Do's and Don'ts of a True Wattpad Reader

Start from the beginning
                                    


NEVER bash authors

Simple lang guys. Kung wala kayong magandang masabi o maicomment, DON'T SAY/COMMENT/POST IT AT ALL. mag-iinstigate ka ng away lalo na sa mga fans ng author na 'yon. Please guys, let's keep the Wattpad community peaceful okay? Kung hindi mo naman mapigilan ang pag-aalab ng iyong damdamin at kailangan mo talagang sabihin, message the author. Say it nicely okay? Wag mo nang haluan ng mura naman. Kahit may point ka pa, eh minura mo naman, below the belt din yon! Besides, bakit kailangang magmura? I know everyone is entitled to his/her own opinion, but if your opinion is targeted to insult or harm others, yun ang bashing. Lalo na kung comment or message lang yan, sempre subject to personal interpretation yan. Kahit pa sabihin mong maayos naman ang sinabi mo at may point ka nga, baka mamisunderstand din ni author. Ang tip... Alam niyo ba ang Sandwich Technique? If you are going to give a constructive criticism... Say something nice first...tapos yung napansin niyong kailangang iimprove... Then, back to nice. Pano yon? Eto sample:

"Uy, Author, ang galing mo. Sobrang naaantig ang puso ko sa mga dialogues and scenes sa story mo. Napansin ko lang na may mga wrong idiomatic expressions and parang di yata makatotohanan ung ibang nasabi don. Pero bukod don, sobrang nakaka-relate talaga ako sa pinagdadaanan ni Lelang.."

Versus ito:

"Ang tanga ng author na to. Mars is the 3rd planet in the solar system daw? Boplaks! Earth kaya yon! Check your facts please! Bobo"

Kung ako ang makakarecieve ng ganito, aba... Baka sinungalngal ko na yung nagcomment. Malay mo naman ibang galaxy ang tinutukoy sa kwento at nagkataong Mars din ang pangalan ng third planet diba?

Again, always be nice. And for sure, the author will reciprocate and even acknowledge you.


Don't instigate a fight with readers of other authors

Ito ay resulta ng mga nambabash ng authors. At kapag lumala, nagiging fanwars. Guys, kung hindi na pinatulan ni author, wag niyo nang patulan, okay? Also, keep in mind that you can't please everyone. Parehas lang yan ng stories. Meron at meron stories na gustong-gusto mo pero di magustuhan ng ibang tao. Normal yon. Wag mong ipagpilitang magustuhan niya ang gusto mo dahil mag-aaway lang kayo. You are different people with different tastes. Continue supporting your favorite author, but NEVER bring down someone else. Utak talangka yon. Okay? Make peace not war.


Don't force the author to give you a cameo role

Masarap sa pakiramdam ang bukod sa mabanggit ka sa acknowledgment, gagawin ka pang character sa story kung saan makakasalamuha mo yung mga fictional characters. Okay yon. Pero guys, siguraduhin niyo munang nabasa niyo yung kwento bago kayo magtanong kung pwede kayong mabigyan ng cameo role. May kilala kasi akong author, may nagPM sa kanya, yun nga...gustong maging character daw sa kwento...kahit kapatid or kaibigan lang daw...nung tinanong ni author kung anong kwento, 'kahit anong kwento'. Tinanong ulit ni author...'kapatid ng sinong character to be specific?' Ang sagot: kahit sino po sa kahit anong kwento niyo.

Aba naman. So hindi pa pala nababasa ang kahit anong kwento ni author, gusto pang makihati sa airtime. Yung totoo?

Guys, if you want to be a character in a story, siguraduhin niyo namang nabasa niyo muna yung kwento. Also, wait for the author to announce na humahanap siya ng mga additional characters bago magpresenta. Or wait na masurprise kayo dahil sa isang update bigla mo na lang nababasa ang sarili mong pangalan, diba?

Paano gawin yon? We proceed to the next part:


Comment on the work or at least let the author know your thoughts about the story

Grabe ang nagagawa ng mga nobela comment sa morale at confidence ng mga authors. Madalas, ito talaga yung mga nagiging ka-close ng mga authors...yung mga bongga kung makapagcomment. At hindi lang yung simpleng comment na "otter, ganda po ng story niyo. Update naman po.." Ang mga favorite commenters ng mga manunulat ay yung may mga insights pa, yung sasabihin kung paano sila nakaka-relate ganyan, yung nagkwento ng reaction nila about the story or the certain chapter. Tapos consistent pang ganito ang comments, naku... Madalas ginagawan talaga ito ng mga cameo roles. Oh, alam niyo na ha.


Promote the story to your friends

Yes, please do. Kung nagandahan kayo, ipabasa niyo rin sa mga friends niyo lalo na yung alam niyong makaka-relate dun sa story. Diba? Hitting 2 birds with 1 stone ang peg! Natulungan mo na si author, natulungan mo pa ang friend mo.

Now, how do you promote these to your friends?

Give or lend a copy to your friends

Post a short review or kahit feels lang on your social networking sites

Go to book signing/launching events or meet-ups

suki na ang mga wattpaders dito eh no? Sa MIBF pa lang, so hindi ko na ieelaborate ha. Ipagpatuloy niyo lang. Sometimes, it's where you'll meet your closest and truest friends.


Always interact with the authors

Ito rin, alam ko namang ginagawa natin to madalas eh. Sa mga nahihiya diyan, approach niyo lang yung mga authors mamaya or send them a message. Most of them, if not all, are very friendly. Wag nang mahiya. Sabihan niyo harapharapan mamaya na kras niyo si Kuya Sic hahaha.

Ayun lang naman. Marami akong nasabi pero kung may dapat lang kayong matandaan hindi lang bilang Wattpad readers kundi bilang mabubuting tao...


ALWAYS BE NICE TO EVERYONE.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Writing TipsWhere stories live. Discover now