Till We Meet Again: PART 2

23 5 46
                                    


-3rd Person's POV-

"Anak ninyo ba iyon?"  tanong ng isang matandang babae na naging dahilan para mapatingin ang mag-asawa sa kanilang kaliwa kung nasaan nakapwesto ngayon ang matanda.

"Ah... Opo." nakangiting sagot ng ina ng bata kahit na nalilito ito kung siya nga ba ang kinakausap ng matanda. Hindi din naman nagtagal ay tumingin ang matanda sa mag-asawa na may suot na seryosong mukha.

"May kasama ang anak ninyo. Hindi siya nag-iisa." simpleng sambit ng matanda na naging dahilan para magtinginan agad ang mag-asawa pero nang tumingin ulit sila sa matanda ay wala na ito. Tilang naglaho na lamang ito na parang bula.

After a month

Lumipas pa ang madaming araw at lagi na silang tumatakas para pumunta sa lugar na tinawag nilang Luciole. Dito sila madalas maglaro, magkwentuhan at magtampisaw sa lawa. Para sa kanila, ito ang isang lugar na malaya nilang nagagawa ang kanilang gusto, lugar kung saan walang kalungkutan, puro tawanan at kasiyahan lamang.

"Van, pwede mo na bang sagutin 'yung dati kong tanong sa'yo? Bakit mo ako binabantayan dati?" tanong ulit ni Rey nang maalala niya ang dati nitong tanong para sa kaibigan. Ngumiti muna si Evans bago siya humiga sa damuhan at tumingin sa langit kung saan makikita mo ang napakadaming bituin at mga alitaptap na lumilipad sa kalangitan.

"Dahil para kang araw Rey. Alam mo bang ikaw ang pinakamaliwanag na taong nakita ko." sagot naman ni Evans na naging dahilan para kumunot ng husto ang noo ni Rey.

"Ako ba'y pinagloloko mo?" iritang tanong ng batang babae ngunit tinawanan lamang siya ng batang lalaki.

"Ano bang ibig mong sabihin? Araw? Ako?" sunod sunod ulit nitong tanong habang nakakunot pa rin ang noo sabay turo pa sa sarili niya.

"Sabihin na lang natin na isa akong gamo gamo at isa ka namang ilaw. Alam mo naman siguro na naaakit ang mga gamo gamo sa ilaw o liwanag di ba?" tanong ni Evans habang isang tango lamang ang binigay nitong sagot sa batang lalaki.

"Katulad ng isang ilaw, nagtataglay ka ng liwanag na nagiging dahilan para maakit ang gamo gamo sa'yo at ako 'yun. Kahit na anong gawin naming pigil para lumayo sa'yo, sa huli lalapit at lalapit kami. Ang dahilan kung bakit hindi ko magawang makalapit sa'yo noon ay dahil wala pa aking permisyo para lapitan ka pero nung araw na sinabi mong magpakita ako sa'yo, iyon ang senyales na maaari na akong makalapit sa'yo, sa ilaw." paliwanag ni Evans pero mas lalo lamang naguluhan si Rey at halos magwala na ito dahil hindi niya naiintindihan lahat ng pinagsasasabi nito.

"Ano bang 'yang permisyo permisyong sinasabi mo?!" malakas na reklamo ni Rey sabay higa sa tabi ng kanyang kaibigan na si Evans.

"Katulad ng gamo gamo kapag lumapit siya ng husto sa ilaw, masusunog ang kanilang pakpak hanggang sa mamatay sila. Katulad lang nila kami, kaso hindi kami mamamatay, mawawala lang kami agad at hindi na ulit kami makakabalik sa *pabulong* katawang mortal namin kahit kailan." nakangiting sambit ng batang lalaki at base sa ngiti nito, mahahalata na pilit lamang ito.

After 2 weeks

"Rey, ayos ka lang ba talaga? May masakit ba sa'yo? Sabihin mo lang kila papa para masabihan agad natin si Dr. Cedrich hah." nag-aalalang sambit ng kanyang ama ngunit tila walang naririnig ang kanilang anak at nanatili itong nakatulala sa labas ng kanyang bintana.

"'Nak, si mama ito. Sabihin mo nga sa akin, ano bang nangyayari sa'yo?" nag-aalala ding sambit ng kanyang ina at agad nitong hinawakan ang kamay ng anak na naging dahilan para mapatingin ito, Ngunit imbes na sumagot ito, isang iling lamang ang ginawa nito bilang sagot na naging dahilan para magtinginan ang mag-asawa't mapabuntong hininga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Till We Meet Again (Short Story)Where stories live. Discover now