"Mar, I Love you! Hinding hindi kita ipagpapalit sa kahit na sino. Ikaw lang ang mamahalin ko, hindi kita iiwan, mahal na mahal kita, ibibigay ko sayo lahat lahat ng gusto mo. Pangako ko sayo yan I Love you!!!!!!" (Sigaw ng isang lalaki sa gitna ng isang school na halos lahat ng estudyante doon ay nakatingin at pinagtatawanan na siya.)
Shocks sino ba yun kailangan niya pa talagang ipagsigawan na mahal niya ko My God. (Nilapitan niya ang lalaki at sa paglapit niya maglalapit ang kanilang mga mukha waring nagtatangkang maghalikan.) My Eto na ba talaga to siya na nga ba ang Forever ko. Ano ba 'to may Music bg pa, poota!!
"Mar!" Kailangang isigaw ang lapit na namin sa isa't isa oh.
"Agascon!" Ano ba yun bat ka ba sumisigaw.
"Mr. Mario Anthon Agascon!!!!" (Nagising si mar sa sobrang gulat niya sa pagtawag sa kaniya ng kanyang prof sa harapan niya.)
"Ayt kiking naghalikan na tae!" shengene ni mam basag trip andun na eh.
"Yes mam?" tugon ko kay mam sy (Napatayo si mar)
"What time did you slept last night?" (Tanong ng guro)
"mam? Eh..."
"Okay sit down. I've heard enough." Ang taray naman neto. sana magaling siyang mag turo.
"Okay class, Mr. Agascon is your new blockmate in your course. Mr. Agascon why don't you introduce yourself"
Hayss, kailangan pa ba talagang magpakilala pa ko. What can I do she's our boss here.
So tumayo na ko, nang makarating ako sa harapan nakita ko yung mga babae halos umupo na sa harapan ko. My God, okay I can do this.
"Hi, I'm Mario Anthon Agascon 17 years old. I live at 1629 Makisig st. Sta. Mesa Manila."
"So Mr. Agascon, bakit ka po nag shift sa Masscom?" Tanong nung isa kong kaklase.
"I find my future here. and I dreamt of being a reporter someday."
"Ayaw mo na po ba sa dati mong course?"
"uhmm, hindi naman sa ganon. i found out na hindi pala pag gawa ng program at computers ang hilig ko. kundi eto."
"Wow! Pare bakla ka ba?" Gagong to bastosan koya di mo ba nakita sa panaginip ko?
"Opo beki po ako. but don't worry di ako yung baklang katulad ng iba na keme lang keme. meron po akong tinatawag na ethics."
"Okay mr. Agascon. Thank you umupo ka na at baka magkainitan pa dito."
Buti nalang nakapag timpi pa ko kung hindi, naku.
"Pasensya ka na ha, ganyan talaga sila pero mababait yan."
"Sus, wala yun sanay na ko"
"Pero seryoso ka bakla ka ba talaga?" Nyeta kakasabi ko palang koya.
"Oo nga kulit mo naman. Pero wag kang magalala hindi ako mahilig sa lalaki."
"So silahis ka?"
"Nope hindi rin ako mahilig sa babae?"
"Ano? hindi kita magets."
"Hays, Don't worry you'll get use to it."
"Ok."
Kaloka ha, pero ang pogi niya. actually hindi sa hindi ako nagkakagusto sa lalaki, naging bakla pa ko kung hindi ko sila gusto. Ewan ko basta nagstart to nung High School pala ako eh.
"Okay class, that's it for today. Dissmis." Hayss grabe nakakadugo nang ilong tong english na to ha.
Habang palabas ako ng room.
"Classmate pasabay, uuwi ka na?"
"Hmmm?" shengene nagulat ako.
"Tara sabay natayo." sabay akbay sakin ng bonggang bongga.
"Bff na tayo? agad?"
"Ako nga pala si Jess."
"Jess...? Ssie J?" sabay tawa si gago. nakakailang grabe. di ako sanay na may ganito agad.
"Jessmar Crisostomo." hays ang cute ng name niya
"Ow okay."
Naglalakad na kami palabas ng gate. ng bigla kong napansin na nakaakbay padin siya sakin, ang presko eh no purket siya lang unang kumausap sa kin bff na agad kami. So tinanggal ko yung braso niya sa pagkakaakbay niya sakin.
"Ang presko mo naman. buong araw mo ba kong aakbayan."
"Para di ka mailang."
"Mailang saan? eh nakakailang na kaya."
"Para di ka na mailang, pagnaging tayo na."
"Ulol! Jan ka na nga." inunahan ko maglakad si Gago, ang presko talaga eh.
"Hahahaha, Joke lang naman." humabol. sabay akbay ulit sakin. mapipikon na talaga ako dito shenge oh nakaakbay nanaman. so tinanggal ko ulit yung pagkaka-akbay niya sakin.
"Isa pa. Mag teteleport nalang ako."
"Kaya mo yon?" kaloka talaga.
"Tanga." hahahahha pero nakakatuwa siya ha.
Ayoko na kasing masaktan ulit nakakasawa nang umasa yung halos paulit ulit nalang, mas mabuti pang magisa nalang ako walang inaasahang iba kundi ang sarili ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Please Continue to read it. Marami pong salamat sa mga nagbabasa at sa mga magbabasa pa. :)
YOU ARE READING
Love Undergoing
Teen FictionKilala mo na ba ang sarili mo ng lubos? kung oo, sino ka ngayun? ano ka na ngayun? ito ay kwento ng isang lalaki na nag hahanap ng tunay na pagibig. kanino niya ba ito matatagpuan? sa lalaki ba o sa babae? It's not about who you are? It's about...
