SIMULA

411K 4.6K 72
                                    

SIMULA

"When are you coming back, Thyrile?" matiim na tanong sa akin ng nakakatanda kong pinsan. Limang taon lang ang agwat namin ngunit minsan ay para na itong Daddy ko kung magbawal sa akin.

"I don't know Kuya Gaige. Depende rin kasi kay Mommy kung kailan nya ako balak pauuwiin dito. But don't worry, alam ko namang hindi ako magtatagal doon. Maybe one week is enough." inayos ko na ang bagahe ko at sinarado ang lock nito.

Lumapit naman si Kuya Gaige sa akin at binuhat ang maleta ko.

"Okay..." malungkot nitong wika. "Be nice to other people, Thyrile. 'Wag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Tita Francia." pangaral nito sa akin.

I frowned. "I won't. And plus, hindi ko naman talaga binibigyan ng sakit sa ulo si Mommy not unless..." nagbigayan kami ng makahulugan na tingin.

Alam kong alam ni Kuya Gaige ang ibig kong sabihin.

"Hindi naman magpapakilala ng lalake sayo si Tita Francia unless hindi nya pa 'to napapa-background check ng husto." bumaba na kami sa grand stairs ng mansyon. It has a red carpet na nakadugtong sa entrance ng pinto.

"Yeah right. Napa-background check nga pero hindi naman alam kung ano talagang personality ng taong yun." hindi na muling sumagot pa sa akin si Kuya Gaige at ipina-abot na agad ang bagahe ko kay Mang Tonyo para malagay na ito sa compartment ng sasakyan.

Nag-aantay sa baba ang Lolo at dalawa kong pinsan na lalake. Sa aming magpapamilya ay ako lang ang babaeng apo. It may seem weird to others pero natural na sa akin ang makakita araw araw ng topless na lalaki sa harapan ko.

"Thyrile..." niyakap ako ng Lolo pagkababa ko ng hagdan. "Sabihin mo sa akin kung may magtangkang manligaw sayo doon sa Manila para mapasugod ko ang mga pinsan mo't maputulan ng bayag ang hinayupak na yo---"

"Opo Lo. Sige na, aalis na ko." putol ko sa sinasabi nya. Ayaw talaga nila akong palapitin sa lalake.

Nakita kong nagpipigil ng tawa ang pinsan kong si Tryck na katabi ng kapatid nyang si Trey. Maloko talaga ang isang 'to. Isang taon lang ang agwat ng edad namin kaya hindi na ako gumagamit ng 'kuya' sa kanya.

Nang makita ng Lolo na nagpipigil ng tawa si Tryck ay umakto ito na hahampasin ng kanyang baston.

Napailing nalang ako habang pinapanood sila. "Lo, ihahatid ko na si Thyrile sa labas." saad ni Kuya Gaige ng mapatingin sa kanyang relo.

"Sige na at baka gabihin ka pa sa daan." wika ng Lolo at naglakad na papanhik sa kanyang kwarto. "Napaka-sakit ng balakang ko~ Makapag-zumba nga sa itaas." pahabol na sabi nito sa sarili.

"Take good care of yourself, Thyrile." huling wika sa akin ni Trey bago ako lumabas ng mansyon.

"I will Trey, I'll be back in less than 7 days." mariin kong sabi.

Sumakay na akong mag-isa sa sasakyan namin. In a matter of hours ay nasa Manila na ako. I wonder what will happen to me there.

Dare with the Beast [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz