

Ajoute l'histoire à ta Bibliothèque et tu seras prévenu des nouveaux chapitres !

Elise Oliver: Fighting for LoveDes histoires addictives. Découvrez maintenant