Nasa first level naman na may nakatayo mukhang mga assassin sila. Nakita ko rin si Daniel na nakakunot ang noo sa akin na parang nagtataka. Katabi naman nito si Bryan na malungkot ang mata na nakatingin sa'kin. Katabi naman nito si Juliet na naka ekis ang braso. Hindi nya ko tinitignan dahil may binubulong ito sa katabi nya si.... Vincent.

Tumungo naman si Vincent pagkatapos bumulong ni Juliet at doon nagtama ang tingin namin. Hindi ito nagpakita ng expression sa mukha nya. Malamig ang mga tingin nito sa kin. Yung mata nyang hugis agila na parang sinasabi wala sya paki alam kung anong pwedeng mangyare sakin.

Nakasuot sila ng puti na mahabang jacket at sa may bulsa nito sa kanan bahagi ng damit ay nakalogo ang sign ng Mortal Brigade. Isang M at sa gitna ay may spada.

Mukhang lilitisin ata ako dito. Muli kong tinignan ang mga mukhang judge na ito. Sa gitnang bahagi ng upuan ay bakante. Kaya siguro hindi muna nagsisimula.

Nasa gilid ko pa rin ang dal'wang kumuha sakin sa selda.

Maging malakas ka Cassandra Santiago ano mang mangyare alam mong wala kang ginawang mali. Wala ka ng aasahan. Kaya mong tumayo mag isa. Hindi mo kailangan umasa kay Vincent na walang puso. Kaya mo yan mag isa.

"Parating na ang General!" sigaw ng malapit sa pinto. Tumayo ang mga nakaupo na judge at sumaludo silang lahat.

Maya maya pa may pumasok na isang lalaki kasama nya ang mga gwardya nya at umakyat na ito sa kanyang bakanteng upuan at mas nakita ko pa kung sino ito.

Si Mr. Topaz.

Ang tanga ko talaga bat ngayon ko lang narealise na general pa sya ng Mortal Brigade. May taklob pa rin ang mata nito. Tila tumigil ang mundo ko na tumingin ang seryoso nitong mata sa akin.

Pagkatapos nilang sumaludo ay umupo na silang lahat kasama si Mr. Topaz.

"Sya po ang nasasakdal General Topaz. Nakita pong may hawak syang baril." Paliwanag ng isang lalaki nakatayo malapit kila Vincent.

"Tanga ba kayo!? Sinaksak sya hindi binaril!" sigaw ko. Napatingin silang lahat.

"Pero nakita kang pinaglalaruan ang dugo ng biktima?" tanong ng isang matanda.

"Nakangiti ka pa?" muli pang isang tanong ang binato sakin.

Hindi ako makasagot. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yon.

"General ano pong gagawin natin sa kanya?" tanong ng isa pang judge sa dulo ng pang apat sa kinauupuan nya

Napatingin ako kanya at tumingin din ito sa akin. "Santiago, ikaw ba ang pumatay kay Ruby Bernardo?" malumanay na tanong nito.

Umiling ako. "Lumabas lang ako sa kwarto ko dahil naiinip ako hangang sa napunta ako sa madilim na bahagi ng institute at di ko aakalain na pinapatay na pala si Ruby. Wala ba kayong CCTV?" inis kong tanong sa kanya.

Ngumiti naman si Mr. Topaz. "Abandon na ang lugar na yon kaya hindi na nalagyan ng CCTV. Nasan ang kamay na pinutol mo?"

"What? Hindi ko-" bago ko matuloy ang sasabihin ko may biglang naghagis sa gitna. Tumingin ang lahat sa bagay na hinagis na 'yon.

Ang kamay ni Ruby pero nakabalot ito sa plastic. Napatingin ang lahat sa naghagis nito.

Si Vincent.

Umalis ito sa kinatatayuan nya at pumagitna. Matikas ang pagkakatindig nito at seryoso ginala ang mata sa mga manghuhukom.

"'Yang kamay na 'yan." Simula nya habang tinuro ang kamay na nasa sahig. Masidhi naman syang pinanuod ng mga manghuhukom. "Nakita 'yan ni Bryan di kalayuan sa exit ng Mortal Brigade. At inimbistigahan namin ang kamay."

The Red AssassinWhere stories live. Discover now