Hi! :)
Bago ko simulan, gusto ko lang sabihin na hindi ko na babanggitin ang buong pangalan ko ah? Gusto ko lang naman magkwento at i-share sa inyo ang nararamdaman ko.. Wala lang kasi akong ibang mapagsabihan at feeling ko ang bigat bigat na kaya idadaan ko nalang sa kwento. May mga kaibigan naman ako at alam rin nila ang tungkol sa malungkot na kwento ng buhay ko pero hindi ang buong kwento at ang tunay na nararamdaman ko. Akala kasi ng mga friends ko ganun lang kababaw at ganun lang kadali para sakin ang lahat kaya I doubt na mag-share ng personal problem sa kanila... pero may time talaga na hindi ko na kayang pigilan ang emosyon ko at napapaiyak nalang ako sa harap nila lalo na sa t'wing pakiramdam ko hindi ko na kaya.
Pero alam ko naman na never nila akong maiintindihan dahil lahat sila ay galing sa isang masaya at buong pamilya..
Don't get me wrong. Hindi ko po kinakaawaan ang sarili ko, in fact pilit ko ngang kinukumbinsi ang sarili ko everytime na pinanghihinaan ako. Sinasabi ko sa sarili ko na, everything happens for a reason, malalampasan mo rin lahat ng yan. Fight! Ikaw pa ba johanna? Problema lang yan :) I even compared my situation to those successful men na marami munang pinagdaanan bago nagtagumpay sa buhay.
Humanap pa ako ng inspirasyon at pilit na pinaniniwala ang sarili sa kasinungaling kakayanin ko ang lahat kahit na sa totoo lang nung mga panahong yaon, wala akong nakikita ni katiting na pag-asa.
——————————————————
Ako si johanna,
Panganay ako at tatlo kaming magkakapatid.
Grade two lang ako nung naghiwalay ang aming mga magulang.. sa Manila pa kami nun eh pero nung naghiwalay sila dinala na kami ni papa sa probinsya. Kay lola.
Inihatid nya lang kami at bumalik agad sya ng Manila kasi nandun ang trabaho nya. Pinapadalhan nya nalang kami ng pera monthly.
Pero hindi sapat yung pinapadala nya. Palaging kulang. Kaya naman napipilitan akong sumama kay lola sa pagtratrabaho para lang magkapera. 7 years old lang ako nun pero natuto na akong manghuli ng mga seafoods gaya ng sihi, tihim at iba't ibang klase pa ng mga pagkain na nahuhuli sa ilog. Ang pinaka mahirap hulihin sa tatlo ay ang tihim, konting pagkakamali mo lang kasi ay pwede ka nang masugatan dahil sa matatalas na talukap ng mga ito.
Estuarine ang madalas na pinagkukunan namin ng mapagkakakitaan dahil narin sa ang bahay namin ay malapit lang sa ilog.
Kapag anihan naman ay isinasama ako ni lola sa palayan. Kung kani-kaninong palayan kami pumupunta para lang manimot. Nagbabaka sakali kami na sa mga naiwang tumpok ng ipa ay may natitira pang butlig ng palay..
Kung yung ibang bata ay natutulog sa katanghalian, kami namang tatlo ay asahan nyong nasa gitna ng palayan at nabibilad sa initan o kaya nama'y nasa putikan ng pakatan para manghuli ng pwedeng pagkakitaan.
Ramdam ko ang hirap. Ang pangangati sa palayan idagdag mo pa ang lanit ng init, ganun din naman sa pakatan(estuarine) malagkit sa pakiramdam dahil sa tubig alat. Makati rin sa balat dahil sa mga niknik na nangangagat.
Isa rin sa mga nagpahirap samin ay yung paghihigpit ni lola. Alam mo yun? Yung nagmamakaawa kapa para lang payagang makipaglaro sa kakaunting kaibigan pero hindi nya pa kami magawang payagan.
Wala kaming masyadong kaibigan kasi naiiba kami. Lahat sila ay malayang nakakapaglaro samantalang kami ay hindi. Yun ang dahilan kung bakit wala kaming malalapit na kaibigan. Maaga kaming namulat sa trabaho.
Sabi ni lola para rin daw naman sa amin kapag kami'y natuto pero hindi ba parang mali na napakabata pa namin para maranasan ang lahat ng ito?
Mabait naman si lola. Yun nga lang, pilit nya kaming pinagtatrabaho para matulungan sya at mabawas-bawasan yung pagkayod nya kasi medyo tumatanda narin sya. Payag naman ako kasi nahihiya ako sa kanya dahil kinupkop nya kami ng walang kapalit, gumagastos pa sya.
YOU ARE READING
When you love a person who comes from a broken family
Short StoryPara sa mga taong pinagkaitan ng masayang pamilya.
