Prologue

27 3 10
                                        

Aalis lang ako. Sandali lang. Babalik din ako kaagad. Hahanapin ko muna sarili ko. Hanapin mo din muna sarili mo. Balikan natin ang isat isa kapag parehas na tayong handa.

Sa ngayon, magiging dora muna ako. Pero wala akong Boots na kasama. Bag lang muna. Wala rin akong mapa. Iisipin ko na lang kung saan ako pupunta.

Sa aking pupuntahan, gusto ko sanang makapagisip isip. Bukod sa bagong paligid, gusto ko ring makakilala ng bagong tao. Yung makakausap ko, magiging kasama ko sa aking paglalakbay. Kung dito ako sasaya, sana maging masaya ka din.

Ako si Geneva Dela Cruz. Tipo ng babae na mahilig gumala kasama ang barkada. Pero ngayon ako na lang muna, walang kasama. Ngayong graduate na ako sa college, oras ko naman para sa sarili ko. Tama na muna yung nagpakapagod ako sa pagaaral at syempre SAYO.

Tatakasan ko muna ang realidad sa Maynila. Dun muna ako sa aking Lola, na kasama ko na sa aking pagtanda.

Kung makakita man ako ng tao na handa akong mahalin, di ko na papakawalan. At kung ikaw ang makakita, magiging masaya ako para sayo.



OFF TO SOMEWHEREWhere stories live. Discover now