UNEXPECTED

10 0 0
                                        

[Paunang Salita/ Prologue]

Minsan sa buhay di mo talagang masasabi na buong buo ang pagkatao mo at sobrang saya ang nararamdaman mo. Minsan di mo 

aasahan na kailangan mong tanggapin na iiwanan ka ng isang tao. Sabi nga nila, dito sa mundo walang 

PERMANENT lahat TEMPORARY lang. Lets say your happy in just for 5 minutes then after that mawawala 

na diba? For some unknown reasons. Akala ko talaga masaya at buo na ang pamilya ko pero.. akala ko lang eh. Sobrang saya 

namin nung mga panahon na yun, sobra. Pero isang iglap napalitan ng sobrang pait at masakit na karanasan.. 

***

"Mommy mommy! I want that!" sabi ng bunso kong kapatid. 

"Heffy. Ang mahal nito masyado oh. Next time na" sagot naman ni Mommy kay Heffy sabay iyak naman nito. Tsk tsk

"No. It's okay baby. Tara bibilhin ni Daddy yan for you okay? Stop crying na.." Daddy said 

"Hay naku! Kaya nagiging spoiled yung bata eh. Harry itigil mo yan. Masasanay bata sayo eh" 

"Heffy? Tara gusto mong maglaro dun sa playground? Dali sama ka kay Kuya!" turn kong sumabat sa usapan nila. Eh panu kasi ang mahal naman ng pinapabili ni Heffy. To think its a house of barbie doll and how much is that? 2500 LANG naman. Sayang yung 2500 nu! Tapos sisirain lang din naman ni Heffy eh wag nalang. Mas maganda sakin nalang ibigay yang 2500 na yan makakabili pa ko ng 2 or 3 branded na damit mas worth it pa. Whoa! Yun yun eh! Pero joke lang gusto kong ibili yun para kay Heffy pero kasi ang mahal masyado. Afford naman namin pero alam naman na masasayang lang yung pera. We know Heffy's well. 

"Uhmmm. Sige Kuya! Tara!" Buti naman at nadala tong bunso kong kapatid sa sinabi ko. Hehe kaya pumunta na kami sa playground nung mall. Sila mom and dad yun dun parin sila nakaupo sa bench. Actually katatapos lang namin manuod sa cinema. Comedy pinanuod namin syempre. Family bonding eh. 

"Kuya kuya! Swing tayo! Dali!!" Ay naku di rin halatang excited tong isang to nu? 

"Ikaw nalang baby. Di ako kasya dyan. Isi-swing ka nalang ni Kuya okay?" Tae. Pambata kaya to tapos maglalaro pa ko? Psh sinamahan ko lang naman tong bulinggit na ito :D 

"Ay? Oh sige Kuya! Laksan mo ha?" 

"Oh sige ba hanggang makaabot ka sa kabilang planeta!" 

"HAHAHA! Sige Kuya! Gusto ko yun!" Ay? Haha baliw ko talaga. Akala ko ba naman magagalit sakin yun pala gusto pa? Sabagay 

bata kasi eh. Di marunong mamilosopo -.- 

At yun sumakay na siya. At ako naman eto tinutulak siya pero syempre mahina lang ano. At yun naglaro lang kami sa playground ng naglaro, I mean, siya lang pala at ako ay dakilang tagabantay lang niya. At tapos nun kumain muna kami sa jollibee at nag ikot-ikot saglit then umuwi narin. Ang pagod kaya pero masaya! Palagi kaming ganito. Thankful nga ako kay God kasi binigyan niya ko ng pamilyang buo at wagas ang pagmamahalan sa isa't-isa. Ako na ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa. 

Nandyan ang pamilya ko pati narin ang babaeng nagpapatibok ng puso ko, si Heidi Gonzales. 3 years narin kaming magkasintahan at legal kaming parehas. Botong-boto parents niya sakin at ganun din sila mom and dad. Diba? Sinong hindi sasaya sa ganitong buhay? 

*beep beep* 

Oh? Sino naman kaya tong nagtext? 

1 message received: Asawa Ko <3 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNEXPECTEDWhere stories live. Discover now