For I am the Lord your God who takes hold of your right hand and says to you "Do not fear; I will help you."
-Isaiah 41:13
Lagi akong nakakaramdam ng takot. Kayo rin ba?
Mahirap kalabanin yung takot kasi nararamdaman yan eh.
Sasabihin mong kaya mo pero kapag nandun ka na mismo sa sitwasyong yun bigla kang makakaramdam ng takot.
Mas nangingibabaw yung takot kesa sa lakas ng loob.
Inaamin ko matatakutin ako. Takot sumubok ng bago.
Takot lumabas sa comfort zoned. Takot kasi ako sa mga mangyayari na baka hindi ko magustuhan yung magiging resulta.
Pero ngayon narealized ko sa sobrang takot ko ang dami kong napapalagpas na pagkakataon.
Ang daming nasayang na panahon at oras na dapat ganito ako, na dapat ganyan na ako ngayon.
Walang nangyari sakin, Ay! meron pala may nangyari naman sakin dahil sa matatakutin ako. Kaso hindi maganda nauunahan na ako ng mga naunahan ko dati. Gets nyo?
Yung feeling na ikaw nauna mag.graduate pero naunahan kapa ng iba magtrabaho. Oh diba? Napag-iiwanan ako kasi nga lagi akong takot.
Walang nangyaring maganda sakin.
Dapat una pa lang hinayaan ko na si God na kumilos sa buhay ko dapat hindi ko hinayaan yung takot na manirahan sakin, sa buhay ko.
Mas una ko kasing naramdaman yung takot kesa ibigay kay Lord yung tiwala ko.
Nagkamali ako pero ngayon alam ko na hindi ko kailangan matakot kasi nandyan si Jesus Christ para tulungan tayo. Para malampasan natin yung mga bagay at problem na dumadating satin.
God is always with us to help. Wag lang tayong matakot kasi hindi ina-allow ni Lord yung takot na manirahan sa bawat isa satin. Pray lang tayo kapag nakakaramdam tayo ng takot at bibigyan tayo ni Lord ng lakas ng loob para sa mga bagay na kinakatakutan natin.
Share lang :)
Hehehe. Sana may nakuha kayo saking alam nyo na :v
Godbless! Goodnight!
