Trapik

106 6 1
                                    

Trapik. Ang isang problema ng bansa na hanggang ngayon ay hindi pa alam kung papaano lulupigin. Mayroon na tayong stoplights, number coding, traffic enforcer, at mga pulis trapiko. Pero bakit tila hindi pa din matinag ang problemang ito. Isang simpleng suliranin na mahirap lutasin. Bakit? Simple lang ang dahilan, ito ay dahil sa tayo ay kulang sa disiplina.

1. Mga Jeep na panay ang tambay dahil sa pag-iipon ng pasahero.

2. Mga Bus na tila bully sa kalsada. Dahil daw sa malalaki sila.

3. Mga taxi na mahilig sumiksik at makipagunahan sa maliit na espasyo ng kalsada.

4. Mga Pedicab na panay ang counter-flow. Ang nakakaasar pa dito ay hindi lang sila isa, marami silang parang rollercoaster sa kalsada. Kaya napaka-laking abala ang dinudulot nila sa daan.

5. Mga baradong kanal at estero na nagdudulot ng baha.

6. At ang pinakahuli ay yung mga taong kahit naka-GO signal na, patuloy pa din sa pagtawid. Tapos sila pa yung galit kapag may nangyareng aksidente.

Tulad nga ng sinabi ng ni Miggy Chavez ng Chicosci sa isang forum ng isang sikat na music channel dito sa ating bansa, dapat daw, unang solusyunan ang problema sa trapik kung nais nating paangatin ang bansa. Saludo ako sa opinyon niyang iyon. Dahil ang trapik ay isa sa mga pangunahing dahil kung bakit delayed ang lahat ng gagawin natin. pagpasok sa eskwelahan, opisina, pagdeliver ng mga produkto, o kaya kung minsan yung mga ambulansyang dapat ay binbigyan ng daan dahil emergency.

Sa halos tatlong taong kong pamamasukan sa isang Unibersidad sa Maynila, laging trapik ang humahablang sa aking paglalakbay mula Cavite. Kahit na nawala ang ilang mga Bus sa taft avenue, kulang pa din ito kung yung mga natirang mga motorista ay kulang sa disiplina.

Lahat ng isinulat ko dito ay naipon dahil sa galit ko habang ako ay na-stuck sa kalsada ng San Andres. Halos isang oras akong nag-antay, sobrang init at hinaluan pa ito ng ingay ng mga bumubusinang mga sasakyan, kaya napagpasyahan kong maglakad nalang papuntang Osmeña highway.

Kung sa iyong palagay ay maliit na suliranin lang ang trapik, malamang hindi mo siguro nararanasan ang nangyare sa akin. Alam kong hindi lang ako mayroong kwento tungkol sa trapik. Dahil ang trapik ay laganap na talaga sa buong bansa. Masyado na rin kasing madaling bumili ngayon ng kotse, idagdag mo pa dito ang umaapaw na populasyon ng bansa, kaya ang resulta ay marami na din ang sasakyan sa daanan.

Sana naman ay isipin na nila kung paano lulutasin ang usapin tungkol sa trapik, hindi yung, kung ano-ano pang mga agenda na walang patutunguhan at nakakasagabal lang sa pag-unlad ng bansa.

Malabo pa sa Sabaw ng PusitWhere stories live. Discover now