Chapter 5: NOSE ;)

Start from the beginning
                                    

“Kuya bat ang tagal mo namang lumabas ng kotse mo?” tanong ni JC

“Ah, may inayos lang ako..”

“Inayos? Ano naman yun?” tanong naman ni Katsumi

“Basta.. wag ka nga usisero tol. Halina nga kayo at malelate na tayo” maglalakad na sana ako papuntang classroom ng bigla akong hawakan at pigilan ni Lester

Bigla naman akong napaharap sa kanya. Nilapit nya ang mukha nya sa akin na parang may iniimbestiga. Napansin ko na nakatutok ang paningin nya sa ilong ko.

“Tol, bakit mapula yang ilong mo?” nagtatakang tanong ni Lester

Agad ko naman syang tinulak palayo sa akin at tinakpan ko ang ilong ko. Shit! panu na to ngayon? Anong sasabihin ko sa kanila? Tsss.. bwisit talaga tong si Lester kahit ano na lang napapansin!

“Ah.. eh sinisipon kasi ako.” Pagkasabi ko nun eh akmang tatalikuran ko na sana sila pero pinigilan na naman ako ni Sed

“Teka lang tol wag ka nga dyang magwalk out.. umamin ka muna sa amin ng totoo” nakangising sabi ni Sed

“Ha? Ano namang aaminin ko?”
 

“Oo nga, ano bang aaminin nya Sed?” tanong ni Lester

“Diba kanina nakita natin ang pagpasok ng sasakyan ni DJ?” patuloy ni Sed. Tumango naman ang iba pang P5 members, habang ako naman ay nagtatakang nakatingin kay Sed

“Tapos diba napansin natin medyo matagal lumabas si Dj at Kath. Pero nung lumabas na si Kath parang nagmamadali sya, tapus hinintay natin na si Dj na ang lalabas.. pera wala. Ang tagal nya pa sa loob bago natin sya kinatok. At heto nga lumabas na sya ng sasakyan na ‘NAMUMULA’ ang ilong. Hindi kaya..” pagpapatuloy pa rin ni Sed at pinukulan ako ng makahulugang tingin

Bigla ring tumawa si Katsumi at JC. Habang ako naman eh nabigla sa mga sinabi ni Sed at si Lester naman eh naguguluhan sa mga sinabi ni Sed.

“Sed! Tumahimik ka nga! Mali yang iniisip mo no!” pagwawalang bahala ni ko sa sinabi ni Sed

Bigla namang sumingit si Lester.

“Teka, teka.. ano ba yun tol? Di ko gets eh!” naguguluhan pa ring tanong ni Lester kay Sed

“Shit! Tol! Ang slow mo naman!!!” natatawang sagot ni Katsumi

“Grabe Les.. traffic ba talaga dyan ngayon sa utak mo?” sagot naman ni JC

“Ano nga kasi yun? Paki-explain na kasi ng mas malinaw!” sagot ni Lester

“Ang ibig ko lang naman sabihin eh baka nag ‘tsup..tsup’ si Kath at DJ kaya matagal silang lumabas at tsaka kaya pumula ang ilong ni Dj! Hahaha” natatawang sagot ni Sed

“Hanep kuya ah! Pati ilong sinama? Haha” natatawa ring sagot ni JC

“Haha.. SYET!! Ang Wild bro!” dagdag pa ni Katsumi

KathNiel: Young Parents (Completed)Where stories live. Discover now