Preview

3 0 0
                                        

      Tulalang napatitig sya sa pregnancy test na nakapatong sa may lababo sa CR. Bigla syang nanlamig at pinagpawisan. Malakas din ang kabog nang dibdib nya.

Two lines..
P-positive-

Halo halo ang emosyon na narramdaman nya ngayon, nandyang natutuwa sya, naiiyak,natatakot na mas umangat sa nararamdaman nya ngayon. Natatakot sya. Natatakot sya sa kahihinatnan ng lahat. Natatakot sya sa magiging buhay ng magiging anak nya sa piling nya.

"Jiyoung Di ka pa ba-" Di na nya napansin na pumasok ang kasintahan sa CR na napatigil din ng makita ang dahilan ng pagtatagal nya doon. Dahan dahan syang humarap sa nobya. Katulad nya, mababakas din ang gulat at takot sa mukha nito.

Without a word ay dahan dahan nya itong hinila palapit sa kanya at niyakap. Sa pamamagitan ng yakap na yun ay nagawa nyang iparating dito ang mensaheng nais nyang sabihin dito.

Magiging okay din ang lahat.
Di ko kayo pababayaan.

A Big bang GD fanfiction
My shining star
©2016 fanficbabo

My Shining StarWhere stories live. Discover now