Chapter 21

631 22 0
                                    

Ian Pov

Nasa school na kami ngayon. Lahat ng weaknesses namin ay nakimutan na namin

At may isa pa akong balita. Guess what? Ako at si...

Calix ay magnobyo na. Hurry for me!!! Whoo!! Ang saya ko lang talaga. Biruin niyo, isang napaka cold na lalaki at walang paki-alam sa mundo ay nain-love? At ang isa ring babae na nagsasabing 'Love is Childish' ay nain-love rin? Hahaha pero... Ayaw niyong maniwala? *pout* Pwes ako mismo ang magpapaliwanag sa inyo

Flashback

"Hoy Calix! Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Nakita ko namang papaatras siya kaya hinigit ko na ang kamay niya at hinawakan siya sa beywang

"Bakit mo ako iniiwasan?" bulong ko sa tenga niya

"Hindi kita iniiwasan Yan, nag concentrate lang talaga ako sa pakikipag-away sa weakness ko" pagsisinungaling niya. Alam ko ang nasa isip niya ngayon dahil nababasa ko 'yon

"Talaga lang ha?" mapaglaro kong tanong sa kanya at nag smirk

"Oo"

"Okay. Yan ang sabi mo eh. Pupunta nalang ako kay Sophia at tulungan nadin siyang mag-impake dahil bukas na alis natin" sabi ko sa kanya at akmang aalis na ng naramdaman kong humawak siya sa damit ko. Bigla nalang kumurba ang labi ko dahil sa ginawa niya. Ang ibig lang sabihin nito ay ayaw niyang pumunta siya kay Sophia

"Wag kang pupunta sa kanya" pabulong na sabi niya pero rinig na rinig ko 'yon

"Bakit ayaw mong pumunta ako sa kanya?" pa-inosenteng tanong ko sa kanya

"Kasi..."

"Kasi?"

"Mahal na kita Ian Blood" sabi niya at humakbang palayo pero bago pa siya makalayo. Hinawakan ko ang kamay niya at mabilis na hinalikan sa labi. Nakita ko namang nabigla siya. Ang cute cute niya pag nabigla

"Mas mahal kita Calix Scarlett Chandelier y Wander" sabi ko at hinalikan uli siya. Pero this time, hindi na smack kundi kiss na talaga. Hinawakan ko ang ulo at beywang niya habang siya naman ay nakapulupot ang mga kamay niya sa batok ko

"Bakit nakaka-adik ang halik mo?" I ask between our kiss. At naramdaman ko ring ngumiti lang siya. Mas lalo pang lumalim ang halik naming dalawa hanggang sa mawalan na kami ng hininga dalawa kaya yinakap ko nalang siya

"Your officially mine now Calix" bulong ko

"Noon pa man, ako ay sa iyo na Ian Blood" sabi niya at naghalikan uli kami

End of Flashback

Oh diba? Ang bongga?! Ang sarap niyang humalik, sobra! Kung hindi namin itinigil ang halik namin sa oras na 'yon baka may milagro ng naganap. Hahah at magkaroon na ako ng junior

"Aray" daing ko ng nakaramdam ako ng may sumapak sa akin. Bweset! Ang sakit non ah!

"Anong ngiti-ngiti mo diyan Yan?" tanong ng babaeng mahal ko, walang iba kundi si Calix honey my love so sweet

"Oh hi honey" malambing na sabi ko sa kanya at hinatak dahilan para mapaupo siya sa lap ko

"Bakit Yan ang tawag mo sa akin hon? Pwede namang hon rin diba?" malambing na sabi ko pa rin sa kanya

"Wag nalang tayong magtawagan ng ganyan. Ang corny kasing pakinggan" sabi niya na isinimangot ko. Grabe ang babaeng toh! Wala talagang puso!

"Wag kanang sumimangot Yan. Pwede mo namang tawagin ako kung kahit ano. At ang itatawag ko sa iyo ay Yan dahil ako lang ang nakatawag sa iyo ng Yan, diba?" At doon na ako napangiti. Totoo ang sinabi niya, siya lang ang tumatawag sa akin ng Yan

"Oh diba ang gwapo mo pag naka smile" sabi niya na mas lalong napag pangiti sa akin

"Mine date muna tayo. Punta tayo sa amusement park dito" yaya ko sa kanya

"Merong amusement park dito?" tanong niya habang kumikinang ang mga mata niya. Hahah ang cute talaga niya parang tuta. Pero hindi siya tuta ah! Sa ganda niyang yan, maging tuta siya? Tsk

Calix Pov

Woahhh!!!! Ang saya!!! Ang dami na naming sinakyan, Ferris Wheel, yung parang baso, yung kabayo, yung sasakyan, cable car at marami pang iba. Marami rin akong kinain rito, ice cream, cake, chocolate, at iba pang mga sweet. Bigla nalang nag sparkle ang mata ko ng nakita ang roller coaster

"Yan! Sakay tayo ng roller coaster!" yaya ko sa kanya sabay hatak sa kanya patungo sa roller coaster

"Ayaw kong sumakay diyan" sabi niya kaya natawa nalang ako. Hahah takot pala siyang sumakay ng roller coaster

"Mag-antay ka muna dito. Bibili lang ako ng ticket" pagpapalam ko sa kanya at tumakbo na para makabili agad ng ticket

Pag lapit ko sa lalaking nagtitinda ng ticket. Ewan ko ba pero para akong nakakita ng puso sa mata niya. Hahah nain-love yata sa akin si Kuya pero sorry nalang siya. May boyfriend na ako

"Dalawang ticket po" sabi ko sa kanya kaya bigla nalang siyang natauhan

"Ito po Ma'am" sabi niya sabay lahad ng ticket kaya kinuha ko na ito pero ayaw matanggal dahil hindi niya binibitawan

"May kasama po ba kayo Ma'am?" Eh? Wag niyang sabihin, gusto niya akong makasama sa roller coaster? Magsasalita na sana ako ng may biglang nagsalita

"May kasama na siya" sabi ni... alam niyo na

"Kaya pala ang tagal mo dahil sa lalaking ito" bulong niya sa akin. Mabuti nalang at wala akong kiliti sa tenga

"Sorry po Ma'am, ito na po pala ang ticket niyo" sabi niya pero ngitian ko lang siya at hinatak na si Ian. Ah! Oo nga pala, kaya Yan ang tinawag ko sa kanya ay dahil wala pang tumawag na Yan sa kanya diba? Kaya gusto ko ako lang mag-isa ang tumawag sa kanya para special ako, ganon? Gets niyo ba?

_________________

"Hahahahah" todo tawa ako ngayon. Eh kasi naman pag baba namin galing sa roller coaster ay agad siyang natumba at nag susuka. Hahaha kawawa ang boyfriend ko

"Sabing ayaw kong sumakay doon eh!" naiinis na sabi niya

"Hahaha okay ka na ba?" tanong ko sa kanya

"Sa tingin mo, okay lang ako?" tanong niya at nagpout. Wahh so cute naman ng boyfriend ko. Para tuloy siyang hindi si Ian nung una kong nakita

"Alam mo may gamot ang ganito" malambing na sabi niya

"Ano naman? Aber!" tanong ko sa kanya. Hindi maganda ang loob ko sa ikinikilos niya

"Kisspirin" sabi niya sabay nguso kaya pak. Sinapak ko siya. Kisspirin daw! Eh patayin ko siya!

"Sige na nga! Holding handpirin nalang" sabi niya ulit kaya nag holding hands na kami ng may dumating

"What the hell?!!!"





A/N: hala! Sino kaya yun? Hahaha

May bago na naman akong story guys. Kakagawa ko lang, Prologue pa nga nagawa ko eh. Hehehe

The Crystal Academy:The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon