Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Prologue

17 0 0
                                        



"Hindi ka naman ata babae" sabi ng sales lady sa mall

Walang kibong namimili lang ng sapatos pambabae si Aiko. Nakasumbrero ito, at hindi mo masyadong maaninag ang mukha.

Sinusukat nya ang mga sapatos pero wala syang kasya.

"Miss may mas malaki pa bang size nito?" tanong ng dalaga.

"Sir, kung hindi po kayo babae talagang hindi po kakasya yan sa inyo.. kagwapo nyo paman din bakit mo nililihis ang landas na binigay sa inyo ng Maykapal--- Teka lang... hindi ba ikaw si Nathan Dela Cruz?" sabi ng pakialamerang sales lady, sabay silip sa mukha ng dalaga.

"Hindi po...hindi ako yun" Aiko, umiiwas.

"Ikaw yun! kaya pala naka disguise ka! ikaw yun e! Pa autograph lang ako.. sige na..." saleslady

"sabing hindi ako eh" medyo lumakas ang boses ni Aiko

"Ay! suplado naman netong artistang to"

Hayyy...lagi nalang ganito. Lagi nalang ako napagkakamalang lalaki. Bakit? porket ba kamukha ko ang artistang si Nathan Dela Cruz? Pero dahil sa hindi ko kayang sirain ang pangalan ng walang kamuwang muwang na artistang si Nath, napipilitan akong mag autograph sa mga fans na napagkakamalan na ako sya.

"Ang bait mo pala... nice, picture naman!" sabi ng saleslady

"Ay hindi pwede," Aiko, sabay patakbong lumayo sa tindera

"Sayang! Ambilis nyang tumakbo. Sabagay...okay na tong autograph, nahawakan ko pa sya... kyaaahhh!!!!" sigaw ng maharot na saleslady at nagtatalon pa sa tuwa

Tumatakpo pa rin si Aiko palayo sa mga tao,

"Haaayyy... ang hirap palang maging artista. hindi ka makapunta sa isang lugar ng mag isa, kasi dudumugin ka" Aiko, sabay pasok sa may bilihan ng mga gamit pambahay.



a/n: this story is not written by me. In-edit ko lang po. Tita ko ang nagsulat. Hope you like it. Just leave a comment and vote. Thankyou mwah

Hindi ka naman ata BabaeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon