Chapter 6 : Night Of Tears

23 1 0
                                        

Okay, so I'm not really heading to South. Actually, sinabi ko lang yun para hindi niya isiping papunta ako sa bahay nila...

Kakagaling ko lang sa market and I'm on my way to Tom's house. Mag-isa lang siya dun, and parating naka-lock, as usual. Pero may spare key ako since girlfriend niya ako, I know every detail sa buhay niya and I can always go to his house kahit kelan.

And yes, I'm finally here! Napakatagal ko na ding hindi nakakapunta dito, at napansin kong bagong pintura yung house... Bagong renovate siya at kung tutuusi'y lalong gumanda...

So ayun, I unlocked the gate and the door tapos sinimulan ko nang ayusing yung mga pinamili ko.

It's 5:47 in the afternoon, almost 45 minutes na lang bago siya dumating galing ng training kaya habang inaantay ko yung niluluto ko, nag-ayos muna ako ng mga gamit niya. Ang gulo kasi, halos lahat nakakalat...

Ako lang kasi ang tagaligpit ng gamit niya, since wala naman siyang kasambahay to do that.

Umakyat muna ako sa second floor to check his room... mukhang maayos naman. Buti naman at kahit papano eh nakakapag-ayos siya ng mga gamit niya.

Inisa-isa kong i-fold yung mga damit niya... walang kasi talaga akong magawa nun.

Medyo dim yung light na nanggagaling sa lampshade at medyo madilim na nga talaga... 6:13 in the evening na kasi... In any minute, dadating na yun si Tom. And when he arrives, I'll make sure na masusurprise talaga siya!

Bumaba na ko to check the food. Luto na siya. Tinikman ko... napakasarap! Hindi ko pa din talaga nakakalimutan yung tamang timpla ng adobo!

I-s-set ko na yung plates and yung iba pa tapos aakyat na ko para ituloy yung mga tinitiklop kong mga damit.

Ayun, habang paakyat ako ng hagdan, I noticed something sa taas ng cabinet. Something unusual sa mga lalaki... and it's a facial scrub for women.. I know it's funny, pero even Rica doesn't use it... It's just too feminine at mamahaling brand pa to. Mukhang pang kikay talaga ang dating kung titignan..

And what bothers me is that parang may kilala akong gumagamit nito. Isang taong kilalang-kilala ko na meron nito. I just don't know who it is. Nalimutan ko na, as in.

Pero I just have to ignore it... Napakaraming tao naman ang bumibili nun! Tsaka I have to focus... mamaya na ang pinakaaantay kong gabi... I also have to prepare myself, masyado akong haggard...

Gusto ko pag nag-usap kami, mukha naman akong matino...

So binitawan ko na yung facial scrub at dumiretso na sa kwarto niya para ayusin yung mga damit niya nang biglang may narinig akong pumasok sa pinto. Dali-dali kong tinabi muna yung mga damit niya tapos dinala ko na din yung baso na nakalagay sa tabi ng lampshade... isasabay ko na pagbaba.

Sa pagbaba ko ngang yun ang isang bagay na sana'y isang bangungot na lamang na kailanma'y hindi ko ninanais na makita...

Oo... tama ka. Si Tom at si Celine. They were kissing... na parang wala ako sa taas nila. Oops, oo nga pala, hindi nila alam na nandito ako at sa plano kong surpesahin si Tom... ako naman pala ang nasorpresa. This is not easy... knowing na yung boyfriend ko, na mahal na mahal ko, is actually kissing my bestfriend.

Alam kong napakasakit. Ayokong umiyak, dahil alam kong hindi ko deserve na iyakan ang mga taong niloko ako't pinaikot lamang sa kani-kanilang mga drama.

Sa pagkakataon ding yun ay tumulo ang mga luha ko at nabitawan ko yung basong hawak-hawak ko.

They were on the sofa, at bigla silang nagulat nang makita ako.

YES, natulala sila. Both of them... Tom and Celine... para silang nakakita ng kung anumang halimaw na kinatatakutan nila.

"B-babe. W-what are you doing h-here? Babe, I can explain." Sabi ni Tom habang nanginginig ang boses at akmang paakyat sa hagdan para yakapin ako.

Habang patuloy na umaagos ang mga luha ko, wala na kong nagawa kundi umiyak at napaupo ako sa hagdan... Walang-wala na kong lakas. Nanlalambot ako't pakiramdam ko humihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.

While Celine... andun lang siya nakatayo sa gilid ng sofa na parang bata na nanginginig sa takot.

Dun lang nag register sa utak ko lahat ng mga proof na binaliwala ko. Huli nga dun ay yung facial scrub. Mas lalo akong naiyak nang maisip ko kung dito na ba natutulog si Celine dahil alam kong may mga gamit si Tom na hindi kanya na nakakalat sa kwarto niya.

"H-how could you do this to me?! You're so selfish! Hindi mo alam kung gaano ako nagpaka manhid para sayo! Hindi mo alam kung gaano kasakit para sakin na ipaglaban tong relasyon na to na ako lang ang nananatiling faithful! Alam mo ba kung gano kasakit yun, Tom?! It's like being shot by a gun for 77 times! Napakasakit, Tom. Sobrang sakit. Knowing na bestfriend ko yung nilalandi mo! I've been trying to save this stupid relationship ever since! Lahat ng effort ginawa ko, mag work lang to... tapos malalaman ko, it's all just a big trash? I even tried to surprise you and say sorry for everything I said yesterday kasi ang alam ko, mali ako at mali din ang iniisip ko between you and Celine. Pero totoo pala lahat." Sabi ko habang umiiyak.

I tried to walk, gusto ko nang lumabas ng pamamahay ng walang kwentang taong yun! Hindi ko makayanang makita ang pagmumukha ng mga manlolokong yun!

I tried to go down, pero pinipigilan ako ni Tom.

"Babe, Ella, can you please calm down? Luluhod ako kung gusto mo, but please don't act this way.. Let's talk, okay? Wala lang yung nakita mo, wala yun, Ella!" Sabi ni Tom habang nakaluhod sa likod ko at nakayapos sa mga binti ko na parang batang naghahabol sa nanay.

"Why am I acting this way, Tom?! Tinatanong mo ko kung bakit ako ganito?! What do you think am I supposed to do, mag thank you dahil binastos mo ang pagkakaibigan namin ni Celine at winalanghiya mo ang relasyon natin?! Well, thank you, Tom! Salamat sa panloloko sakin! At sa'yo, babaeng malandi! Kung hindi ka man din malandi, pipiliin mo ang lalandiin mo! At sa susunod, mamimili ka ng aagawan mo!" I've had enough. Alam kong masyado na kong nagiging emosyonal na ewan pero lahat ng mga words na yan, kulang na kulang pa sa lahat ng bagay na gusto kong isumbat sa dalawang yan! Kulang na kulang pa talaga!

"Babe, wag mo nang idamay si Celine dito, let's talk privately na tayong dalawa lang. I can explain everything to you... I can... I can explain... Just let me..." Biglang tumayo si Tom at niyakap ako.

Well me, I'm no longer a sweet girl na pwede niyang lokohin ulit... Well, caterpillars even had their adolescence...

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin. This time, hindi na ko magpapalinlang sa mga salitang puro kalokohan!

"So now you're a hero? Why wouldn't I shut up and spare that girl kung siya mismo ang umahas sa boyfriend ko?! I mean, ex-boyfriend. I can't believe that I ever dated you! Tama ako, lahat ng lalaki pare-pareho! Lahat kayo manloloko, sasaktan at sasaktan niyo lang kaming mga babae. And you wanna talk privately?! Yung tayong dalawa lang?! Well, both of you did it in front of me which makes my presence included... tatlo tayong nandito so bakit hindi natin pag-usapan kasama yang malanding yan? Nahihiya ka? Mr. Tom? HA-HA-HA shame on you, hindi mo manlang kayang panindigan yung pagkalalaki mo, yun na lang sana naipakita mo, right, Celine?" Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Stop it, Ella, you've said enough. Ayok--" -Tom

"Wow! Really? Marami na ba kong nasabi? Eh ano naman? As if namang wala kang kasalanan, Tom! Wow! Ayos ano? Hugas kamay? Naku, Tom. Pwede mo sana saking idahilan yan na manahimik ako kung hindi ko kayo nahuli sa akto. Eh ang kaso, nakita ko kayo, so the case is closed, I don't wanna see both of you again." Sabi ko habang papalabas ng pinto.

I stopped, and turned around. I faced Celine and gave her a hug.

"Ah, baka sabihin mo namang I'm unfair di ba? So, this hug is for our 10 years of friendship and this *sampal* is for ruining my life." Sabi ko at nag walkout.

Aaminin kong gumaan ang pakiramdam ko. Sobrang gaan sa pakiramdam na nabunutan ako ng tinik sa lalamunan... pero sa pagkaalis ng tinik na iyo'y sabay ding naalis ang dalawang taong napakahalaga sa akin na kahit masakit para sa aki'y kailangan ko sila parehong pakawalan para lumigaya din ako... Pakiramdam ko kasi'y nasa hawla ako't ang hawla ay ang mismong pag-ibig na ikinukulong ako...

*****

a/n

plug ko lang twitter account ko! ✌ 

@jnahmr ❤

LOVE? Nakakain ba 'yun?Where stories live. Discover now