"Sige na nga. Tayo na sa canteen" sabi niya sa mga kasama at umalis na sila.

Nang makarating sa canteen ay kinabahan agad siya. Ano ba ang sasabihin niya kay Jairus?

"Pasabay kami!" sabi ni Mika at tumabi kay Paul, pati si Ella ay umupo din sa isang side ni Paul. Nagulat siya sa bilis ng pangyayari. Iisa na lang ang natirang upuan at katabi pa si Jairus. What the…?

"Pretty Shar upo ka na" sabi ni Paul habang nakangiti sa kanya. Nagaalinlangan siya nung una pero umupo na din. Katabi niya si Jairus pero di  man lang siya binati nito or tiningnan… worst pag-upo niya ay tumayo ito.

"Ako na bibili ng pagkain" sabi nito at umalis na. Nahigit niya ang hininga, ayaw siya nitong katabi and it hurts her. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha, agad niyang pinunasan ito.

"Shar…" sabi ni Mika.

"Ghad Sharlene" sabi naman ni Paul

"May naalala lang ako. Sorry" sabi niya sa mga ito.

Maya-maya ay bumalik si Jairus dala ang mga pag-kain. Burger ang sa mga kasama samantalang carbonara ang sa kanya. Tiningnan niya ito habang nilalapag nito ang pagkain sa harap niya. Alam nito na carbonara ang kinakain niya lagi pag recess.

"Special ang kay Shar. Ang daya" sabi ni Ella. Napangiti naman si Paul at Mika. Samantalang si Jairus di na nagsalita

"Mika walang milktea dito. Labas lang ako. Doon kita bibilhan" sabi ni Jairus.

"Hindi na Jairus"

"Are you sure?" tanong pa nito. Nagsisimula na siyang magselos. Di ba nito napansin na pati siya ay walang maiinom? Is he doing it on a purpose?

"Oo sabi. Umupo ka na"

"Sandali lang bili lang kita ng inumin"

"Wag na, makiki share na lang ako kay Ella. Upo ka na" sabi ulit ni Mika. Silang dalawa lang ang nag-uusap

"Bibili lang ako ng inumin" ulit ni Jairus

"Sabing wag na" tumaas ang boses ni Mika. Nakukulitan na siguro kay Jairus.

"Eh di wag! Pero bibili pa din ako. Walang drinks si Sharlene" nakakunot ang noong sabi nito, nanlaki naman ang mata niya at tiningnan ito. Why Jairus?

"Ohhhh…sabi ko nga, walang drinks si Sharlene. Go bili ka na" nakangising sabi ni Mika. Tiningnan niya din ito and she winked at her. What the…? Isn't she jealous? Kung sa akin nangyari iyon sobrang selos na ang mararamdaman ko.

Nang makabalik si Jairus ay binigay nito ang c2 green sa kanya. She thanked him pero di pa din siya pinapansin nito. Habang kumakain ay nag-usap yung tatlo, samantalang tahimik lang sila ni Jairus. She feels akward, katabi niya ito pero di siya kinakausap. They were so close yet… Haaay!  Kumakain pa siya nang biglang may kumalabit sa kanya. She saw Nash.

"Sharlene can we talk?" sabi nito. Tatayo na sana siya para kausapin ito pero nagsalita bigla si Jairus.

"She's eating" sabi lang nito. But his words are so powerful to her na hindi siya nakapagsalita, ni hindi siya tumayo para kausapin si Nash. She just sat there, beside Jairus…eating!

"Oo nga Nash, baka hindi niya maubos pagkain niya" basag ni Paul sa katahimikan.

"Yeah. Sige mamayang uwian na lang Sharlene. Eat first" sabi ni Nash at tumango lang siya. What has just happened? Can someone tell her?

Kung ako na lang sana (JaiLene fanfic) [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें