Chapter 10

4 0 0
                                        

Gab's POV

Umaga na pala. tss. 8am na pagtingin ko sa alarm clock. Buti na lang Sabado ngayon. Wala naman masyadong nangyari sa week na 'to.

Lumabas na ako sa kwarto at bumaba. Napansin ko yung kwarto sa may hagdan pababa sa may basement kaya pinuntahan at pinasok ko. 

The mirrors, the floor, the music player, the peace and focus I can get. Yeah. It's a studio. a DANCE studio. Dancing has always been my passion since childhood though i learnt to play instruments. Parents ko, parents ni Letz, si Letz lang nakaka-alam ng talent ko kasi ayokong may maka-alam na iba. Pinagawa to ni mommy when the house was renovated kasi I was starting my dancing skills na nun and since namana ko rin 'tong talent ko kay mommy. Sound-proof yung studio kaya di masyado maririnig sa may sala unless sobrang tahimik and it has a back door. We keep it a secret na walang maka-alam kasi i'm going to be in a really major major trouble. You'll know it soon.

"Matagal-tagal na rin akong di nakakapunta rito" sabi ko sa sarili ko. hmm yeah after nung 1st heartbreak ko. Siya rin ang dahilan sa pag.pursue ko sa passion ko pero di niya alam dahil isang malaking lihim 'to. Aish! Naalala ko nanaman siya. Gusto niyo bang malaman kung sino yung SIYA na tinutukoy ko? Ok, here we go.

*Flash back*

His name is Jed Paul Deveza. He's my 1st boyfriend. 2rd year kami nun nang makilala ko siya. Magkaklase kami. Gwapo, matangkad, mabait, matalino, gentleman, yung parang IDEAL BF kumbaga. Naging kami after a month and tumagal kami ng hanggang a month bago pasukan para 3rd year so that makes 10 months. Matagal din yun ah. Masaya kami nun. Gala-gala, date, siya nga first kiss ko eh. Pero nag-iba ang ihip ng hangin. Nabigla ako nung nakipag-break siya sakin. Sinabi niya na di na raw niya ako mahal, like 'what-a-lame-excuse' was that. Nagmaka-awa ako at nagawa ko pang lumuhod sa harap niya para di lang niya ako iwanan kasi mahal na mahal ko siya pero wala eh. Hanggang sa nawalan na kami ng communication, ni hindi na rin kami nagkita after that and i heard umalis na daw sila papuntang Finland and still i don't know the reason why and i didn't bother narin kasi wala na ring purpose. di bah?

*End of Flashback*

so yun.. *buntong hininga* hmmm

narinig kong bumukas yung pinto

*door screech*

"Andito ka lang pala" paglingon ko napa-ngiti ako na medyo may katamlayan

"Good Morning mommy" at lumapit ako kay mommy sabay halik sa pisngi

"Matagal ka nang hindi napapadpad dito noh? Medyo maalikabok na eh." nag-smile nalang si mommy.

"Yeah right, mom. Teka, ba't po ganyan suot niyo? Pupunta po ba kayong office? San po si dad?" nakasemi-formal attire kasi si mom.

"Yup. May aasikasuhin lang. Nasa office rin kanina pa naka.alis. May meeting daw sila for a project eh. Sige alis na ako Gab ah.Late na ako. Pakabait ah. I love you." 

"Sige po. I love you too mom. Bye" at kiniss ako ni mama sa noo at umalis na papuntang office.

Umakyat na ako papuntang kitchen para kumain. Tapos nanood ng TV sa living room. Pumunta sa kwarto, nag.surf sa net at pagkatapos humiga sa bed, 10:50 na nung pagtingin ko sa alarm clock ko tapos tumingala sa ceiling.

*yawn* Nakatulog pala ako. tss. Bumangon na ako at nag-unat. 1 pm na pala. almost 3 hours of sleeping.

*You shout it loud, 

but I can't hear a word you say.

I'm talking loud. 

Not saying much*

may tumawag. tiningnan ko. Si Letz pala

*I'm criticized

But all your bulle..*

"Hello ses? Anong meron?"

"Ses, punta tayong mall. Boring dito eh." buti nalang tumawag 'to. Boring rin kasi dito sa bahay

"Sige ba. Kontakin mo nalang din sina Jeia" para masaya. hahah

"Sige. 2pm punta ako na ako dyan. Bye"

fastforward sa mall

Ginawa lang namin yung usual. Kain, nood sine at puntang Department Store.

Palabas na kami nun, nang biglang nakita ko si.. 

si Jed?! Imposible! per..

"Gab?!" 'nak! ano ba naman to si Mae

nakatingin lang sila sakin na nakataas yung kilay yan reaksyon nila ----> 0.o?

"Oh? hehe Sorry. May nakita lang ako. So.. uwi na tayo?."

so ayun. Umuwi na kami. Iisang subdivision lang kami pero iba-ibang block. Kami lang ni Letz yung magkapit-bahay.

"Yaya Tina, sila mama?" andito na ako sa bahay namin

"Wala pa sila. Mamaya pa ata yun dadating. Kumain ka na?" hahay. Workaholic parents nga naman.

"Opo. Akyat na po ako sa kwarto ah."

Nilapag ko sa may paanan ng bed yung pinamili namin kanina sa mall pagpasok ko sa kwarto.

Naghalf-bath, nagbihis, nagtoothbrush at humiga na ako dahil sa pagod

Napaisip ako bigla. Siya kaya yung nakita ko kanina? Pero imposible eh. Pero posible rin naman diba? Eh, bahala na nga! tss

Di ko namalayan na naka-tulog na pala ako.

When Love Speaks for ItselfWhere stories live. Discover now