A/N
This story is insipred by someone here in wattpad. I completely forgot the username, but in case you read this, I was just inspired to try and write my own version of the story. Enjoy!
**
Nandito ako ngayon sa hospital. Binibisita ko ang aking kaibigan na nabulag sapagkat hindi namin alam ang dahilan. Pero sinabi niya anong nagyari. Mukhang hindi totoo kasi imposible talaga at baka hindi niyo magustuhan anong nangyari.
Hindi ako makatulog! Ang init-init naman kasi! Magfa-facebook nalang ako ^_^
"Teka, sino to? Ang weird ng apilyedo niya. Nakakatawa"
Hindi ko siya kilala, kaya sinearch ko yung profile nya. \
*scroll scroll
Wala naman siyang mga pics at videos. Ang nandun lang ay cover photo nyang malaking FACEBOOK. Wala din siyang kaibigan kaya in-accept ko nalang. Kawawa kasi.
Mayamaya, bigla siyang nag chat sa akin.
"Salamat sa pag-accept mo" Siya
"Welcome" Nakakatawa ang surnamne niya. Tanungin ko kaya?
"Totoong surnamne mo ban yang Baboycar?" HAHAHAHAHA
"Ahh. Oo. Hindi ko rin alam bakit 'yan ang surname ko"
At ayun. Nag-chat lang kami. Hindi ko rin namalayan na 12am na pala. Apat na oras na kaming nagcha-chat. Inaantok na din ako.
"Ahh. Bukas nalang, inaantok na ako eh. Ikaw din, tulog ka na hehe. Sarap mo palang kachat hehe."
"huh? papunta na nga ako jan sa bahay mo eh... sayang"
Nagbibiro na naman siya ^_^
"Ah? Alam mo kung san bahay ko? Haha sige, bukas nalang"
"Eh... nandito na ako sa tapat ng bahay mo eh"
"Ikaw talaga hahaha sige matulog ka na. Bukas ulit"
"Nandito na ako sa loob ng bahay mo eh"
"Ha? Haha sge bukas na"
pero sa totoo lang, medyo natatakot na ako
"Nandito na ako sa likod mo"
O.O Medyo natatakot na talaga ako at lilingon na sana ako nang nag-chat siya
"Wag kang lilingon"
"cge bukas na. Matutulog na ako hehe"
sht! Takot na ako!
"Teka, laro tayo"
"Wag na, bukas na. Inaantok na kasi ako. Ikaw din naman kasiii"
"Sge na, kapag may nararamdaman ka sa balikat mo, lilingon ka na. WAG KANG LILINGON KAPAG WALA KA PANG NARARAMDAMAN"
Natatakot na talaga ako at may narining akong papalapit sa akin... may yapak din at talagang may tao sa likod ko. Pero imposible naman talaga kasi ni-lock namin lahat ng gates, pinto at bintana. Natatakt na talga ako kaya lumingon nalang ako, pero wala namang tao. Tinngnan ko ang aking paligid pero wala. Napatingin ako sa laptop ko.
"SABI KO'NG WAG KANG LILINGON!"
Nagulat akosa sinabi niya.Nang sinabi niya yon, may tumusok sa dalawang mata ko. HIndi ko alam kung saan galing yon. Nararamdaman kong dumudugo na ang mga mata ko at lumalayo ako nang lumalayo. May nakita akong tao sa harap ng computer ko at nakatingin sa akin. Ang balat at damit niya ay dumudugo at nakangisay siya sa akin. Di ko alam kung babae ba o lalaki kasi may tusok sa mata ko at napasakit talaga.
Dahali sa sakit, napasigaw ako
"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!"
Salamat at dumating si dad at hinatid ako sa emergency room ng hospital. Napatingin ako sa computer, nawal na siya.
*End of Flashback*
Yun ang nangyari sa kaibigan ko. HIndi kayo makapaniwala noh? Hehe. Mukha kasing hindi totoo...
Ako nga pala si Jun Baboycar, sa facebook nalang tayo magkita. I-add ko kayo. Pa-accept nalang ^_^
-0-0-0-0-0-0-0-0-
A/N
Want more? Please vote and comment down below :))
- DarkTreasure13
YOU ARE READING
Friend Request (One shot)
Mystery / ThrillerAng mga taong nag fe-friend request sayo sa facebook ay yung mga kakilala niyo lang, hindi strangers! Basahin niyo anong mangyayari kapag accept kayo ng accept ng friende request sa mga taong hindi mo naman kakilala.
