KANLS: 29

4.3K 85 14
                                    

Jairus' POV

Nung nalaman niya na break na si Sharlene at Nash ay gustong-gusto niyang lapitan ito, damayan ito, he's ready to be a shoulder to lean on for her…again. Pinaka ayaw niya sa lahat ang nasasaktan ito pero tama si Paul, ilang beses na niyang sinabi sa sarili na kakalimutan na niya si Sharlene pero di niya magawa-gawa, siguro ito na ang tamang panahon para gawin iyon. Kung kaya niyang iwasan si Sharlene ngayong nahihirapan ito mas makakaya niyang lubusan nang kalimutan ito. He'll move on and will never be hurt again by her.

"Jai! friends na kami ni Sharlene" biglang sulpot ni Mika

"Ah ganun ba? Ok, good for you" tipid na sagot niya. Ayaw na niyang pahabain ang usapan. He musn't know anything about Sharlene anymore.

"Ahm alam mo ba─"

"Mika, i don't want to talk about her ok?" 

"But─"

"No buts Mika, please"

"She broke up with Nash" 

"I know and i don't care"

"Akala ko ba─"

"Please Mika. STOP" tumaas medyo ang boses niya. Ayaw niyang pag-usapan si Sharlene. Ayaw niya.

"Ok" bagsak ang balikat na sabi nito bago tuluyang umalis

Mika's POV

Anong nangyari kay Jairus? Kanina pa niya tinatanong sa sarili iyon. She wants to tell him ang nalaman niya, malakas ang kutob niya na may gusto si Sharlene dito pero hindi man lang siya binigyan nito ng chance para mag salita. It seems na ayaw nitong pag-usapan si Sharlene.

But she should do something, sa lahat ng magagandang bagay na binigay at ginawa ni Jairus sa kanya, ang makatulong man lang sana dito para makuha ang babaeng mahal nito is the least thing she could do. She wants Jairus to be happy, he deserves it. At syempre gusto niya ding maging masaya si Sharlene, nung pinagtanggol siya nito kahapon ay kitang kita na nahihirapan ito sa pinagdadaanan. She broke up with Nash at muntik pa nitong masabi na nagseselos ito sa closeness niya kay Jairus. Coincidence? She's so sure it's not. She'll talk to Ella at Paul, tutulungan siya ng mga ito.

OPLAN: Pagbabalikan niJairus-Sharlene a.k.a JAILENE starts now!

Sharlene's POV

"Sabay ka sa amin sa recess Shar huh? biglang sabi ni Mika after mag ring ang bell.

"Sure" nakangiting sagot niya dito.

"Kasama natin si Paul at Jairus" sabi nito kaya agad naman siyang kinabahan. Kaya ba niyang makita si Jairus na sweet sa isang babae? Kaya ba niya?

"Ay! Nakalimutan ko, may gagawin pa pala ako sa library. Next time na lang Mika" sabi niya dito. Ayaw pa niya…di pa niya kaya.

"Shar ano ka ba? Ok lang yan. Bago naman ako dumating sa LuvU kaibigan mo na sila diba?" sabi nito at hinawakan ang kamay niya

"Pero ikaw pa din ang nauna" mahinang sabi niya dito. Naiiyak na naman siya, kababata ni Mika si Jairus and he told her he loves Mika. Masakit…masakit pa din.

"We both know kung sino ang nauna─ makahulugang sabi nito ─Princess"

Nagulat siya sa sinabi nito. Mika knows everything. Jairus tells her everything.

"Mahalaga pa ba kung sino ang nauna? Halina tayo sa canteen! Pag tayo nahuli sa pila wala na tayong makakain" sabi ni Ella kaya sabay silang napatawa ni Mika.

Kung ako na lang sana (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Where stories live. Discover now