1. Favorite

95.9K 2.9K 462
                                    


Chapter 1 

One Tuesday morning, I decided to go out and eat in a pastry shop. Mahilig akong kumain ng cakes sa mga pastry shop dahil hobby ko na ang gumaya ng recipe just all by means of guessing the ingredients that were used. Minsan, nakakatyamba ako. Madalas naman ay hindi. Frustrated pastry chef kasi talaga ako. Hindi ko lang nagawang i-pursue kasi mas pinili kong i-take up ang Nursing.

Of all the pastry shop I've been before, this one is my most favorite. Wanna know why? Katapat lang naman kasi nito ang gym kung saan nagwoworkout ang future boyfriend ko. Actually, paboritong spot ko rin itong table kung nasaan ako ngayon dahil may perfect view ako sa abs— I mean, sa existence ni Austin babe ko. Nasa second floor din kasi ng gym ang kanyang usual spot. Katapatan lang ng floor kung nasaan ako ngayon.

From exactly where I am sitting, tanaw na tanaw ko ang pagtakbo ni Austin babe sa treadmill. Pero ang pinakadabest talagang part ng kanyang workout routine ay ang pagbubuhat niya ng weights o yung dumbbells. Damn, I couldn't help but stare at him from afar. His body was on fire again, and sweat trickled down his face. Nakakapanghinayang nga lang kasi nakasuot siya ng hooded sweat shirt. Pero ayos na rin 'yon, nakita ko na rin naman yan noong isang araw! Hihi.

"Hey there. . ."

Naagaw ang atensyon ko nang biglang may babaeng sumulpot sa gilid ko. I narrowed my brow at her when she sat across me. Nang titigan ko siya ng masama ay dun ko lang narealize na siya 'yong nosy girl na bisita ni Austin babe noong isang araw.

"Ikaw na naman?" mataray na sagot ko sa kanya bago ako umirap.

She just gave me a cunning smile. "May gusto ka talaga sa kanya?" tanong niya at tumingin din sa direksyong kanina kong tinititigan.

"Why do you even care? Obvious naman, 'di ba?"

Hindi siya nakasagot dahil dumating ang order niya. Sumubo siya ng isa bago ako tinignan ulit. This girl is seriously getting on my nerves.

"Kaya mo ba siya ini-stalk?" she finally asked that made my eyes roll.

"Again, why do you even care?"

Here goes her cunning smile again. I hate to admit this but she looks fierce when she smiles like that. Nakakaintimidate tuloy.

"I've noticed how you look at him. Tuwing Tuesday, Friday and Sunday nandito ka, the same schedule as him when he works out."

Despite the shock she gave me, I regained my composure and levelled my eyes on her. "So, are you trying to say that while I'm stalking him, you're stalking me?"

Pinagkibitan lang niya ako ng balikat. "I'm just an inquisitive regular customer here, Miss."

"Tss. . . And being inquisitive can lead you into an unpleasant situation. You know, curiosity killed the cat," I retorted abruptly. "So, who the eff are you, Miss? Are you one of his admirers as well? Kasi kung oo, dapat mong ma realize na hindi magandang ideya ang lumapit sa isang Class A b1tch na kagaya ko."

She flashed her wicked grin. "Is that a warning?"

"No. When I finally spill my coffee on your face, that's considered to be my warning. Kaya ngayon palang, leave me and Austin. . . alone."

Hindi siya kumibo. Nakakaasar lang kasi sa kabila ng pagbabanta ko ay nagawa niya pang sumubo ng cake. This b1tch!

Hinawakan ko na ang tasa ko nang bigla siyang ngumiti sa akin. This time, her smile is warm. "You know what, I like you. . ."

My jaw clenched as well as my fist. Kaunti nalang talaga, sasaboy na ang P185 kong kape sa mukha niya. She has her own way of pissing me off.

"Back off or else—"

His Future Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon