Till We Meet Again: PART 1

92 17 1
                                        


-REY'S POV-

"Anak, wala ka bang balak na lumabas dito sa kwarto? Hindi ka ba naiinip?" tanong sa akin ni mama pero binigyan ko lang siya ng isang inosenteng tingin at hindi din nagtagal ay napabuntong hininga na lang ito sabay tingin kay papa, kaya ganun din ang ginawa ko. Tila ba nag-uusap ang kanilang mga mata na para bang ayaw nilang iparating sa akin kung ano man ang gutso nilang sabihin.

"Rey, gusto mo bang samahan kita sa garden? May nakita akong mga bata doon. Lika, makipaglaro ka sa kanila!" masiglang sambit ni papa habang inaaya akong tumayo sa kama. Tumingin muna ako sa kaliwa ko tapos sa kanan, bago ako tumingin ulit kila mama sabay iling sa kanila.

"Ayaw ko po papa. May kasama naman po ako dito, andito po sila Ate Clarice at Andrea kaya may kalaro po ako dito." nakangiti kong wika sabay turo sa kaliwa at kanan ko.

"Hmmm... Nak, wala naman tayong ibang kasama dito. Hahaha Sino ba sila Clarice at Andrea? Mga kaklase mo ba sila sa kindergarten? Bibisitahin ka daw ba nila ngayon?" tanong ni mama sa akin at mukhang hindi siya sigurado kung ngingiti ba o hindi. Napabusangot na lamang ako sabay iling bilang sagot sa kanila.

"Hindi po mama. Andito sila. Si Ate Clarice nakatayo siya malapit sa bintana *turo sa kanan* tapos si Ate Andrea naman, nakaupo siya dito oh. Katabi ko pa nga e." masaya kong sambit pero mukhang hindi sila natutuwa sa binanggit ko at hindi din nagtagal ay nagkatinginan ulit sila. Pinapanood ko lang sila mama't papa magtalo ng tahimik hanggang sa bigla na lang akong kinalabit ni Ate Andrea.

"Wag kang maingay sa kanila." mahinang sambit ni ate Andrea habang nakalagay ang kanyang hintuturong daliri sa labi niya na para bang sinasabi na wag akong maingay kaya tumangotango ako bago ngumiti. Hindi din naman nagtagal ay tumingin ulit ako kila mama at nagtutulakan na silang dalawa. Nag-aaway ba sila?

"Ah... Rey, labas muna kami ni mama hah. Nice meeting you Andrea at Clarice. Kayo muna bahala kay Rey." pagpapaalam ni papa at tila hindi alam kung saan dapat tumingin dahil sobrang likot ng mga mata nito. Para bang hindi siya sure kung sa kanan o sa kaliwa titingin. Ang weird naman nila.

Hindi din naman nagtagal ay lumabas din sila mama na nagtutulakan o mas mabuting sabihin na mas mukha silang nagtatalo dahil sa mga kunot nilang mga noo. Nakasimangot naman akong tumingin kila ate Clarice at Andrea pero nagulat na lang ako nang hindi ko na sila makita sa loob ng kwarto ko.

"REY!" sigaw ni ate Clarice kaya napatingin ako sa harapan at nandoon na silang dalawa sa kama ko. Nakaupo sila sa harapan ko kaya naman napangiti agad ako nang makita sila. Akala ko kasi iniwan na din nila ako katulad ni Wilson, Vic at Helen. Sila 'yung pinakauna kong mga kaibigan dito sa ospital.

"Bakit ka na naman nakasimangot kanina?" nagtatakang tanong ni ate Andrea kaya naman napailing-iling na lang ako bilang sagot bago ngumiti sa kanilang dalawa.

Siya nga pala si ate Andrea, 15 years old at siya ang madalas mag-alaga sa akin dito kapag wala sila mama. Silang dalawa din ni ate Clarice ang madalas kong kasama dito sa loob ng kwarto ko, 12 years old naman si ate Clarice habang ako naman ay 7 years old kaya naman ako ang bunso nila. Iyon din ang dahilan kung bakit alagang alaga ako.

"Ate? Bakit ganun sila mama? Bakit parang hindi nila kayo nakikita?" tanong ko dahil naiinis ako kila mama dahil hindi nila kinakaibigan 'yung mga kaibigan ko. Kung titignan ng mabuti, sila nga 'yung madalas kong kasama dito pero hindi man lang nila tinatanong kung sino sila. Kahit nga pangalan nila, hindi man lang nila maitanong.

"Hindi kasi kami nagpapakita sa kanila. *smile* Nahihiya kasi kami." paliwanag ni ate Andrea sa akin pero kusa na lang kumunot ang noo ko. Hindi nagpapakita? Nagtatago ba sila tuwing titingin sila mama sa kanila? Hindi ba mahirap 'yun? Paano kaya 'yun?!

Till We Meet Again (Short Story)Stories to obsess over. Discover now