Chapter One
Jonathan's POV
Maaaring sa academics wala talaga akong binatbat. Oo na. Aminado ako. Pasaway ako. I do ditching my classes. Lalo na kapag nakakatamad magturo ang teacher at wala akong assignment. Nakakatamad na talaga ang pag-aaral. Ayaw ko ng mag-aral.
Nakakasawa na. Wala na bang bagong gawain? Nakakainis kasi 'yung ilang oras kang nakaupo at nakatitig sa blackboard na color green naman. Sa pag-aaral ibahin niyo ako. Kung ang mga matatalino, nagsusunog ng kilay para mag-aral.. ako ata, pwet ang nasusunog sa buong maghapong nakaupo.
"Mr. Lim got the lowest score.. again." Sabi no'ng teacher ko sa English. Katatapos lang naming mag-exam kahapon. Na-check na pala. Napatingin naman ako sa mga kaklase kong grade conscious na nagtatawanan. Tss.. punitin ko 'yung test paper nila, eh.
Agad akong tumayo at kinuha na ang papel ko sa teacher kong mukhang 19-kopong-kopong pa ang kasuotan. Napalingon ulit ako sa mga kaklase kong ubod lakas na makatawa. Mukha na ba akong clown?
"Grabe, Jonathan. Lagi kang lowest! Kahit saang subject. Buti nakakasurvive ka pa!" Sigaw no'ng president namin. Sarap batukan, ah. Pasalamat siya may values ako! Teka.. saan naman nanggaling 'yun?
"Dude.. kaya nga may special project, eh." Sabat naman ng running for salutatorian na kaklase ko. Tss. Sobrang yabang.
"Ang sabihin mo, anak ng principal kaya nandito pa rin." Sigaw ng isa sa mga kaklase ko pero binalewala ko nalang. Sanay naman na ako sa ganitong sitwasyon. Hindi naman ako naiinis. Siguro.
"Alam ko theme song mo! I will survive? Hahahaha--" Natahimik naman ang buong klase sa joke ng seatmate kong si Paul. "Bi-Biro lang." Magjo-joke pa, wala namang kwenta. Binehlatan ko nga.
"Stop it guys." Saway na sa amin ng teacher namin na nasa harapan. Bumalik na ako sa upuan ko at pinitik ko naman ang noo ni Paul.
"Mr. Lim and Ms. Frias.. follow me ." Napalingon naman ako kay Athena na nasa likuran at halatang nagulat pa nang banggitin ni Ms. Papio ang pangalan naming dalawa. Ano na namang pakulo nitong teacher na 'to?
Lumabas kami ni Athena pero hinayaan kong mauna siya kaysa sa akin. Si Athena Frias ang kaklase ko na masasabing matalino talaga. Lahat ata ng competition, academics man o extra-curricular siya ang panlaban. Siya lagi ang representative ng school namin. Pero hindi pa rin ako bilib sa kaniya. Maganda naman siya at maputi kaso sobrang tahimik lang niya. Minsan nga, inaantay ko na maki-tukso rin siya sa akin sa tuwing mababa ang nakukuha kong test result pero wala. Wala atang vocal chords ang babaeng 'to. Ah! Meron pala. Tuwing recitation. Nganga silang lahat kapag nagsalita 'yan. Except ako 'no. Siyempre, tulog ako no'n. Kine-kwento lang ni Paul.
Ang mahirap kasi sa nga tao ngayon.. talino na ang basehan. Porket ba, madami siyang medal at ako madaming palakol? Mas maganda ang future niya kaysa sa akin? Hindi natin alam. Malay mo, nawawala pala akong tagapagmana ni Henry Sy! O kaya 'yung may-ari ng McDonald's long lost great grandfather ko! Eh, di may happy meal ako palagi! Hahahaha!
"Jonathan.." Napalingon ako sa likuran ko. Teka.. bakit nasa likuran ko na siya? Siya nga itong sinusundan ko, ah. "Saan ka ba pupunta?" Kita mo 'to. Nagsasalita pala. Napalingon ako sa pintuan sa likuran niya. Faculty na pala ni Ms. Papio 'yun. Hay, naku. Sa sobrang pag i-imagine ko literal na ang layo ng narating ko. Pumasok kami sa faculty room ni Ma'am at pinaupo naman niya kami.
"Look, Mr. Lim. Ang pangit tingnan kapag may laging bagsak sa star section at naturingan pang anak ng principal natin. Your mother is still hoping that you are going to make some changes. Huwag mo naman siyang i-dismaya." Napahinga naman ako ng malalim.
"Ma'am kung hindi po mababa ang score ko, baka second to the highest nalang si Athena." Pagbibiro ko pero ni-isa sa kanila walang natawa. Tss. Wala ba silang sense of humor?
"This is not the right time for your jokes, Mr. Lim." Napasandal naman ako sa kinauupuan ko. "Ms. Frias.. I need your help." Napalingon naman ako kay Athena na talagang nakikinig kay Ma'am.
"I-tutor mo siya." Nagitla ako sa kinuupuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Ms. Papio.
"Tutor? Wait Ma'am. I don't.. I don't.. Hindi ko kailangan ng tutor!" Leche, napapasubo ako sa English skills ko, ah.
"Sinabi na ito ng mama mo. Siya mismo ang nagsuggest, Jonathan." Siya na naman?! "And besides.. mukhang wala namang problema kay Ms. Frias?" Tumango naman ang babaeng nasa harapan ko. Gano'n lang?! Payag na siya agad? Grabe siya, oh.
Ilang minuto din lumabas na kami sa faculty ni Ms. Papio na 'yun. Kainis. Nakikipag-sabwatan na si Mama sa mga teacher ko.
"Hoy!" Pansin ko sa babaeng nauunang maglakad sa akin. Bingi ata kaya naman nauna akong maglakad at humarap sa kaniya. "Bingi ka ba?"
"May pangalan kasi ako." Aba't sumasagot pa.
"Bakit ang judgmental mo?" Napakunot-noo naman siya sa tanong ko at napatigil siya sa paglalakad.
"Judgmental? Ako? Saang banda kita na-judge?"
"'Yung part na pumayag ka na maging tutor ko! Hinusgahan mo ako do'n! Sa simpleng pagpayag mo. Alam mo ba 'yun? Parang.. sinabi mo na bobo ako. Mahina!" Napairap lang siya sa sinabi ko. Ang sama pala ng ugali nitong labanos na 'to.
"Hindi kita hinusgahan, Mr. Jonathan Casper Lim. Tutulungan pa nga kita hindi ba? At saka.ikaw ang nagsabing bobo ka." Natawa ako sa sinabi niya. Nakuha pa niya akong pilosopohin, ah! Sabi na, eh. Nasa loob talaga ang kulo ng babaeng 'to. Akala mo kung sinong dalagang mukhang hindi makabasag ng pinggan!
"I don't need your help. Oh, english 'yun. Na-gets mo naman siguro. Kaya halika na. Sabihin mo kay Ms. Papio na hindi na tuloy--" Hinila ko ang braso niya pero hindi talaga siya gumalaw o nagpahila man lang. Binawi pa nga niya ito.
"Lim, tulungan mo ang sarili mo." Iyon lang sinabi niya at nagsimula na namang maglakad kaya naman hinabol ko siya ulit.
"Ikaw, ang hilig mong magpahabol! Mabuti sana kung chicks ka!" Talagang hindi siya natitinag sa pinagsasasabi ko, ah. Ang tigas din ng bungo nito, eh.
"Ah! Hula ko.. may gusto ka sa akin kaya siguro gusto mo akong i-tutor." Natigilan siya sa paglalakad at halata ang gulat sa pagmumukha niya. I knew it!
"Dream on! Ang kapal ng mukha mo. Pasalamat ka nga tutulungan pa kita." Tss. Ayon! Naglakad na naman siya.
"Makapal talaga ang mukha ko! Gwapo pa!" Sigaw ko sa kaniya.
'Yung babaeng iyon! May araw din sa akin 'yun!
-
YOU ARE READING
Fall For Me
Short StoryJonathan Casper Lim, isang lalaking, well, technically and mentally laging failed sa academics. And that's why, Athena Frias, the class' top 1 will help him to pass. He need to do something para kahit papaano ay maasar ang dalaga. Pero paano kung ka...
